22/08/2023
Take time to read. ❤💙
Why We Should Evangelize?
Evangelism -the winning or revival of personal commitments to Christ/ preaching the Gospel and convert to Christianity.
Seven Reasons for Winning Souls
1. Because Jesus is a soul winner.
Ang Anak ng Tao ay naparito upang hanapin at iligtas ang naligaw.
Lucas 19:10
According sa verse hinubad ni Hesus ang Kanyang pagiging Dyos at nag-anyong tao upang tayo'y abutin at iahon sa pagkaalipin sa kasalanan. Nais nyang mapanumbalik ang ugnayan ng tao sa kabanal-banalang Diyos.
Totoo ang pahayag na ito at dapat paniwalaan ng lahat: Si Cristo Jesus ay dumating sa sanlibutan upang iligtas ang mga makasalanan. At ako ang pinakamasama sa lahat ng mga makasalanan. -1 Timoteo 1:15
Even si Pablo na isang persecutor at mamatay tao nabago ang buhay ng maengkwentro niya mismo si Hesus. Even ang pinakaworst na tao kapag ninais ng Dyos sagipin kaya niyang baguhin ang buhay. From Persecutor to Preacher, praise God!
Sinabi ni Jesus sa kanila, “Sumunod kayo sa akin at gagawin ko kayong mga mangingisda ng mga tao.”
-Mateo 4:19
Sina Pedro na mangingisda ay Kanyang tinawag. Hindi na lang isda ang kanilang bibingwitin kundi they will be fishers of men.
Hindi lang itinuro sa atin ni Jesus kung paano maging soul winner kundi binigyan niya pa tayo ng huwarang halimbawa. Na every person na Kanyang maeencounter even in His simple ways and teaching, babaguhin Niya talaga a g buhay basta maniwala lang. Even you, for sure meron ka ring sariling testimony of His great love? Ganyan ang puso ng isang soul winner. Totoong nagmamahal ❤
2. Because the harvest is great
Kaya't sinabi niya sa kanyang mga alagad, “Napakarami nang aanihin, ngunit kakaunti ang mag-aani.
Idalangin ninyo sa may-ari ng aanihin na magpadala ng mga mag-aani.” -Mateo 9:37-38
Kung mapapansin natin, marami pang naliligaw ang dapat mabahagian ng salita ng Dyos. Hindi mo na kailangang magmisyon sa ibang bansa, tumingin ka lang sa paligid mo, sa kabaranggay mo, sa kapitbahay mo even sa pamilya mo. Nashareran mo ba sila? O nahihiya ka? We must move and preach the Gospel. Kailan ka pa magbabahagi kapag huli na ang lahat? Kapag patay na sila? Hindi pwedeng tumunganga na lang tayo and wait till the rapture comes. We must work, sino aasahan nating magbahagi? Hindi naman palay ang lalapit sa manok unless possessed ang palay? Gets? Sayang lang lahat ng natutuhan ant narinig natin kung hindi maibabahagi sa iba. Wag tayong maging madamot sa pagbahagi ng mabuting balita.
3. Because the laborers are few.
Sinabi ng Panginoong Yahweh, “Darating din ang araw na papairalin ko sa lupain ang taggutom. Magugutom sila ngunit hindi sa pagkain; mauuhaw sila ngunit hindi sa tubig, kundi sa pakikinig ng aking mga salita.
-Amos 8:11
Sa darating na panahon kung saan wala ng nagbabahagi ng salita ng Dyos maaaring nasa langit na tayo at kapiling ng ating Ama at ni Hesus, dahil sa katigasan ng tao at hindi nila pinagkinggan ang tungkol sa kaligtasan at nanatili sila sa kanilang masamang pamumuhay tulad ng pagiging suwail ng bayang Israel ay darating ang araw ng kapahamakan. Maraming tao ang maghahanap sa mga tagapagbahagi ng mabuting balita ngunit kahit saang dako ay wala na silang matatagpuan. Labis silang mauuhaw at magugutom hindi sa pisikal na pagkain kundi sa espiritwal ngunit sila'y mabibigo sapagkat saanmang dako ay hindi sila makakatagpo ng tagapagbahagi ng salita hanggang sila'y tuluyang mabuwal. Sinayang nila ang mga paalala. Huli na para sa pagsisisi. Ibubuhos na ang galit ng Dyos.
4. Because of the great commission.
At sinabi ni Jesus sa kanila, “Habang kayo'y humahayo sa buong mundo, ay ipangaral ninyo sa lahat ng tao ang Magandang Balita. -Marcos 16:15
Saanmang dako ka naruruon ngayon, may rason. Diyan ka inilagay ng Dyos sapagkat may misyon ka. At malay mo hindi lang dyan kundi gamitin ka pa ng Dyos all over the world to preach His word. Bawat lugar at bansang tatapakan natin, we have the authority. Wag tayong matakot at mag-alinlangang magbahagi. Matindi kaya back-up natin.
Kaya't habang kayo'y humahayo, gawin ninyong alagad ko ang mga tao sa lahat ng bansa. Bautismuhan ninyo sila sa pangalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo.
Turuan ninyo silang sumunod sa lahat ng iniutos ko sa inyo. Tandaan ninyo, ako'y laging kasama ninyo hanggang sa katapusan ng panahon. -Mateo 28:19-20
Eto ang pinakamatinding misyon na ibinigay sa atin na marapat nating gampanan. Kaya nga tayo dinisciple, nag-undergo process, at sinanay para sa gawaing ito. We must go and preach the gospel. Win and make disciples. Baptize every believer para mas tumibay at maging ganap na mananampalataya. Ibahagi sa kanila ang lahat ng atin natutuhan upang hindi mawalan ng kabuluhan, anumang taglay nating kakayahan kapag hindi naipasa sa iba mawawalan ng saysay. Yan ang legacy natin, we must be instrument of God's presence. Walk the vision sapagkat sagot tayo ng Dyos. Kasama natin Sya sa laban. More than conquerors tayo.
5. Because of the unfulfilled prophecies of Christ's return.
Ipapangaral sa buong sanlibutan ang Magandang Balita tungkol sa paghahari ng Diyos upang ang lahat ng bansa ay makarinig nito. At kung maganap na ito, darating na ang katapusan.” -Mateo 24:14
Alam naman natin na muling babalik ang Panginoong Hesus sa takdang panahon. Nakikita na natin ang mga senyales ng end days. Nariyan ang patayan, droga, away ng mga bansa, terorismo, malalang sakit, bagyo, lindol at kung ano pang malalang mga kaganapan sapagkat the days are evil. Hanggat hindi pa lahat nababahaginan ng mabuting balita ang lahat ng sulok ng mundo hindi pa babalik ang Panginoong Hesus. Kailangang mabigyang babala muna ang lahat upang sa Kanyang muling babalik ay hindi Sya masisi na hindi nila alam ang tungkol sa paghuhukom sapagkat nalaman naman nila ang katotohanan. Kaya we must share the gospel upang magkaroon ng kaganapan ang lahat.
6. Because God's will hold us accountable.
“Ezekiel, anak ng tao, ginagawa kitang bantay ng bansang Israel. Makinig ka sa aking sasabihin, at bigyan mo sila ng babala. Kapag sinabi kong tiyak na mamamatay ang mga taong masama, at hindi mo sila binigyan ng babala upang sila'y makapagsisi, ang mga tao ngang iyon ay mamamatay dahil sa kanilang kasalanan; ngunit pananagutan mo sa akin ang kanilang kamatayan.
-Ezekiel 3:17-18
Medyo matindi ang verse na to mga kapatid. We are accountable sa mga kapatid natin. We must warn them about sa paparating na kapahakan. Kung meron tayong kapatid na nanlalamig o nabackslide, we must encourage them though alam naman natin na individual ang salvation pero meron pa rin tayong tungkuling magpaalalahanan at magtulungan. Dapat may concern din tayo sa iba at wag maging selfish. Kung alam natin ang katotohanan ngunit hindi natin iti ibinahagi sa iba, wala rin iting saysay. Truth is not enough to save but knowing the truth and applying the truth will save us. Gets po? Tayo'y ilaw at bantay, magmalasakit tayo sa iba. Akayin natin sila sa paanan ni Hesus upang makapagsisi at talikdan ang kasalanan. Wag nating hayaang maquestion ang pagiging Kristyano natin sa oras na kaharap na natin ang Dyos. Gawin natin ang ating pananagutan. Be responsible!
7. Because of what we have experienced.
Gayundin naman, paano tayo makakaiwas sa parusa kung hindi natin pahahalagahan ang napakadakilang kaligtasang ito? Ang Panginoon ang unang nagpahayag ng kaligtasang ito, at ang mga nakarinig sa kanya ang nagpatunay sa atin na ito'y totoo. Pinatunayan din ito ng Diyos sa pamamagitan ng mga tanda at ng iba't ibang himala, at sa pamamagitan ng mga kaloob ng Espiritu Santo na ipinamahagi niya ayon sa kanyang sariling kalooban.
Mga Hebreo 2:3-4
Pahalagahan natin ang kaligtasang tinanggap natin mula sa biyaya ng Dyos. Hindi porket pinalaya na tayo ay magiging abusado na tayo. Bawat karapatan ay may kaakibat na responsibilad. Alam natin yan. Pinagkalooban tayo ng ibat ibang kakayahan na dapat nating pagyamanin at gamitin sa paggawa ng kabutihan. Naranasan natin kung gaano kabuti ang Dyos kayat wag natin itong ipagkait sa iba. Be a living testimony. Na sa buhay natin makita nila na kumikilos ang Dyos at patuloy na bumabago sa atin at maging ganap na kawangis ni Hesus. Wag nating hayaang muli tayong malinlang sapagkat tayoy pinalaya na. Hindi tayo nakatadhanang mapahamak kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan. We must believe and see. Let faith arise sa buhay natin. Dapat makita sa buhay natin ang joy of salvation.
Conclusion:
We must win souls no matter what it takes. Hayaan nating marating ang mga taong naliligaw at nasa kadiliman upang maakay patungong liwanag. Wag sayangin ang pagkakataon at samantalahin natin ang pagkakataon. Ngunit bago yun we must be connected sa true source. Apart from Him we are nothing. Now is the time to move. Wag ng ipagpaliban ang evanglism. Ang salita ng Dyos ay hindi sa twing special occasion sapagkat ito'y for all season. We should evangelize sapagkat the end is near. What if biglang bumalik ang Dyos tapos hindi pa natin nagagawa ang tungkulin natin? We are equipped to serve. We are in the last days kaya priority first. Wag na tayong tatamad tamad. Our life must be rooted to God's word para may bala tayo sa pagbahagi ng salita. We can't give what we don't have ika nga. Kaya dapat puspos tayo ng espiritu ng Dyos upang maging daluyan tayo ng Kanyang presenya. Answer your calling. Its now or never? Masaya ang byahe patungong heaven if alam mo sa sarili mo na natupad mo ang misyon mo. Mission accomplished ika nga. Tapos sasabihin ka pa ni Lord na welcome thy faithful servant. Wooah. Sarap siguro nun. Amen?
Kaya kapatid humayo kana, lahat ng itinanim mo ay yung aanihin sa takdang panahon. Maybe 30, 60, 100 folds. Nasa iyo yan. Fulfill your mission or gusto mo lang maging konsomisyon. Haha. Kaya humayo na. Let's win soul and make disciples. His name be exalted high. To God be all the glory. Nawa po ay mayroon tayon natutuhan.
Outline from my mentor Ptr. Cesar Dacunes.