29/12/2025
Sa likod ng bawat bokasyon ay isang pamilya na tahimik na nagmamahal, nananalangin, at nagsasakripisyo. 💙
Ang mga ngiti sa mga larawang ito ay sumasalamin sa mga magulang at kapamilyang naging unang paaralan ng pananampalataya—ang nagturo ng panalangin, pagtitiwala sa Diyos, at bukas-palad na pagtugon sa Kanyang tawag.
Hindi madali ang maghandog ng isang anak sa Panginoon, ngunit sa kanilang patuloy na suporta, pang-unawa, at panalangin, nagiging mas matibay ang lakas ng loob ng bawat seminarista sa paglalakbay ng bokasyon.
Lubos po ang aming pasasalamat sa bawat Pamilya ng mga Seminarista—kayo ang aming kaagapay at katuwang sa paghubog ng mga magiging pastol ng Simbahan.
Patuloy po nating ipagkatiwala sa Diyos ang mga pamilyang ito na naging bukal ng bokasyon at saksi ng pag-ibig na handang mag-alay. 🙏✨
Soon to have ANGKANG LEVITICO sa Diyosesis ng Boac!