New Life Christian Fellowship, Novaliches, Quezon City

New Life Christian Fellowship, Novaliches, Quezon City Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from New Life Christian Fellowship, Novaliches, Quezon City, Christian church, Plaza Bonanza, Novaliches, Quezon City, metro manila.

New Life Christian Fellowship is a Full Gospel Church that is passionate about vibrant worship, intentional discipleship, Life Groups, solid Biblical teaching, preaching and ministering to all age groups.

04/04/2026
10/03/2026
07/01/2026

๐‡๐ข๐ง๐๐ข ๐“๐ข๐ฉ๐ข๐ ๐ง๐š ๐๐š๐ ๐ฌ๐š๐ฆ๐›๐š

๐—๐˜‚๐—ฎ๐—ป ๐Ÿญ๐Ÿฎ:๐Ÿฏ ๐˜’๐˜ถ๐˜ฎ๐˜ถ๐˜ฉ๐˜ข ๐˜ด๐˜ช ๐˜”๐˜ข๐˜ณ๐˜ช๐˜ข ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ข๐˜ต๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ญ๐˜ช๐˜ต๐˜ณ๐˜ฐ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฑ๐˜ถ๐˜ณ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฃ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ๐˜ฐ ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜จ๐˜ข๐˜ธ๐˜ข ๐˜ด๐˜ข ๐˜ฉ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ณ๐˜ฅ๐˜ฐ ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ข๐˜ญ๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฃ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ๐˜ฐ. ๐˜๐˜ฃ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ถ๐˜ฉ๐˜ฐ๐˜ด ๐˜ฏ๐˜ช๐˜บ๐˜ข ๐˜ช๐˜ต๐˜ฐ ๐˜ด๐˜ข ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ข ๐˜ฏ๐˜ช ๐˜‘๐˜ฆ๐˜ด๐˜ถ๐˜ด ๐˜ข๐˜ต ๐˜ฑ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ด๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฏ๐˜บ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฃ๐˜ถ๐˜ฉ๐˜ฐ๐˜ฌ. ๐˜ˆ๐˜ต ๐˜ฉ๐˜ถ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ญ๐˜ช๐˜ฎ๐˜ถ๐˜บ๐˜ข๐˜ฌ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฃ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ๐˜ฐ ๐˜ด๐˜ข ๐˜ฃ๐˜ถ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฃ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ข๐˜บ.

May mga sandali sa buhay na alam mong seryoso ka na. Hindi dahil may nagsabi, kundi dahil may binitawan ka. Ganito rin sa pagsamba. Madaling umawit, madaling magsabi ng โ€œLord,โ€ pero iba na kapag may hinihinging pakawalan. Doon mo mararamdaman kung gaano kalalim ang ugnayan mo sa Panginoon.

Ang ginawa ni Mary ay hindi biglaan o pabigla-bigla. Hindi ito eksena para mapansin. May lalim ang kilos niya, parang galing sa pusong matagal nang naglalakad kasama si Jesus. Alam niya kung sino ang kaharap niya, kaya hindi na mahalaga kung gaano kamahal ang pabango. Kapag malinaw saโ€™yo ang halaga ni Cristo, kusang lumuluwag ang kamay.

Tahimik pero totoo rin ang pagsamba niya. Walang paliwanag, walang depensa, walang pakialam kung may hindi makaunawa. Ginamit pa niya ang buhok niya, isang bagay na personal at may halaga sa kanya. Ipinapakita nito ang kanyang kababaang-loob at tapat na pagsamba sa Panginoon. Minsan ganoon ang hinihingi ng Diyos, hindi perpektong salita kundi pusong handang magpakumbaba.

At habang ginagawa niya ito nang tapat at buong puso, may epekto ang ginawa niya sa buong bahay. Kumalat ang halimuyak. Ganito rin kapag ang isang tao ay totoo ang pagsamba. Hindi kailangang ipagsigawan, pero mararamdaman. May pagbabago sa paligid, may katahimikan na puno ng presensya ng Diyos.

Kaya habang tahimik kang nagbabasa ngayon, baka ito ang tanong ng Panginoon saโ€™yo. Ano ang hawak mo na parang mahirap pang ibigay? Hindi ka Niya minamadali. Hindi ka Niya pinipilit. Pero inaanyayahan ka Niya sa mas malalim na pagtitiwala. At minsan, doon nagsisimula ang tunay na pagsamba, sa hindi tipid na pagbibigay ng puso.

Address

Plaza Bonanza, Novaliches, Quezon City
Metro Manila

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when New Life Christian Fellowship, Novaliches, Quezon City posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share