27/05/2026
Devotion Passage:
Genesis 49
Ang Pahayag ni Jacob Tungkol sa Kanyang mga Anak
Genesis 49:1 Ipinatawag ni Jacob ang kanyang mga anak at sinabi, “Lumapit kayo sa akin, at sasabihin ko sa inyo ang mangyayari sa inyo sa hinaharap:
Genesis 49:2 “Kayo mga anak, magsilapit sa akin, akong inyong ama ay sumandaling dinggin.
Genesis 49:3 “Si Ruben ang aking panganay na anak, sa lahat kong supling ay pinakamalakas;
Genesis 49:4 mapusok ang loob, baha ang katulad, bawat madaanan ay sumasambulat. Sa kabila nito'y hindi ka sisikat, hindi mangunguna, hindi matatanyag; pagkat ang ama mo ay iyong hinamak, dangal ng aliping-asawa ko ay iyong winasak.
Genesis 49:5 “Simeon at Levi na magkapatid, ang sandata ninyo'y ipinanlulupig;
Genesis 49:6 sa usapan ninyo'y di ako sasali, sa inyong gawain, hindi babahagi. Kapag nagagalit agad pumapatay, lumpo pati hayop kung makatuwaan.
Genesis 49:7 Kayo'y susumpain, sa bangis at galit, sa ugali ninyo na mapagmalabis; kayo'y magkawatak-watak sa buong lupain, sa buong Israel ay pangangalatin.
Genesis 49:8 “Ikaw naman, Juda, ay papupurihan niyong mga anak ng ina mong mahal, hawak mo sa leeg ang iyong kaaway, lahat mong kapatid sa iyo'y gagalang.
Genesis 49:9 Mabangis na leon ang iyong larawan, muling nagkukubli matapos pumatay; ang tulad ni Juda'y leong nahihimlay, walang mangangahas lumapit sinuman.
Genesis 49:10 Setrong sagisag ng lakas at kapangyarihan sa kanya kailanma'y hindi lilisan; mga bansa sa kanya'y magkakaloob, mga angkan sa kanya'y maglilingkod.
Genesis 49:11 Batang a**o niya doon natatali, sa puno ng ubas na tanging pinili; mga damit niya'y doon nilalabhan, sa alak ng ubas na lubhang matapang.
Genesis 49:12 Mata'y namumula dahilan sa alak, ngipi'y pumuputi sa inuming gatas.
Genesis 49:13 “Sa baybaying-dagat doon ka, Zebulun, ang sasakyang-dagat sa iyo kakanlong; ang iyong lupai'y aabot sa Sidon.
Genesis 49:14 “Malakas na a**o ang katulad mo, Isacar, ngunit sa kulungan ka maglulumagak.
Genesis 49:15 Nang kanyang makita iyong pahingahan, ang lupain doo'y tunay na mainam, tiniis na niyang makuba sa pasan, nagpaalipin na kahit mahirapan.
Sinu ang Diyos?
Ano ang Kanyang itinuturo?