18/05/2026
Pasukan na naman?
Hindi man mayaman, kapos man sa kagamitan pero ang pagtulong ay hinding-hindi malilimutan.
Kulang man pero malaking tulong sa mga kabataan.Ang ating simbahan ay namigay ng mga gamit para sa papalapit ulit na pasukan. Nawa ang mga gamit na ito ay makatulong sa Inyo upang Ang mga pangarap nyo ay unti-unting makamtan.
Manalangin, magpasalamat, at laging tumawag sa kanya may kailangan ka man o wala.
Ang pasasalamat ay laging nasa iyo aming Amang lumikha.
Hebreo 13:16
“At huwag nating kaligtaan ang paggawa ng mabuti at ang pagtulong sa kapwa, sapagkat iyan ang alay na kinalulugdan ng Diyos."