God's Masterpiece

God's Masterpiece This page is for giving encouragement and sharing how great and awesome our God is..

02/04/2026
God is Love.
14/02/2026

God is Love.

To the One who feels my deepest painTo the One who sees my quiet tearsTo the One who knows the unspoken words I can't sa...
06/02/2026

To the One who feels my deepest pain
To the One who sees my quiet tears
To the One who knows the unspoken words
I can't say out loud.
It's true that more than I do,
You know me so well.

To the One who never gets tired of
listening to my silent prayers.
To the One who fights all my battles.

To the One who created me,
my hiding place, my comfort, my refuge.

Thank you for not leaving me.
Thank you for keeping me, ALWAYS. πŸ₯ΊπŸ™‡β€β™‚️

--thank you for following my page. God bless. ❀
'sMasterpiece

20/04/2025

PODCAST
Episode 1 : Reflecting
Please share and be blessed

16/09/2024

Ilang beses mo bang ninais na pagmasdan ang unti-unting paglubog ng araw? Na tila ba may munting payapa na umuusbong habang kumukulay kahel ang kalangitan.

Inasam mo rin ba na may dalampasigan na lagi kang matatakbuhan? Na tila ang mga alon ang lunas sa pagod mong isipan.

Nais mo lamang na mapayapa ka kahit saglit, mag-isa at malayo sa gulo. Ngunit sadyang mahirap kung ang ingay na naririnig mo ay mula sa iyong kalooban, nasa isipan at di mo magawang takasan.

Ilang paglubog na ng araw ang iyong napagmasdan? Maaaring hindi mabilang na alon na rin ang iyong natanaw. Subalit ang inaakala mong kapayapaan.. ay panandalian.

Sino ba ang may likha ng araw o ng alon na iyong pansamantalang kublihan? Mauunawaan kaya Niya lahat ng bigat na iyong pasan? Bigat na hindi maiibsan ng malalim na buntong-hiningang pinakakawalan habang papalubog ang araw o ng banayad na hampas ng alon sa dalampasigan.

Ang tanging may hawak ng kasagutan ay ang May likha ng tumatanglaw na araw, gumuguhit ng magandang kalangitan at ang tanging dahilan ng malawak at asul na karagatan. Lahat ng bagay ay likha ng Kaniyang kamay.. Ngunit alam mo ba na sa lahat ng Kaniyang nilikha, Ikaw ang pinakamahalaga? Mata Niya'y nakatuon sa Iyo kahit pakiramdam mo'y lumalaban ka na lang nang mag-isa.

Ang kapayapaang ibinibigay Niya ay hindi katulad ng kapayapaang naidudulot ng mga bagay sa mundo. Sa magulo mong isipan, ang mga salita Niya ang dapat pumuno. Alam Niya kung gaano kalupit ang mundo at ramdam Niya ang lahat ng sakit at bigat na nadarama mo.

Kilala ka Niya at mahal ka Niya.

Sa iyong pagtawag, at sa unang hakbang pa lamang ng iyong paa palapit sa Kaniya, patakbo na Siyang lalapit na kamay ay nakabuka upang yakapin ka. Oo mahal ka Niya, patunay ang buhay na inalay Niya. Buksan mo lang ang puso mo at hayaan mong mangusap Siya.

Siya'y laging handang makinig.

Ang Hari ng Kapayapaan ay bigyan mo ng puwang. Siya lang ang sagot sa magulo at nakakapagod na buhay, sa ingay na nasa loob mo na nais mong pakawalan at maging sa lahat ng "bakit" na nais mong maunawaan.

Usap kayo.

Siya at ikaw, sa kalmadong mundo..

-----Sis. Rechel..❀

-please follow my page po. God bless. πŸ™

This page is for giving encouragement and sharing how great and awesome our God is..

Saan nga ba maihahalintulad ang Iyong katapatan? Maaari bang matagpuan sa Iyo ang kasapatan?Sa buwan ba na kung gabi ay ...
16/09/2024

Saan nga ba maihahalintulad ang Iyong katapatan?
Maaari bang matagpuan sa Iyo ang kasapatan?

Sa buwan ba na kung gabi ay tumatanglaw? ngunit may panahong nagtatago ito at dilim ang ating kublihan.
Sa araw ba na di nakakalimot sa pagsikat?
subalit liwanag nito'y natatabunan din ng makapal na ulap.
Kung sa mga bagay na ito, hindi Ka kayang maikumpara kung gaano ka katapat, marapat lamang na ang buong tiwala ko ay sa Iyo ilagak.

Ikaw nga ay tapat, Ikaw rin ay sapat. Sa buhay na ito na ang mga tao ay abala sa maraming nais. Nakakalimot ang tao na sa huli Ikaw lang ang tanging kailangan at dapat ang aming buhay ay sa Iyo lamang isalig.

Tapat Ka sa lahat ng salita at pangako Mo.
Sapat Ka na nagbibigay ng tunay na kagalakan at
kapayapaan sa buhay na ito.
Salamat sa katapatan Mo, Ikaw ay sapat sa buhay ko.

Panginoon, Ikaw ay sapat at kailanman
Ikaw ay mananatiling tapat..

- Sis. Rechel β€πŸ˜‡

God is building your faith between "I don't understand" and "I put all things in your hand"
15/09/2024

God is building your faith between "I don't understand" and "I put all things in your hand"

You are not a mistake, He formed you as masterpiece..See yourself as the creator sees you.. ❀
14/09/2024

You are not a mistake, He formed you as masterpiece..
See yourself as the creator sees you.. ❀

As you grow in FAITH, you will realize the big difference of "knowing" and "following"
14/09/2024

As you grow in FAITH, you will realize the big difference of
"knowing" and "following"

If it's from God...
13/09/2024

If it's from God...

Address

Naga City

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when God's Masterpiece posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share