Social Service Ministry of OLA Marikina

Social Service Ministry of OLA Marikina Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Social Service Ministry of OLA Marikina, Catholic Church, J. P. Rizal Street corner V. Gomez St, Marikina City.

The Ministry on Social and Human Development, commonly referred to as the Social Service Ministry of our Parish, is tasked to provide help and assistance to those in need particularly in livelihood, health, social welfare and relief operations.

17/05/2026
[PAALALA] Mga kapatid, pinapaalalahanan po ang lahat—lalo na ang mga kabataan na hindi pa rehistrado—na bukas, ika-18 ng...
17/05/2026

[PAALALA] Mga kapatid, pinapaalalahanan po ang lahat—lalo na ang mga kabataan na hindi pa rehistrado—na bukas, ika-18 ng Mayo 2026, na ang huling araw ng Voters’ Registration para sa mga paparating at susunod na halalan.

Para sa mga taga-Marikina (1st at 2nd District), ang Satellite Registration Venue ay matatagpuan sa Ground Floor ng SM Marikina, malapit sa Ace Hardware.

Mangyaring dalhin ang mga sumusunod:
* Isang valid ID
* Birth Certificate o iba pang supporting documents (kung kinakailangan)
* Sariling ballpen

Huwag nating sayangin ang pagkakataong makilahok sa paghubog ng kinabukasan. Halina at makialam, makisangkot, at maging isang responsableng mamamayan!

Bilang pakikiisa sa masayang pagdiriwang ng Kapistahan ng Nuestra Señora de los Desamparados, matagumpay na naisagawa an...
13/05/2026

Bilang pakikiisa sa masayang pagdiriwang ng Kapistahan ng Nuestra Señora de los Desamparados, matagumpay na naisagawa ang Agape para sa mga Walang Mag-Ampon sa pangunguna ng Ministry on Social and Human Development at Cofradia de la Nuestra Señora de los Desamparados noong ika-12 ng Mayo, araw ng Kapistahan ng ating mahal na Patrona.

Sa pamamagitan ng munting salu-salo at pagpapakain, naipadama ang diwa ng pagmamahal, pagkalinga, at pagbabahagi sa ating mga kapatid na higit na nangangailangan. Nawa’y magsilbi itong paalala na ang tunay na pagdiriwang ay hindi lamang nasusukat sa kasayahan, kundi higit sa malasakit at paglilingkod sa kapwa.

Maraming salamat sa lahat ng mga tumulong, nakibahagi, at nagbahagi ng kanilang oras at biyaya upang maisakatuparan ang gawaing ito ng pag-ibig at awa.

Sa diwa ng pagdiriwang ng Kapistahan ng ating patrona, Nuestra Señora de los Desamparados, matagumpay na naisakatuparan ...
10/05/2026

Sa diwa ng pagdiriwang ng Kapistahan ng ating patrona, Nuestra Señora de los Desamparados, matagumpay na naisakatuparan ang Medical Mission - Operation Tule 2026 sa pangunguna ng Social Service Ministry ng ating Parokya, katuwang ang St. Camillus Polyclinic - Makati at AMSA-UERM. Idinaos ito noong Mayo 10, 2026 sa AVR Room ng Marikina Catholic School.

Taos-pusong pasasalamat sa lahat ng mga doktor, volunteers, katuwang na organisasyon, at mga naging bahagi ng misyong ito ng paglilingkod at malasakit para sa ating pamayanan. Nawa’y patuloy nating maisabuhay ang diwa ng pagkakawanggawa at pag-aaruga sa kapwa sa ilalim ng mapagkalingang paggabay ng ating Mahal na Ina, Nuestra Señora de los Desamparados.

Viva la Virgen!

[PAANYAYA] Ang Social Service Ministry ng ating parokya ay magsasagawa ng Operation Tule alay sa Kapistahan ng Nuestra S...
29/04/2026

[PAANYAYA] Ang Social Service Ministry ng ating parokya ay magsasagawa ng Operation Tule alay sa Kapistahan ng Nuestra Señora de los Desamparados. Katuwang sa programang ito ay ang St. Camillus Polyclinic - Makati at AMSA-UERM.

Ito ay gaganapin sa darating na ika-10 ng Mayo, Linggo, sa AVR Room ng Marikina Catholic School, katabi ng ating simbahan, sa ganap na ika-8 ng umaga.

Ang serbisyo ay ibibigay, "FIRST COME, FIRST SERVE” basis. Nangangahulugan ito na mauuna ang mga unang dumating sa venue sa pagkuha ng serbisyo.

Iba pang mga paalala:
- Magdala ng ID (magulang at bata).
- Magdala ng payong o sombrero.
- Magdala ng sariling tubig o tumbler.
- Magdala ng pamaypay.

Para sa mga karagdagang impormasyon at katanungan, maaaring makipag-ugnayan sa sinomang kasapi ng Social Service Ministry o bisitahin ang page ng Social Service Ministry.

Maraming salamat po!

TINGNAN | Kanina, ang Dambana at Parokya ng Nuestra Señora de los Desamparados de Marikina ay naghatid ng tulong at saya...
23/12/2025

TINGNAN | Kanina, ang Dambana at Parokya ng Nuestra Señora de los Desamparados de Marikina ay naghatid ng tulong at saya sa diwa ng Kapaskuhan sa pamamagitan ng programang "Pasko ni Kristo, Pasko Nating Lahat." Mahigit 300 pamilya ang nabiyayaan ng Noche Buena packs upang maipagdiwang ang Pasko sa kabila ng mga hamon sa buhay.

Bukod sa pamamahagi ng noche Buena packs, dumalo at nakibahagi rin ang mga tumanggap sa Misa na pinangunahan ni Pd. Lamberto S. Ramos, ang Rektor at Kura Paroko ng dambana. Ang nasabing inisyatibo ay bahagi ng patuloy na misyon ng simbahan na maglingkod at magbigay liwanag sa mga nangangailangan, lalo na sa panahon ng kapaskuhan.

TINGNAN | Kahapon, Oktubre 27, matagumpay na muling isinagawa ang inaasahang programang "Dugo Mong Inialay, Makaliligtas...
27/10/2025

TINGNAN | Kahapon, Oktubre 27, matagumpay na muling isinagawa ang inaasahang programang "Dugo Mong Inialay, Makaliligtas ng Buhay"—ang Mass Blood Donation Program ng ating parokya.

Katuwang ang Philippine Red Cross-Marikina City Chapter, naging maayos at matagumpay ang gawaing ito. Buong-pusong tumugon ang ating mga parishioners at nag-alay ng dugo, isang gawaing tunay na nagpapakita ng kanilang taos-pusong pagmamalasakit at hangarin na makatulong sa mga nangangailangan ng agarang pagsasalin ng dugo.

Taos-pusong pasasalamat sa lahat ng volunteers at donors na nag-alay ng kanilang oras at sarili para sa adhikaing ito. Ang inyong kabutihang-loob ay tunay na nagliligtas ng buhay!






🩸ON-GOING: MASS BLOOD DONATION DRIVE!🩸📍 Diocesan Shrine and Parish of Our Lady of the Abandoned🕗 8:00 AM - 3:00 PMKasalu...
26/10/2025

🩸ON-GOING: MASS BLOOD DONATION DRIVE!🩸

📍 Diocesan Shrine and Parish of Our Lady of the Abandoned
🕗 8:00 AM - 3:00 PM

Kasalukuyang ginaganap ang Mass Blood Donation!
Inaanyayahan ang lahat na makiisa at magbahagi ng buhay sa pamamagitan ng pag-donate ng dugo.

Ang Ministry on Social and Human Development ng ng Diocesan Shrine and Parish of Our Lady of the Abandoned of Marikina, ...
04/10/2025

Ang Ministry on Social and Human Development ng ng Diocesan Shrine and Parish of Our Lady of the Abandoned of Marikina, kasama ang Philippine Red Cross - Marikina City Chapter ay nag-aanyaya sa lahat na makiisa sa gaganaping Mass Blood Donation sa ika-26 ng Oktubre, 2025 sa OLA Formation Center (2nd Floor) mula 8:00 AM hanggang 3:00 PM.

Para sa mga katanungan, makipag-ugnayan o magpadala lamang ng mensahe sa page ng Social Service Ministry of OLA Marikina.

In a powerful pastoral letter from the Bishop of Antipolo, Most Rev. Ruperto C. Santos, D.D., calls on legistlators, con...
20/09/2025

In a powerful pastoral letter from the Bishop of Antipolo, Most Rev. Ruperto C. Santos, D.D., calls on legistlators, contractors, and government officials to embrace Magpakatao—a deeply Filipino and faith-rooted principle that urges leaders to act with integrity, compassion, and respect for human dignity. The message, grounded in Scripture and Catholic teaching, challenges those in positions of influence to prioritize transparency, accountability, and the common good, especially in public infrastructure projects.

More than a moral reminder, the message is a spiritual wake-up call: leadership is not about status or control, but about service, honesty, and obedience to truth. Echoing the humility of Christ, it invites reflection on how decisions—big or small—can either uplift or erode the dignity of others.

The full script on his pastoral message can be read from below.

20/09/2025

“Sobra na, tama na, ikulong na!”

Kapanalig, inyong masusubaybayan ang gaganaping pagtitipon sa EDSA Monument sa DZRV 846 page, Veritas YouTube Live Stream, at Skycable Channel 211.

Ang tinig ng sambayanan ay patunay na hindi tayo bulag sa mga pangyayari sa ating bansa!



Address

J. P. Rizal Street Corner V. Gomez St
Marikina City
1801

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Social Service Ministry of OLA Marikina posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share