07/04/2026
ISANG TAOS-PUSONG PASASALAMAT mula sa AYF Manauli Kayumanggi IV, Rev. Fr. Jose Maria de Jesus at Rev. Fr. Dante de Jesus, at ang buong Aglipayan Church Alabang kay Kapitana, Kgg. Christine "Tin-tin" Abas-Ding at Unang Ginoo, Kgg. Jason Ding, sa kanilang mahalagang donasyon para sa AYF Manauli Kayumanggi VII.
Sa pamamagitan po ng mahalagang handog na ito ay naipagawa -- at mahimalΓ‘ng natapos sa loob lamang ng tatlong araw! -- ang isang maganda at makabagong "carroza" na pinaglulanan ng banal na imahen ng "Santo Entierro" sa ginanap na Prusisyon noong Biyernes Santo sa mga lansangan ng Alabang matapos ang mahigit na anim na dekada.
Nawa'y patuloy kayong pagpalain ng ating Diyos sa inyong kabutihang-loob.