San Bartolome Society OLA Marikina city

San Bartolome Society OLA Marikina city Si San Bartolome na kilala rin bilang Natanael ay isa sa labindalawang apostol ni Hesus. He became a disciple at the request of his friend Saint Philip.

Hinikayat siya ni San Felipe Apostol upang maging bahagi sa labindalawang apostoles. Saint Bartholomew the Apostle

Saint Bartholomew is a disciple of Jesus who is also known as Nathanael. When he was seen under the fig tree, Jesus said: "Here is the true Israelite. He has nothing false." Bartholomew answered, "Teacher, you are indeed the Son of God. You are the king of Israel." According to tradition he was killed by removing his skin with a knife while he was still alive.

Sa araw na ito, sama-sama tayong nagdiriwang ng kapistahan ni San Bartolome, ating mahal na patron, bilang pasasalamat s...
24/08/2025

Sa araw na ito, sama-sama tayong nagdiriwang ng kapistahan ni San Bartolome, ating mahal na patron, bilang pasasalamat sa kanyang patnubay at walang sawang pagbibigay-inspirasyon sa ating pananampalataya.

Nawa’y magsilbi itong paalala na sa bawat pagsubok at biyayang ating natatanggap, laging naroon ang gabay ng ating Panginoon sa pamamagitan ng panalangin at halimbawa ni San Bartolome.

Mabuhay ang ating pananampalataya!
Viva San Bartolome!


24/08/2025

KAPISTAHAN NG KABANAL-BANALANG SAN BARTOLOME APOSTOL

Ngayong Agosto 24, ipinagdiriwang ng Simbahan ang dakilang kapistahan ni San Bartolome Apostol, tapat na alagad ni Kristo, misyonero ng Mabuting Balita sa iba’t ibang dako ng mundo, at martir na nag-alay ng buhay alang-alang sa pananampalataya.

Nawa’y sa kanyang pamamagitan ay manatili tayong matatag sa ating pananampalataya at maging matapang na saksi ng Ebanghelyo sa ating panahon.

Imaheng nasa pangangalaga ng ating butihing chairman na si Kathleen Dela Paz

San Bartolome Apostol, ipanalangin mo kami.
VIVA SAN BARTOLOME!

Pitong araw ng Caru-Caruhan.
30/05/2025

Pitong araw ng Caru-Caruhan.

Huling araw ng Caru-Caruhan ngayong taong 2025."Sumagot si Natanael sa kaniya, G**o, ikaw ang Anak ng Diyos; ikaw ang Ha...
29/05/2025

Huling araw ng Caru-Caruhan ngayong taong 2025.

"Sumagot si Natanael sa kaniya, G**o, ikaw ang Anak ng Diyos; ikaw ang Hari ng Israel.

Si Jesus ay sumagot at sinabi sa kaniya, Dahil baga sa sinabi ko sa iyo, Kita'y nakita sa ilalim ng puno ng igos, kaya ka sumasampalataya? makikita mo ang mga bagay na lalong dakila kay sa rito.

At sinabi niya sa kaniya, Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa iyo, Makikita ninyong bukas ang langit, at ang mga anghel ng Dios na nagmamanhik-manaog sa ulunan ng Anak ng tao."

— Juan 1:49-51

Muli, maraming salamat po sa lahat ng nakilahok at tumulong upang maging matagumpay ang paglabas ng imahe ni San Bartolome Apostol sa taunang caru-caruhan.


Taos pusong pasasalamat sa mga kabataan na nakilahok sa taunang caru-caruhan at dumalo sa munting selebrasyon ng kaarawa...
21/05/2025

Taos pusong pasasalamat sa mga kabataan na nakilahok sa taunang caru-caruhan at dumalo sa munting selebrasyon ng kaarawan ng yumaong Camarero ni San Bartolome Apostol na si Ramon Nonato Lucas (Kuya Nonit)

San Bartolome Apostol, ipanalangin mo kami.

Sa araw na ito, Mayo 21, ay ang kaarawan ng Camarero ni San Bartolome Apostol na si Ramon Nonato Lucas o "Kuya Nonit"Mal...
20/05/2025

Sa araw na ito, Mayo 21, ay ang kaarawan ng Camarero ni San Bartolome Apostol na si Ramon Nonato Lucas o "Kuya Nonit"

Maligayang Kaarawan sa Langit, Kuya Nonit! Ang iyong alaala at debosyon ay mananatili sa aming puso magpakailanman. Nawa'y gabayan mo kaming lahat sa pagpapatuloy ng iyong mga naiwan. Hanggang sa muli!

Ika-limang araw ng Caru-Caruhan.Pasko ng Pagkabuhay ang tema."Sinabi ni Jesus, Ako ang tinapay na nagbibigay-buhay. Ang ...
19/05/2025

Ika-limang araw ng Caru-Caruhan.
Pasko ng Pagkabuhay ang tema.

"Sinabi ni Jesus, Ako ang tinapay na nagbibigay-buhay. Ang lumalapit sa akin ay hindi na magugutom kailanman, at ang sumasampalataya sa akin ay hindi na mauuhaw kailanman."

— Juan 6:35


Ika-apat na araw ng Caru-Caruhan."Sapagkat gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sangkatauhan, kaya't ibinigay niya a...
18/05/2025

Ika-apat na araw ng Caru-Caruhan.

"Sapagkat gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sangkatauhan, kaya't ibinigay niya ang kanyang kaisa-isang Anak, upang ang sinumang sumampalataya sa kanya ay hindi mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan."

- Juan 3:16


Ikatlong araw ng Caru-Caruhan.Biyernes Santo theme. "Ngunit dahil sa ating mga kasalanan kaya siya nasugatan; siya ay bi...
16/05/2025

Ikatlong araw ng Caru-Caruhan.
Biyernes Santo theme.

"Ngunit dahil sa ating mga kasalanan kaya siya nasugatan; siya ay binugbog dahil sa ating kasamaan. Tayo ay gumaling dahil sa pahirap na dinanas niya at sa mga hampas na kanyang tinanggap."

- Isaias 53:5

San Bartolome Apostol, ipanalangin mo kami.

Ngayong buwan ng Mayo ay ginugunita ang taunang Caru-caruhan kung saan ay pinu-prusisyon ang mga iba't ibang imahe. Isa ...
08/05/2025

Ngayong buwan ng Mayo ay ginugunita ang taunang Caru-caruhan kung saan ay pinu-prusisyon ang mga iba't ibang imahe. Isa sa mga kasali sa ganap na ito ay ang imahe ni San Bartolome Apostol.

San Bartolome Apostol, ipanalangin mo kami.



Address

2 Kaptitan Moy Street, Santa Elena
Marikina City

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when San Bartolome Society OLA Marikina city posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share