01/05/2026
Isa sa pinaka-delikadong kalaban ng tao ay hindi nakikita sa labas.
Ito yung sama ng loob na hindi na kikita ng mga tao pero matagal mo ng dinadala.
Mas mahirap pa kapag naranasan mo ito sa simbahan. Yung lugar na dapat nagpapalakas sayo pero doon ka pa nasaktan.
May part sa leadership na hindi mo maintindihan.May moment na nasaktan ka. At minsan, may nangyari pa sayo na hindi mo gusto.
Pero ang totoo:
Kahit ang pinakamalalaking kumpanya sa mundo, hindi perpekto.
May pagkukulang, may problema.
What more pa kaya ang simbahan?
Kapag puno ka ng sama ng loob, nag-iiba ang pananaw mo.
Lahat nagiging issue sayo.
Lahat napapansin mong mali.
Kahit maliit na bagay,big deal sayo.
Kaya kahit sinasabi mong
"okay ka lang".
"Kalimutan na natin yon."
Ang totoo ayaw mo lang pag-usapan, may sama ka pa rin ng loob na hindi mo ma-let go.
Ang payo ko sayo kapatid.
1.Hindi ka gagaling kung nagpapanggap ka.
Harapin mo at huwag mong itago.
Hindi ka gagaling sa bagay na hindi mo inaamin.
Hindi kahinaan ang umamin na nasaktan ka, doon nagsisimula ang healing.
Kung patuloy mong sasabihin na
“okay lang ako” lalo mo lang pinapahaba at pinapahirap ang sitwasyon.
2. Talk to the right people
Kung disciple ka, kausapin mo ang pastor o leader mo.
Hindi para magreklamo kundi para magkaunawaan.
Maraming relasyon ang nasisira hindi dahil sa kasalanan kundi dahil walang malinaw na usapan.
3.Choose to release
Pakawalan mo, huwag mong paulit-ulit balikan.Hindi mo kontrol ang nangyari pero kontrol mo kung paano ka magre-respond.
Kung paulit-ulit mong binabalikan ang sakit, lalo itong lalalim.
Pero kapag pinili mong magpatawad,
hindi ibig sabihin tama sila, ibig sabihin pinapalaya mo ang sarili mo sa sama ng loob.
Hindi ka tinawag ng Diyos para mabuhay na may dalang bigat.
Tinawag ka Niya para lumago, maglingkod, at maging malaya.
Huwag mong hayaan na ang sama ng loob ang maging dahilan para huminto ka, gawin mo itong dahilan para mas lalo kang lumapit sa Diyos at mag-heal.