26/07/2026
โ๐บ๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐, ๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐
๐๐, ๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐ซ๐๐๐๐โ๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐ด๐๐๐๐ ๐๐ ๐ท๐๐๐๐๐, ๐จ๐๐๐๐๐๐ ๐บ๐๐๐๐๐๐๐.โ
๐๐ฎ๐ฅ๐ฒ๐จ ๐๐ | ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐
๐๐ ๐๐๐ค๐ข๐ฅ๐๐ง๐ ๐๐๐ฉ๐ข๐ฌ๐ญ๐๐ก๐๐ง ๐ง๐ข ๐๐ฉ๐จ๐ฌ๐ญ๐จ๐ฅ ๐๐๐ง๐ญ๐ข๐๐ ๐จ ๐๐ ๐๐๐ฅ๐ข๐๐ข๐ โค๏ธ๐
Sa ilalim ng maaliwalas na kalangitan, matagumpay na isinagawa ang Karakol 2026 bilang isang makulay na pagpapahayag ng pananampalataya, pasasalamat, at pagkakaisa para sa ating Mahal na Patron, Apostol Santiago de Galicia.
Nakiisa ang iba't ibang sambayanan at mga karakolista mula sa Kawit, Salinas, Ligtong, Binakayan, Pateros, Alulod, Luksuhin Ilaya, at Buck Estate, na nagbigay-buhay sa pagdiriwang sa pamamagitan ng kanilang makukulay na kasuotan, masisiglang indakan, awitan, at taimtim na debosyon. Tunay na ipinakita ng bawat delegasyon na ang Karakol ay higit pa sa isang tradisyonโito ay isang buhay na pagsaksi ng pananampalatayang ipinapasa sa bawat salinlahi at isang sagisag ng pagkakaisa ng mga pamayanang nagtitipon upang parangalan si Apostol Santiago de Galicia.
Sa bawat tugtog ng banda, bawat sigaw ng "Viva!", at bawat hakbang ng prusisyon ang nagkakaisang pamayanang sama-samang nagpupuri at nagpapasalamat sa Diyos. Ang maaliwalas na panahon ngayong taon ay lalo pang nagbigay-liwanag sa pagdiriwang, na naging daan upang higit na maipadama ang saya, debosyon, at biyayang bumabalot sa Dakilang Kapistahan.
Nawa'y ang halimbawa ni Apostol Santiago de Galicia ay patuloy na maging tanglaw ng ating pananampalataya at inspirasyon sa ating paglilingkod sa Diyos at sa kapwa.
๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐! โ๏ธ
๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐! โค๏ธ๐
๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐! ๐