15/05/2026
Magandang araw po, inaanyayahan ang lahat namakiisa sa ating Banal na Misa ngayong darating na May 16, 2026 , 6:30 PM sa ating Kapilya.
Sama-sama tayong magtipon bilang isang komunidad ng pananampalataya upang magpasalamat, manalangin, at higit na mapalapit sa Panginoon. Sa gitna ng ating mga pinagdaraanan sa araw-araw, nawaโy magsilbing paalala ang Banal na Misa na ang Diyos ay laging kasama natin na handang umalalay, gumabay, at magbigay ng lakas at pag-asa sa bawat isa.
Inaanyayahan ang lahat mga kabataan, at matatanda, na dumalo at makibahagi sa banal na pagdiriwang na ito. Maglaan tayo ng oras para sa Diyos at sama-samang damhin ang Kanyang pagmamahal, biyaya, at presensya sa ating buhay.