21/11/2022
Posture of Hands during the “Our Father”
The General Instruction of the Roman Missal (GIRM) said 28 times that "Orans Posture" is to be done by the Priest.
The “Orans Posture” is the posture of the priest during certain parts of the Mass, including the “Our Father”. He stands with his hands out, palms up and elbows bent.
Ang “Orans Posture” o ang nakalahad na mga kamay ay para lamang sa pari. Dalawampu’t walong (28) beses na binanggit sa General Instruction of the Roman Missal (GIRM) ang “with hand extended” para sa mga pari. Ang nasabing hand posture ay malinaw na itinakda para sa mga pari. Walang mababasa sa GIRM na nagsasabing ang mga layko ay dapat naka-Orans Posture rin kasabay ng mga pari at obispo.
Maaring may ilan na maaring magsabing, kasalo na tayo sa pangkahalatang pagkapari (universal priesthood) noong tayo ay binyagan kaya hindi na kalabisan ang pagpapakita ng mga ng “Orans Posture” sa banal na Misa. Kung gayon nga ang ating pangangatwiran, e di sana pinahihintulutan na rin tayo na mag-consecrate o di kaya gumanap sa ilang mga gampaning nakatakda lamang para sa isang naordinahang pari.
Ang Roman Missal ay walang itinakdang posisyon ng kamay para sa mga layko tuwing dadako na sa bahagi ng “Ama Namin” sa Banal Misa, dahil dito maaring pagdaupin ng mga layko ang kanilang mga kamay. Gayunpaman, tuwing private prayer, ang “Orans Posture” ay maaring gawin ng bawat laykong Katoliko.