27/09/2026
MGA KABATAANG FRANCISCANO SA TRÁNSITO EXHIBIT NG MEYCAUAYAN
Hindi hadlang ang murang gulang para maging banal. Maraming mga kabataan na sumapi sa Tercera Orden Franciscana at sumunod sa panawagan ni San Francisco
Narito ang mga imahen na nasa hanay ng Parokya ng San Francisco ng Assisi-Meycauayan:
- Santa Rosa de Viterbo, patrona ng mga kabataang Franciscano; 18 taong gulang nang pumanaw matapos gugulin ang buhay sa pangangaral at pag-aayuno; ipinakikitang nakatayo sa siga habang nangangaral sa isang mangkukulam
- San Luis Ibaraki, sakristan at martir na Hapones; 12 taong gulang nang siya ay hulihin at patayin sa Nagasaki dahil sa pagiging Kristiyano
- Santa Bernardita Soubirous, 14 taong gulang siya nang nagpakita sa kanya ang Mahal na Birhen ng Lourdes; nagmongha matapos nito at pumanaw sa gulang na 35
- San Luis de Tolosa, prinsipe ng Anjou sa Francia na iniwan ang masaganang buhay para maging Franciscano; ginawang obispo ng Tolosa sa gulang na 21 at namatay isang taon matapos nito.
Bukás ang Tránsito Exhibit ng araw-araw hanggang sa ika-3 ng Oktubre.
Lahat kayong mga kabataang Franciscano na naging santo, ipanalangin ninyo kami!