YIFI Marikina

YIFI Marikina YIFI Marikina Official page

Ang mga Kabataan ng Iglesia Filipina Independiente sa Lungsod ng Marikina, IFI Parokya ng Santo Niño de MarikinaIfi Jdel...
16/05/2023

Ang mga Kabataan ng Iglesia Filipina Independiente sa Lungsod ng Marikina, IFI Parokya ng Santo Niño de MarikinaIfi Jdelapeña MarikinaIFI Parish of La Purisima Concepcion de MarikinaLa Purisima Concepcion Malanday-Officialna nakilahok at nakiisa sa pagdiriwang ng Kapistahan ng Patron San Isidro Labrador sa pangunguna ng kanilang Pari Reb. Teodor Dimla at konsehong pang Misyon, mga Sektor at kanilang Kongregasyon.
Matagumpay at naging masagana ang pagdiriwang ng kapistahan na nagsisimbolo ng matayog na ani,
Na si San Isidro Labrador, bilang isang mamamalakaya at manggagawang bukid ay nagpastol at naging mabuting tagasunod ng Kristo.
Maligayang kapistahan bayan ng Jesus Dela Peña!
Maligayang kapistahan Patron ng mga manggagawang bukid!
Mabuhay at Maligayang Kapistahan
San Isidro Labrador De Marikina!





15/05/2023

San Isidro Labrador

Titik: Rev. Mary Grace Ejercito- Masegman
Musika: Dionemar Josef

SEÑOR San Isidro Labrador
Patron ng mga manggagawa ng bukid
Katangian Mong di maiwawaksi
Panatang maipagmamalaki

Pananampalataya Mong tinagalay
Kasing yaman ng gintong butil ng palay
kasipagan, katapangan at katapatan
Pag-ibig sa Diyos na lumikha

Sa bawat ulan hangin at araw
Pangamba ng bagyo, baha at kadautan
Tanging ang Diyos ang iyong malalapitan
Kaligtasan ang siyang makakamtan

Senior San Isidro Labrador
Patron ng mga manggagawa ng bukid
Katangian Mong di maiwawaksi
Panatang maipagmamalaki
Panatang maipag-mamalaki

Address

Marikina City

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when YIFI Marikina posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share