San Jose de Panungyan

San Jose de Panungyan Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from San Jose de Panungyan, Catholic Church, Panungyan II, Mendez.

MAYO 19 ~ BUWANANG DEBOSYON KAY SAN JOSEPANALANGIN: O dakilang San Jose, magdalang-lugod ka sana sa akin upang tanggapin...
19/05/2026

MAYO 19 ~ BUWANANG DEBOSYON KAY SAN JOSE

PANALANGIN: O dakilang San Jose, magdalang-lugod ka sana sa akin upang tanggapin ang pag-aalay kong ito ng mga panalangin at pagpapakasakit upang akoโ€™y maging karapat-dapat sa iyong mga pagpapala, ikaw na aking ama, tagapagtanggol at tanglaw sa aking kaligtasan.

Ipagkamit mo sa akin ang isang malinis na puso at maalab na pamimintuho sa Diyos. Gayon din, mangyari nawang ang lahat ng aking mga iniisip, sinasalita at ginagawa ay maayon sa kalooban ng Diyos sa pamamagitan ng iyong pagsaklolo sa akin.

O Banal na Jose na amang-tagapag-alaga kay Jesus at esposo ni Maria, ipanalangin mo ako araw-araw sa kanila, upang sa bisa ng grasya ng Diyos ay makarating akong maluwalhati sa tunay na hantungan ng aking buhay. Siya nawa.



๐—™๐—Ÿ๐—ข๐—ฅ๐—˜๐—ฆ ๐——๐—˜ ๐— ๐—”๐—ฅ๐—œ๐—” ๐—ฆ๐—” ๐—ฃ๐—”๐—ก๐—จ๐—ก๐—š๐—ฌ๐—”๐—ก ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ๐˜ผ๐™ฃ๐™œ ๐˜ฝ๐™ช๐™ฌ๐™–๐™ฃ ๐™ฃ๐™œ ๐™ˆ๐™–๐™ฎ๐™ค ๐™–๐™ฎ ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐˜ฝ๐™ช๐™ฌ๐™–๐™ฃ ๐™ฃ๐™œ ๐™‹๐™–๐™œ๐™ฅ๐™–๐™ฅ๐™–๐™ง๐™–๐™ฃ๐™œ๐™–๐™ก ๐™จ๐™– ๐™ˆ๐™–๐™๐™–๐™ก ๐™ฃ๐™– ๐˜ฝ๐™ž๐™ง๐™๐™š๐™ฃ๐™œ ๐™ˆ๐™–๐™ง๐™ž๐™–.Ang Altar ng ...
01/05/2026

๐—™๐—Ÿ๐—ข๐—ฅ๐—˜๐—ฆ ๐——๐—˜ ๐— ๐—”๐—ฅ๐—œ๐—” ๐—ฆ๐—” ๐—ฃ๐—”๐—ก๐—จ๐—ก๐—š๐—ฌ๐—”๐—ก ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ

๐˜ผ๐™ฃ๐™œ ๐˜ฝ๐™ช๐™ฌ๐™–๐™ฃ ๐™ฃ๐™œ ๐™ˆ๐™–๐™ฎ๐™ค ๐™–๐™ฎ ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐˜ฝ๐™ช๐™ฌ๐™–๐™ฃ ๐™ฃ๐™œ ๐™‹๐™–๐™œ๐™ฅ๐™–๐™ฅ๐™–๐™ง๐™–๐™ฃ๐™œ๐™–๐™ก ๐™จ๐™– ๐™ˆ๐™–๐™๐™–๐™ก ๐™ฃ๐™– ๐˜ฝ๐™ž๐™ง๐™๐™š๐™ฃ๐™œ ๐™ˆ๐™–๐™ง๐™ž๐™–.

Ang Altar ng Mahal na Birheng Maria ngayong Buwan ng Flores de Mayo sa ating simbahan. Halina at tayo'y mag-alay ng bulaklak kay Santa Maria!



๐™†๐˜ผ๐™‹๐™„๐™Ž๐™๐˜ผ๐™ƒ๐˜ผ๐™‰ ๐™‰๐™„ ๐™Ž๐˜ผ๐™‰ ๐™…๐™Š๐™Ž๐™€, ๐˜ผ๐™‰๐™‚ ๐™ˆ๐˜ผ๐™‰๐™‚๐™‚๐˜ผ๐™‚๐˜ผ๐™’๐˜ผHanda na po ang Tuklong ni San Jose de Panungyan para sa kanyang Kapistahan!Narito...
30/04/2026

๐™†๐˜ผ๐™‹๐™„๐™Ž๐™๐˜ผ๐™ƒ๐˜ผ๐™‰ ๐™‰๐™„ ๐™Ž๐˜ผ๐™‰ ๐™…๐™Š๐™Ž๐™€,
๐˜ผ๐™‰๐™‚ ๐™ˆ๐˜ผ๐™‰๐™‚๐™‚๐˜ผ๐™‚๐˜ผ๐™’๐˜ผ

Handa na po ang Tuklong ni San Jose de Panungyan para sa kanyang Kapistahan!

Narito po ang Daloy ng mga Gawain mamayang hapon.
1:00 PM - Rosario Cantada at Pagsisimula ng Flores de Mayo 2026
3:00 PM - Banal na Misa | Pag-aalay ng mga bulaklak | Pagpaparangal sa Mahal na Birhen ng Flores at kay San Jose
4:00 PM - Prusisyon at Karakol ni San Jose sa buong nayon

Makiisa po tayo sa ating mga pagdiriwang!

VIVA SAN JOSE EL OBRERO!

MABUHAY SI SAN JOSE, ANG HUWARAN NG MGA MANGGAGAWA!





๐Š๐€๐๐ˆ๐’๐“๐€๐‡๐€๐ ๐๐ˆ ๐’๐€๐ ๐‰๐Ž๐’๐„ ๐„๐‹ ๐Ž๐๐‘๐„๐‘๐Ž ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”Noong 1955, itinatag ni Pope Pius XII ang kapistahan ni San Jose Manggagawa tuwing ...
30/04/2026

๐Š๐€๐๐ˆ๐’๐“๐€๐‡๐€๐ ๐๐ˆ ๐’๐€๐ ๐‰๐Ž๐’๐„ ๐„๐‹ ๐Ž๐๐‘๐„๐‘๐Ž ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”

Noong 1955, itinatag ni Pope Pius XII ang kapistahan ni San Jose Manggagawa tuwing ika-1 ng Mayo upang bigyan ng mas malalim na kahulugan ang โ€œMay Day,โ€ na dating iniuugnay sa mga ideolohiyang pampolitika. Sa halip, binigyang-diin ng Simbahan ang tunay na diwa ng paggawaโ€”na ito ay hindi lamang hanapbuhay, kundi isang banal na bokasyon.

Sa pamamagitan ni San Jose, Manggagawa at tagapag-alaga ng Banal na Mag-anak, ipinapaalala na ang bawat marangal na gawain ay may dignidad at kabanalan kapag iniaalay nang may pananampalataya at katapatan.

๐—ฃ๐—”๐—”๐—ก๐—ฌ๐—”๐—ฌ๐—” || ๐— ๐—ฎ๐˜†๐—ผ ๐Ÿญ, ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ - ๐—•๐—ถ๐˜†๐—ฒ๐—ฟ๐—ป๐—ฒ๐˜€

1:00 P.M. - Pagdarasal ng Rosario Cantada at Pag-aalay ng mga Bulaklak
3:00 P.M. - Banal na Misa sa karangalan ni San Jose el Obrero
4:00 P.M. - Prusisyon at Karakol

Magkita kita po tayo sa mga Banal na Gawaing ito!

VIVA SAN JOSE!




๐™‹๐˜ผ๐˜ผ๐™‰๐™”๐˜ผ๐™”๐˜ผ || ๐“๐‘๐ˆ๐ƒ๐”๐”๐Œ ๐’๐€ ๐Š๐€๐‘๐€๐๐†๐€๐‹๐€๐ ๐๐ˆ ๐’๐€๐ ๐‰๐Ž๐’๐„ ๐ƒ๐„ ๐๐€๐๐”๐๐†๐˜๐€๐Bilang paghahanda sa ating Kapistahan ni San Jose, ang Manggag...
27/04/2026

๐™‹๐˜ผ๐˜ผ๐™‰๐™”๐˜ผ๐™”๐˜ผ || ๐“๐‘๐ˆ๐ƒ๐”๐”๐Œ ๐’๐€ ๐Š๐€๐‘๐€๐๐†๐€๐‹๐€๐ ๐๐ˆ ๐’๐€๐ ๐‰๐Ž๐’๐„ ๐ƒ๐„ ๐๐€๐๐”๐๐†๐˜๐€๐

Bilang paghahanda sa ating Kapistahan ni San Jose, ang Manggagawa, sa darating na Mayo 1, 2026, magkakaroon po tayo ng triduum o tatlong araw na pagdarasal ng Rosario Cantada at panalangin na alay kay San Jose, simula bukas, ika-28 ng Abril hanggang Miyerkules, ika-30 ng nasabing buwan.

Narito po ang talatakdaan ng mga gawain:

TRIDUUM ALAY KAY SAN JOSE, ANG MANGGAGAWA

Abril 28 โ€“ Unang Araw ng Triduum
4:00 P.M. โ€“ Rosario Cantada at Triduum

Abril 29 โ€“ Ikalawang Araw ng Triduum
4:00 P.M. โ€“ Rosario Cantada at Triduum

Abril 30 โ€“ Ikatlong Araw ng Triduum
4:00 P.M. โ€“ Rosario Cantada at Triduum

Mayo 1 โ€“ Kapistahan ni San Jose, ang Manggagawa
at Unang Araw ng Pag-aalay ng Bulaklak sa Birhen (Flores de Mayo)
1:00 P.M. โ€“ Rosario Cantada at Paalay
3:00 P.M. โ€“ Banal na Misa
4:00 P.M. โ€“ Prusisyon at Karakol sa Karangalan ni San Jose de Panungyan

Magkita-kita po tayong lahat sa mga banal na gawaing ito!

VIVA SAN JOSE DE PANUNGYAN!




BUWANANG DEBOSYON KAY SAN JOSE NGAYONG BUWAN NG ABRILMEMORARE KAY SAN JOSEAlalahanin mo, O kalinis-linisang Kabiyak ng M...
19/04/2026

BUWANANG DEBOSYON KAY SAN JOSE NGAYONG BUWAN NG ABRIL

MEMORARE KAY SAN JOSE

Alalahanin mo, O kalinis-linisang Kabiyak ng Mahal na Birheng Maria, na hindi pa kailanman napabalita na may humingi ng iyong tulong o dumulog sa iyong pamamagitan at iyong pinabayaan.

Buo ang tiwala sa iyong kapangyarihan, lumalapit ako sa iyo at nagsusumamo sa iyong pag-ampon. Huwag mo sanang siphayuin
ang aking abang hiling,

O Tagapangalaga ng Tagapagligtas, ngunit sa iyong kabutihan, dinggin mo ako at tugunin.
Amen.

Magdasal tayo kay San Jose!

VIVA SAN JOSE!
VIVA EL GLORIOSO PATRIARCA!


๐Š๐€๐๐ˆ๐’๐“๐€๐‡๐€๐ ๐๐† ๐Œ๐€๐๐€๐“๐‡๐€๐‹๐€๐๐† ๐€๐–๐€ ๐๐† ๐๐€๐๐†๐ˆ๐๐Ž๐Ž๐๐˜‹๐˜ช๐˜ท๐˜ช๐˜ฏ๐˜ฆ ๐˜”๐˜ฆ๐˜ณ๐˜ค๐˜บ ๐˜š๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ฅ๐˜ข๐˜บAng Ikalawang Linggo sa Panahon ng Muling Pagkabuhay ng Pan...
12/04/2026

๐Š๐€๐๐ˆ๐’๐“๐€๐‡๐€๐ ๐๐† ๐Œ๐€๐๐€๐“๐‡๐€๐‹๐€๐๐† ๐€๐–๐€ ๐๐† ๐๐€๐๐†๐ˆ๐๐Ž๐Ž๐
๐˜‹๐˜ช๐˜ท๐˜ช๐˜ฏ๐˜ฆ ๐˜”๐˜ฆ๐˜ณ๐˜ค๐˜บ ๐˜š๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ฅ๐˜ข๐˜บ

Ang Ikalawang Linggo sa Panahon ng Muling Pagkabuhay ng Panginoong Jesukristo ay inilalaan sa pagdiriwang ng Linggo ng Mabathalang Awa o ang Divine Mercy Sunday. Ito ang ikawalong araw o ang Oktaba ng Pasko ng Pagkabuhay. Noong ika-30 ng Abril, 2000, Taon ng Dakilang Jubileo, opisyal na itinatag ni Santo Papa Juan Pablo II ang Kapistahan ng Banal na Awa ng Diyos sa kalendaryo ng liturhiya sa buong daigdig para sa Simbahang Katoliko. Sa araw ding ito kinilala ng Simbahang Katoliko bilang santa si Sister Maria Faustina Kowalska, ang madreng Polako na kinikilala naman bilang โ€œAlagad ng Awa ng Diyosโ€, siya ang nagtaguyod sa debosyon sa Mabathalang Awa.

๐๐€๐๐€๐‹๐€๐๐†๐ˆ๐
โ€œPumanaw Ka, Hesus, subaliโ€™t ang Bukal ng Buhay ay bumalong para sa mga kaluluwa at ang Karagatan ng Awa ay bumugso para sa sanlibutan. O Bukal ng buhay, Walang Hanggang Awa ng Diyos, yakapin Mo ang sangkatauhan at ibuhos mong ganap ang Iyong sarili para sa aming lahat.
O Banal na Dugo at Tubig, dumaloy mula sa puso ni Hesus bilang Bukal ng Awa , para sa aming lahat , ako ay nananalig sa Iyo. โ€œ
โ€œBanal na Diyos, Banal na puspos ng Kapangyarihan, Banal na Walang Hanggan, maawa po Kayo sa amin at sa buong sansinukob.(3x)
Amen
โ€œO Hesus, Hari ng Awa, kami ay nananalig sa Iyo.โ€
โ€œO Hesus, Hari ng Awa, ako ay nananalig sa Iyo.โ€
โ€œO Hesus, Hari ng Awa, nawaโ€™y ang buong mundoโ€™y manalig saโ€™yo.โ€ Amen.

๐˜ผ๐™ฃ๐™œ ๐™ฅ๐™–๐™œ๐™ฉ๐™–๐™ฉ๐™–๐™ข๐™ฅ๐™ค๐™  ๐™ฃ๐™œ ๐˜ฝ๐™–๐™ฃ๐™–๐™ก ๐™ฃ๐™– ๐™‡๐™–๐™ง๐™–๐™ฌ๐™–๐™ฃ ๐™ฃ๐™œ ๐˜ฟ๐™ž๐™ซ๐™ž๐™ฃ๐™š ๐™ˆ๐™š๐™ง๐™˜๐™ฎ ๐™ฅ๐™–๐™ง๐™– ๐™จ๐™– ๐™ ๐™–๐™ฃ๐™ฎ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™†๐™–๐™ฅ๐™ž๐™จ๐™ฉ๐™–๐™๐™–๐™ฃ ๐™ฃ๐™œ๐™–๐™ฎ๐™ค๐™ฃ๐™œ ๐™‡๐™ž๐™ฃ๐™œ๐™œ๐™ค ๐™จ๐™– ๐™ฃ๐™–๐™ฎ๐™ค๐™ฃ ๐™ฃ๐™œ ๐™‹๐™–๐™ฃ๐™ช๐™ฃ๐™œ๐™ฎ๐™–๐™ฃ.



๐—ฆ๐—œ ๐—ž๐—ฅ๐—œ๐—ฆ๐—ง๐—ข ๐—”๐—ฌ ๐— ๐—จ๐—Ÿ๐—œ๐—ก๐—š ๐—ก๐—”๐—•๐—จ๐—›๐—”๐—ฌ,๐—ฆ๐—œ๐—ฌ๐—” ๐—”๐—ก๐—š ๐—”๐—ง๐—œ๐—ก๐—š ๐—ž๐—”๐—Ÿ๐—œ๐—ช๐—”๐—ก๐—”๐—š๐—”๐—ก!Maligayang Pasko ng Muling Pagkabuhay sa ating lahat! Magalak tay...
05/04/2026

๐—ฆ๐—œ ๐—ž๐—ฅ๐—œ๐—ฆ๐—ง๐—ข ๐—”๐—ฌ ๐— ๐—จ๐—Ÿ๐—œ๐—ก๐—š ๐—ก๐—”๐—•๐—จ๐—›๐—”๐—ฌ,
๐—ฆ๐—œ๐—ฌ๐—” ๐—”๐—ก๐—š ๐—”๐—ง๐—œ๐—ก๐—š ๐—ž๐—”๐—Ÿ๐—œ๐—ช๐—”๐—ก๐—”๐—š๐—”๐—ก!

Maligayang Pasko ng Muling Pagkabuhay sa ating lahat! Magalak tayo, sapagkat ang Panginoon ay tunay na nabuhay na mag-uli. Alleluia! Alleluia!

Ang amin ding taos-pusong pasasalamat sa naghandog ng bagong imahen ng Seรฑor Resucitadoโ€”ang Kristong muling nabuhayโ€”mula sa pamilya ni Sis. Remedios de Ocampo, c/o Sis. Grace Tinio.

๐˜ผ๐™ก๐™ก๐™š๐™ก๐™ช๐™ž๐™–! ๐˜ผ๐™ก๐™ก๐™š๐™ก๐™ช๐™ž๐™–!
๐™Ž๐™ž ๐™ƒ๐™€๐™Ž๐™๐™†๐™๐™„๐™Ž๐™๐™Š ๐™–๐™ฎ ๐™ข๐™ช๐™ก๐™ž๐™ฃ๐™œ ๐™ฃ๐™–๐™—๐™ช๐™๐™–๐™ฎ!
๐˜ผ๐™ก๐™ก๐™š๐™ก๐™ช๐™ž๐™–! ๐˜ผ๐™ก๐™ก๐™š๐™ก๐™ช๐™ž๐™–!


๐Œ๐€๐‘๐€๐Œ๐ˆ๐๐† ๐’๐€๐‹๐€๐Œ๐€๐“ ๐๐Ž, ๐€๐Œ๐€๐๐† ๐’๐€๐ ๐‰๐Ž๐’๐„! ๐Ÿ’š๐Ÿ’›Sa dakilang pagdiriwang na ito, nagkakaisa tayong magpasalamat sa Diyos habang gi...
31/03/2026

๐Œ๐€๐‘๐€๐Œ๐ˆ๐๐† ๐’๐€๐‹๐€๐Œ๐€๐“ ๐๐Ž, ๐€๐Œ๐€๐๐† ๐’๐€๐ ๐‰๐Ž๐’๐„! ๐Ÿ’š๐Ÿ’›

Sa dakilang pagdiriwang na ito, nagkakaisa tayong magpasalamat sa Diyos habang ginugunita rin ang ika-85 anibersaryo ng mahimalang pagliligtas sa ating pamayanan ng Panungyan mula sa pananakop ng mga Hapones. Ayon sa ating tradisyon, nang tangkaing salakayin ang ating lugar upang hulihin ang mga kalalakihan, biglang napuno ang buong Panungyan ng matataas at matitinik na kawayan, at may isang matandang lalaki ang nagpakita upang iligaw ang mga mananakop. Ang hiwagang ito ay sumisimbolo sa mapaghimalang pag-iingat ng ating Mahal na Patronโ€”ang Maluwalhating Patriarkang si Seรฑor San Jose de Panungyanโ€”na patuloy nating kinikilala bilang ating Dakilang Tagapagtanggol at matibay na sandigan sa lahat ng panahon. Kaya naman, buong pananampalataya at pasasalamat nating ipinagdiriwang ang kanyang walang humpay na paggabay at pagkalinga sa ating komunidad.

Bagamaโ€™t natapos na ang pagdiriwang ng Dakilang Kapistahan ng ating minamahal na Patrong si San Jose, at nagtatapos na rin ang kanyang buwanโ€”ang Marsoโ€”nawaโ€™y hindi dito magwakas ang ating pananampalataya at debosyon sa kanya. Sa halip, lalo pa natin itong pagningasin at pagyamanin. Tularan natin ang kanyang huwarang buhayโ€”ang pagiging matuwid, masunurin, at pamumuhay nang may kabanalan.

Nawaโ€™y patuloy tayong gabayan at ingatan ni San Jose, gaya ng kanyang pag-aaruga sa Banal na Mag-anak, at manatili siyang ating matatag at matibay na sandigan sa bawat yugto ng ating buhay.

At sa araw na ito, huling araw ng Marso at araw din ng Martes Santo, pagnilayan din natin ang ilang bahagi ng Pasyong Mahal na patungkol kay San Jose, bago sumapit ang Triduo Paskwal:

Kaya nga't nang di makita
ni Hosep ang madlang dusa
ni Hesus na iwi niya,
hiningi nang buong sinta
siya'y mamatay na una.

At hindi nga matitiis
niyong banal na si Hosep
na makita at masilip,
ang madlang hirap at sakit
ni Hesus na kasi't ibig.

Dito sa nasang magaling
ni San Hosep na butihin
agad namang sinunod din,
ng Diyos na maawain
ang kaniyang pita't hiling.

Nawaโ€™y ang ganitong pag-ibig at malasakit ni San Jose ang maging gabay natin sa ating paglalakbay sa Semana Santa.

Ite ad Ioseph! Magtungo tayo kay San Jose!

Magkita-kita po muli tayo sa masaya at pinagpalang pagdiriwang ng Fiestang Mayo ni San Jose sa darating na Mayo 1, 2026.

Tema: ๐—”๐— ๐—”๐—ก๐—š ๐—ฆ๐—”๐—ก ๐—๐—ข๐—ฆ๐—˜: ๐˜ฟ๐™–๐™ ๐™ž๐™ก๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™‹๐™ง๐™ค๐™ฉ๐™š๐™ ๐™ฉ๐™ค๐™ง ๐™–๐™ฉ ๐™ˆ๐™–๐™ฉ๐™ž๐™—๐™–๐™ฎ ๐™ฃ๐™– ๐™Ž๐™–๐™ฃ๐™™๐™ž๐™œ๐™–๐™ฃ ๐™ฃ๐™œ ๐˜ฝ๐™–๐™ฃ๐™–๐™ก ๐™ฃ๐™– ๐™ˆ๐™–๐™œ-๐™–๐™ฃ๐™–๐™  ๐™–๐™ฉ ๐™ฃ๐™œ ๐™Ž๐™–๐™ข๐™—๐™–๐™ฎ๐™–๐™ฃ๐™–๐™ฃ ๐™ฃ๐™œ ๐™‹๐™–๐™ฃ๐™ช๐™ฃ๐™œ๐™ฎ๐™–๐™ฃ

๐—ฉ๐—œ๐—ฉ๐—” ๐—ฆ๐—”๐—ก ๐—๐—ข๐—ฆ๐—˜ ๐——๐—˜ ๐—ฃ๐—”๐—ก๐—จ๐—ก๐—š๐—ฌ๐—”๐—ก!

๐—›๐—”๐—ฃ๐—ฃ๐—ฌ ๐—™๐—œ๐—˜๐—ฆ๐—ง๐—”, ๐—•๐—ฅ๐—š๐—ฌ. ๐—ฃ๐—”๐—ก๐—จ๐—ก๐—š๐—ฌ๐—”๐—ก!





โ€œ๐—›๐—ข๐—ฆ๐—”๐—ก๐—ก๐—”! ๐—ฃ๐˜‚๐—ฟ๐—ถ๐—ต๐—ถ๐—ป ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐——๐˜‚๐—บ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ป๐—ด ๐˜€๐—ฎ ๐—ก๐—ด๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ถ๐—ป๐—ผ๐—ผ๐—ป!โ€๐˜ˆ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜š๐˜ช๐˜ฎ๐˜ถ๐˜ญ๐˜ข ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜‹๐˜ข๐˜ฌ๐˜ช๐˜ญ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜”๐˜ช๐˜ด๐˜ต๐˜ฆ๐˜ณ๐˜บ๐˜ฐ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜’๐˜ข๐˜ญ๐˜ช๐˜จ๐˜ต๐˜ข๐˜ด๐˜ข๐˜ฏNgayong sumasapit ...
30/03/2026

โ€œ๐—›๐—ข๐—ฆ๐—”๐—ก๐—ก๐—”! ๐—ฃ๐˜‚๐—ฟ๐—ถ๐—ต๐—ถ๐—ป ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐——๐˜‚๐—บ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ป๐—ด ๐˜€๐—ฎ ๐—ก๐—ด๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ถ๐—ป๐—ผ๐—ผ๐—ป!โ€
๐˜ˆ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜š๐˜ช๐˜ฎ๐˜ถ๐˜ญ๐˜ข ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜‹๐˜ข๐˜ฌ๐˜ช๐˜ญ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜”๐˜ช๐˜ด๐˜ต๐˜ฆ๐˜ณ๐˜บ๐˜ฐ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜’๐˜ข๐˜ญ๐˜ช๐˜จ๐˜ต๐˜ข๐˜ด๐˜ข๐˜ฏ

Ngayong sumasapit na tayo sa mga Mahal na Araw, ibinabahagi namin sa inyo ang mga kuhang larawan sa pagdiriwang ng Linggo ng Palaspas sa Pagpapakasakit ng Panginoon sa Sambayanan ng San Jose de Panungyan. Ang Banal na Misa ay pinangunahan ng ating bisitang pari na si Reb. Pd. Ralden "Pipo" Mercadejas, CMF.

Maraming salamat po sa lahat ng mga dumalo at nakiisa. Dalangin po namin ang isang mapagpala at mapayapang paggunita ng mga Mahal na Araw sa ating lahat!



๐—”๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—”๐—š๐—ฆ๐—œ๐—ฆ๐—œ๐— ๐—จ๐—Ÿ๐—” ๐—ก๐—š ๐—ฆ๐—˜๐— ๐—”๐—ก๐—” ๐—ฆ๐—”๐—ก๐—ง๐—”...Sa panahong ito, tinatakpan ang mga krus at mga imahe ng mga santo sa simbahan bilang ...
30/03/2026

๐—”๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—”๐—š๐—ฆ๐—œ๐—ฆ๐—œ๐— ๐—จ๐—Ÿ๐—” ๐—ก๐—š ๐—ฆ๐—˜๐— ๐—”๐—ก๐—” ๐—ฆ๐—”๐—ก๐—ง๐—”...

Sa panahong ito, tinatakpan ang mga krus at mga imahe ng mga santo sa simbahan bilang tanda ng ating pag-aayuno o fasting mula sa mga banal na larawan. Ito ay sumasagisag sa pansamantalang pagtalikod sa mga nakikitang anyo ng kaluwalhatian, upang higit nating pagtuunan ng pansin ang pagdurusa at sakripisyo ni Kristo. Sa ganitong paraan, tayo ay inaanyayahang magnilay hindi lamang sa panlabas na anyo, kundi sa mas malalim na kahulugan ng Kanyang pag-ibig at paghahandog ng sarili para sa ating kaligtasan.

Mananatiling nakataklob ang mga imahe hanggang sa sumapit ang Magdamagang Pagdiriwang ng Pasko ng Muling Pagkabuhay sa gabi ng Sabado Santo. Sa banal na gabing ito, muling nahahayag ang liwanag at tagumpay ng buhay laban sa kamatayan. Dito nagtatapos ang panahon ng Kuwaresma at ang ating pag-aayuno, at nagsisimula ang masayang pagdiriwang ng Muling Pagkabuhay ni Kristoโ€”ang ganap na kaganapan ng misteryo ng ating kaligtasan.



Address

Panungyan II
Mendez
4121

Opening Hours

6am - 8pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when San Jose de Panungyan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Place Of Worship

Send a message to San Jose de Panungyan:

Share