Couples for Christ Marinduque

Couples for Christ Marinduque VISION:

Families in the Holy Spirit Renewing the Face of The Earth

MISSION

Building the Church of the Home and Building the Church of the poor.

THEME WEEKEND RETREAT 2026MENSA CHRISTI WEEKEND APRIL 18, 2026MARSU GYMNASIUMSnapshots by Bro.Jhunex
21/04/2026

THEME WEEKEND RETREAT 2026
MENSA CHRISTI WEEKEND
APRIL 18, 2026
MARSU GYMNASIUM
Snapshots by Bro.Jhunex

THEME WEEKEND RETREAT 2026MENSA CHRISTI WEEKEND APRIL 18, 2026MARSU GYMNASIUMSnapshots by Bro. Bryan Jaranilla
21/04/2026

THEME WEEKEND RETREAT 2026
MENSA CHRISTI WEEKEND
APRIL 18, 2026
MARSU GYMNASIUM
Snapshots by Bro. Bryan Jaranilla

THEME WEEKEND RETREAT 2026MENSA CHRISTI WEEKEND APRIL 18, 2026MARSU GYMNASIUMSnapshots by Bro. Bryan Jaranilla
21/04/2026

THEME WEEKEND RETREAT 2026

MENSA CHRISTI WEEKEND
APRIL 18, 2026
MARSU GYMNASIUM

Snapshots by Bro. Bryan Jaranilla

Session 4 - SharerBilang bahagi ng unang batch ng CFC Lemery Batangas at dating household leader, patuloy na naglingkod ...
18/04/2026

Session 4 - Sharer

Bilang bahagi ng unang batch ng CFC Lemery Batangas at dating household leader, patuloy na naglingkod si Tita Claire San Juan sa simbahan—even in times when she had nothing left but faith.

Sa pamamagitan ng biyaya ng Diyos at matibay na pananampalataya, unti‑unting naresolba ang mga pagsubok sa buhay. Sa kanyang mga sandali ng panalangin, malinaw niyang naramdaman na hawak ng Diyos ang kanyang kamay—isang patunay na ang ating Diyos ay buhay at makapangyarihan.

Sa kabila ng lahat ng hirap, hindi siya sumuko sa paglilingkod. Tinanggap niya ang bawat atas—walang inaayawang serbisyo—sapagkat ang paglilingkod ay tugon ng pusong lubos na nagtitiwala sa Panginoon.

Tunay nga,
kapag hindi natin hinaharap ang pinakamalalim na sakit, hindi rin tayo ganap na makapagbibigay ng ating sarili sa Diyos.
Ngunit sa pagtitiwala at patuloy na paglilingkod, doon natin natatagpuan ang tunay na lakas at biyaya.

Session 4: “That Our Joy May Be Complete” – 1 JohnJoy is not the same as happiness. Happiness is momentary, dependent on...
18/04/2026

Session 4: “That Our Joy May Be Complete” – 1 John

Joy is not the same as happiness. Happiness is momentary, dependent on circumstances. But joy is completeness—deep, lasting, and rooted in the heart. It begins not in possessions, achievements, or comfort, but in fellowship with God.

As the Catechism reminds us, the human person longs for infinite happiness. St. Thomas Aquinas teaches that it is not wrong to seek happiness—but only the desire for God completes it. Our life here is temporary, yet our dignity lies in this truth: we are called to communion with Him.

Even in suffering, St. Paul could say, “Rejoice.” Why? Because joy does not deny pain—it looks beyond rainy days, anchored in the Good News of God’s love and forgiveness.

But joy is a gift we must protect. Jesus warns us of those who come to steal—so we guard our joy against sin, fear, pride, and disordered attachments. We protect it through prayer, regular confession, and the Eucharist, and by surrounding ourselves with people who love and serve God.

Joy is not meant to be kept. Grace is siksik, liglig, at umaapaw. As Couples for Christ, we are not just recipients of joy—we are bearers of joy. We witness it in communion, live it in service, and carry it into mission.

Because in Christ, we can truly say:
“Kay Kristo, kumpleto.”
You are a missionary.

Session 3 - Sharer Mula pa noong  AGW 2011, ang paglilingkod ni Sis. Mimi Dela Torre ay naging daluyan ng biyaya—sa pagh...
18/04/2026

Session 3 - Sharer

Mula pa noong AGW 2011, ang paglilingkod ni Sis. Mimi Dela Torre ay naging daluyan ng biyaya—sa paghikayat sa mga scholars na dumalo sa values formation at sa pag-anyaya sa kanilang mga magulang na maging bahagi ng Couples for Christ sa pamamagitan ng Christian Life Program.

Hindi naging madali ang lahat. Sa gitna ng kanyang paglilingkod bilang coordinator, dumating ang isang napakasakit na pagsubok—kinuha ng Panginoon si Bro. Ed. Isang malaking dagok, lalo’t siya ang may alam ng lahat ng gawain at papeles. Ngunit sa halip na manatili sa takot, pinili niyang tanggapin ang hamon at magpatuloy, sapagkat nakasalalay dito ang kinabukasan ng mga scholars.

Sa paglipas ng panahon, nasaksihan ang bunga ng pagtitiyaga—natutong magdasal ang mga scholars, magsimba tuwing Linggo, at gampanan ang kanilang mga responsibilidad. Doon niya napagtanto na masarap at masaya ang magbahagi sa kapwa nang walang inaasahang kapalit, ang unahin ang iba bago ang sarili.

Isang paalala sa ating lahat:
Be blessed, and be a blessing to others.

Session 3: Extending the TableAng Hapag ng Panginoon ay hindi lamang isang bagay—ito ay isang tagpuan. Dito natin ginugu...
18/04/2026

Session 3: Extending the Table

Ang Hapag ng Panginoon ay hindi lamang isang bagay—ito ay isang tagpuan. Dito natin ginugunita ang pag‑ibig, awa, at biyaya ng Diyos na ating tinanggap, at dito rin tayo tinatawag na ibahagi ito sa lahat, anuman ang kanilang kalagayan sa buhay.

Upang palawakin ang hapag, kailangan nating ipahayag ang ating nakita at narinig—ang karanasan natin ng pagmamahal ng Diyos—sa bawat taong ating nakakasalamuha araw‑araw. Sapagkat maipapahayag lamang natin ang pag‑ibig ng Diyos kung una natin itong naranasan.

Ang bukas na puso ng Diyos ang nauna na sa atin at naghihintay nang walang kondisyon (Pope Francis). Kaya’t ang paanyaya ay para sa lahat—sa may takot, may pagdududa, may sugat, may kasalanan, may kahihiyan, at kahit sa mga tila hindi karapat‑dapat. Tulad ni Zacchaeus, tulad ng babaeng umiyak sa paanan ni Hesus, at maging si Judas—walang sinuman ang hindi inimbitahan sa Kanyang hapag.

Ang pagpapalawak ng hapag ay nangangahulugang dalhin ang awa at pagmamahal ng Diyos lampas sa ating kaginhawaan—kahit sa mga lugar na mahirap, hindi pamilyar, o masakit. Hindi dahil madali ito, kundi dahil kasama natin ang Diyos.

Sa CFC at sa ating paglilingkod, hindi posisyon ang mahalaga kundi ang pusong handang maglingkod nang may kababaang‑loob at pagmamahal. Ang pagkakaisa ay lumalago sa tiwala, katapatan, at bukas na puso—sapagkat tayo ay iisang katawan kay Kristo, tinawag hindi upang paglingkuran, kundi upang maglingkod.

At ang paanyaya ng Panginoon ay patuloy na bumubulong sa atin ngayon:
“Bumalik ka. Maupo kang muli sa Aking hapag.”
Anuman ang ating nakaraan, handa tayong tanggapin ng Panginoon sa Kanyang mesa.

Session 2: Table for ThreeAng unang pinapastol ng Panginoon ay ang indibidwal, kasunod ang mag‑asawa, upang ang Kanyang ...
18/04/2026

Session 2: Table for Three

Ang unang pinapastol ng Panginoon ay ang indibidwal, kasunod ang mag‑asawa, upang ang Kanyang pag‑ibig ay maipasa mula henerasyon hanggang henerasyon. Kapag ang mag‑asawa ay inuuna at pinatatatag ng Diyos, ang pagmamahal Niya ay naibabahagi sa kanilang mga anak.

Ito ang biyaya ng Sakramento ng Kasal—hindi ito maaaring balewalain. “Iiwan ng lalaki ang kanyang ama at ina, at sila’y magiging isa.” Ang Hapag ni Kristo ay hindi lamang para sa mag‑asawa, kundi isang hapag ng pag‑ibig na ibinabahagi sa pamilya, sa komunidad, at sa ating mga kapitbahay.

Tinatawag ang mga asawa, lalo na ang mga lalaki, na ibigin ang kanilang asawa gaya ng pag‑ibig ni Kristo sa Simbahan—isang pag‑ibig na nagdadala sa kabanalan.
Ngunit may mga bagay na sumisira sa daloy ng pagkakaisa ng lalaki, babae, at Diyos—disruption.

Maaaring ito ay:

~Financial infidelity – paglabag sa napagkasunduang pamamahala ng pera
~Emotional infidelity – paghahanap ng emosyonal na sandigan sa iba
~Mga bagay na tila maliit ngunit unti‑unting lumalayo sa mag‑asawa—sobrang oras sa media, libangan, o kahit serbisyo, kung nawawala ang ugnayan sa asawa

Kaya’t ang paanyaya ng Diyos ay malinaw:
“Hayaan ninyo Akong maging sentro ng inyong relasyon.”
Sapagkat upang maging tapat sa isa’t isa, kailangan munang maging tapat sa Diyos.

Ang pamilya ang una at pundamental na paaralan ng buhay panlipunan—isang komunidad ng pag‑ibig. Kaya’t unahin natin ang panalangin, ang mga pagdiriwang ng liturhiya, at ang pag‑ibig sa ating pinakamalapit na kapwa—ang ating asawa at pamilya.

Afternoon WorshipHabang tumatawid ang mga apostol sa Dagat ng Galilea, sila’y natakot. Ngunit agad na nagsalita si Hesus...
18/04/2026

Afternoon Worship

Habang tumatawid ang mga apostol sa Dagat ng Galilea, sila’y natakot. Ngunit agad na nagsalita si Hesus:
“Ako ito. Huwag kayong matakot.”

Ngayong hapon, iyan din ang paalala ng Diyos sa atin. Sa gitna ng mga digmaan, kaguluhan, at takot na dulot ng mundo, sinasabi pa rin ng Panginoon:
“Ako ito. Ako ay muling nabuhay.”

Hindi man natin kontrolado ang nangyayari sa paligid, may katiyakan tayong panghahawakan—hindi tayo nag‑iisa. Kaya’t magpatuloy lang, huwag sumuko. Unahin natin ang Diyos sa lahat ng bagay at manampalataya sa Kanya, sapagkat sa Kanya nagmumula ang tunay na lakas at pag‑unlad (UNLAD).

07/04/2025

✨ “Here I am, Lord… Send me.” ✨
A weekend of grace, surrender, and mission — moments captured during the TWR that reminded us of our calling, our community, and the One who sends us.
We were not just moved… we were marked. 💖
Thank You, Lord, for our Galilee. Now we go forth with hearts on fire. 🔥
🎵 Song: Send Me by LIVELOUD

Address

Boac
Marinduque
4900

Opening Hours

Monday 8am - 10pm
Tuesday 8am - 10pm
Wednesday 8am - 10pm
Thursday 8am - 10pm
Friday 8am - 10pm
Saturday 8am - 10pm
Sunday 8am - 10pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Couples for Christ Marinduque posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share