03/06/2026
Sa nagdaang Buwan ng Mayo, ating nasaksihan ang makulay at makahulugang pagdiriwang ng pag-aalay ng bulaklak para sa Mahal na Birheng Maria. Sa bawat bulaklak na inialay at panalanging inihandog, tunay na naipadama ang pagkakaisa, pananampalataya, at pagmamahal ng bawat isa para sa ating Mahal na Ina.
Lubos ding nakatutuwang makita ang kasipagan at debosyon ng ating mga bata na buong pusong nag-alay ng bulaklak kay Maria. Sa kanilang simpleng paghahandog at matatamis na ngiti, masasalamin ang pusong puno ng pag-asa at pagmamahal na lalong naglalapit sa atin kay Hesus.
Taos-puso rin ang aming pasasalamat sa ating mga Hermano at Hermana na nagbigay ng suporta at munting regalo para sa ating masisipag na mga bata bilang pasasalamat sa kanilang taimtim na pag-aalay at pakikiisa sa gawaing ito.
Lubos din ang pasasalamat sa mga kabataang nagsilbing mga Cabecillo at Cabecilla sa buong buwan ng Mayo. Maraming salamat sa inyong oras, paglilingkod, at dedikasyon upang maging maayos, makahulugan, at matagumpay ang pagdiriwang na ito.
๐ฆ๐ฎ ๐๐๐น๐ผ๐ป๐ด ๐ฎ๐ ๐ฝ๐ฎ๐ด๐ด๐ฎ๐ฏ๐ฎ๐ ๐ป๐ด ๐ ๐ฎ๐ต๐ฎ๐น ๐ป๐ฎ ๐๐ถ๐ฟ๐ต๐ฒ๐ป๐ด ๐ ๐ฎ๐ฟ๐ถ๐ฎ, ๐ป๐ฎ๐๐ฎโ๐ ๐บ๐ฎ๐ป๐ฎ๐๐ถ๐น๐ถ ๐๐ฎ ๐ฎ๐๐ถ๐ป๐ด ๐บ๐ด๐ฎ ๐ฝ๐๐๐ผ ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฎ๐ป๐ฎ๐ป๐ฎ๐บ๐ฝ๐ฎ๐น๐ฎ๐๐ฎ๐๐ฎ, ๐ธ๐ฎ๐ฏ๐๐๐ถ๐ต๐ฎ๐ป, ๐ฎ๐ ๐ฝ๐ฎ๐ด๐บ๐ฎ๐บ๐ฎ๐ต๐ฎ๐น ๐๐ฎ ๐๐ถ๐๐ผ๐ ๐ฎ๐ ๐ธ๐ฎ๐ฝ๐๐ฎ.