Fearless Catholic Opinion

Fearless Catholic Opinion My Catholic Opinion and News Online will bring you opinions and news about the recent happenings in

Reflection:In today’s Gospel, a miracle of healing the blind man is shown, which only made the Pharisees angrier at Jesu...
15/03/2026

Reflection:

In today’s Gospel, a miracle of healing the blind man is shown, which only made the Pharisees angrier at Jesus. Because of Jesus, the blind man could see, yet the Pharisees insisted that He was a sinner. Because of this, they became the truly blind ones. Blindness is not only physical; it can also be spiritual. This also happens to us when we no longer see the goodness of God in our lives. This happens if we harbor envy, hatred, vengeance, and selfishness in our hearts, just like the Pharisees. Because of this blindness, Jesus was right in front of them, yet they failed to see that He was the long-awaited Messiah.

Spiritual blindness hardens the heart. Even God is saddened when we do not see all the beautiful things He does, yet He continues to provide for us. This Lent, let us strive to be grateful. Let us count our blessings throughout the day before we go to sleep. Even upon waking up and throughout the day, let us look for things to thank God for, instead of things to complain about. Problems in life are inevitable, but we can always find good things to be grateful for because, despite the hardships, God’s goodness never ceases. Amen. +

Read full post on our page. Link on IG bio. ➡️

Pagninilay:Ngayong Linggo ay tinatawag na “Laetare Sunday”,  ibig sabihin nito ay “Magalak” sa wikang Latin. Malapit na ...
15/03/2026

Pagninilay:

Ngayong Linggo ay tinatawag na “Laetare Sunday”, ibig sabihin nito ay “Magalak” sa wikang Latin. Malapit na ang Pasko ng Pagkabuhay. Kumusta kaya ang ating paghahanda? Tayo ba ay mas nakakapanalangin at mas nakakapagnilay? Ang panahon ng Kuwaresma ay panahon ng pagsusuri ng sarili upang magsisi at tumalikod sa kasalanan. Ang Diyos ay lagi tayong hinihintay na dumulog sa Kanya nang may bukas na puso kahit tayo ay nagkakamali. Sa ebanghelyo ngayon ay ipinakita ang isang himala ng pagpapagaling sa bulag kung saan lalong nagalit ang mga Pariseo kay Hesus. Dahil kay Hesus, nakakita ang bulag ngunit pinagpipilitan pa rin ng mga Pariseo na Siya ay isang makasalanan. Dahil dito, sila ang naging tunay na bulag. Hindi lang pisikal ang pagkabulag. Maari rin itong maging espirituwal. Nangyayari rin ito sa atin kung hindi na natin nakikita ang kabutihan ng Diyos sa ating buhay. Nangyayari ito kung mayroon tayong inggit, p**t, paghihiganti at pagkamakasarili sa ating puso tulad ng mga Pariseo. Dahil sa pagkabulag na ito, nasa harapan na nila si Hesus ngunit hindi pa nila nakita na Siya ang pinakahihintay na Mesiyas. Ang pagkabulag sa espirituwal na paraan ay nakakatigas ng puso. Maging ang Diyos ay nalulungkot kapag hindi natin nakikita ang bawat magagandang ginagawa Niya, subalit patuloy pa rin Siyang nagbibigay sa atin. Ngayong Kuwaresma, sikapin nating maging mapagpasalamat. Bilangin natin ang ating biyaya sa buong araw bago tayo matulog. Kahit pagkagising pa lang at sa buong araw ay maghanap tayo ng ipagpapasalamat sa Diyos, sa halip na ikarereklamo. Hindi maiiwasan ang mga problema sa buhay ngunit lagi pa rin tayong makakahanap ng magagandang bagay na maipagpasalamat dahil sa kabila ng kahirapan, hindi pa rin tumitigil ang kabutihan ng Diyos. Amen. +

Read full post on our page. Link on IG bio. ➡️

Reflection:He wants to hear our complaints and the blessings for which we are thankful. He wants us to ask Him for help ...
08/03/2026

Reflection:

He wants to hear our complaints and the blessings for which we are thankful. He wants us to ask Him for help every single day, whenever we need it, in both big things and small. If we seek everything we need in God, we will always find more than what we are looking for, because that is the nature of God’s love. It is so abundant that it will cleanse our mistakes, sins, and weaknesses if we repent. This Lent, let us return to our Father. Let us pray more every day, purify ourselves, and seek help to remove our bad habits and actions. Let us attend Mass every Sunday and go to Confession as a sign of repentance and a return to the Father. Returning to Him is the proof that we love God. Amen. +

Read full post on our page. Link on IG bio. ➡️

Pagninilay:Nais Niyang marinig ang ating mga hinanaing at ang mga biyayang ipinagpapasalamat natin. Nais Niyang hingian ...
08/03/2026

Pagninilay:

Nais Niyang marinig ang ating mga hinanaing at ang mga biyayang ipinagpapasalamat natin. Nais Niyang hingian natin Siya ng tulong araw-araw at kung kailan man natin kailangan, sa malalaking bagay man o maliit. Kung sa Diyos natin hahanapin ang lahat ng ating kailangan, lagi tayong makasusumpong ng higit pa sa ating hinahanap, sapagkat ganoon ang pag-ibig ng Diyos. Sobra-sobra ito kaya’t malilinis ang ating mga pagkakamali, kasalanan at kahinaan kung tayo’y magsisisi. Ngayong Kuwaresma, bumalik tayo sa ating Ama. Mas manalangin araw-araw, linisin ang sarili at magpatulong na alisin ang masasamang ugali at gawain. Magsimba tayo tuwing Linggo at magkumpisal bilang tanda ng pagsisisi at pagbabalik sa Ama. Ang pagbabalik sa Kanya ang tanda na mahal natin ang Diyos. Amen. +

Read full post on our page. Link on IG bio. ➡️

Pagninilay:Ang ating ebanghelyo ngayong Linggo ay tungkol sa “Pagliliwanag sa Bagong Anyo ng Panginoon”. Sa wikang Ingle...
01/03/2026

Pagninilay:

Ang ating ebanghelyo ngayong Linggo ay tungkol sa “Pagliliwanag sa Bagong Anyo ng Panginoon”. Sa wikang Ingles, mas kilala ito sa “Transfiguration of the Lord”. Malapit na ang pagpapakasakit at pagkamatay ni Hesus at kailangan ng mga alagad ng lakas ng loob. Biglang nagningning at naging puting-puti ang kasuotan ni Hesus. Saka nakita sina Moses at Elias kasama Niya. Sila ang sumisimbolo sa mga propeta at batas na pinapahalagahan ng mga Israelita bilang sentro at pundasyon ng kanilang pananampalataya. Sabi ng Ama mula sa Langit, “Ito ang aking Anak, ang aking Hinirang. Siya ang inyong pakinggan.” Nakikinig ba tayo sa Diyos? Marami nang samu’t saring tinig sapagkat lalong umingay ang mundo dahil sa social media, na bagama’t may mga magagandang naidududulot, ay maari tayong mailayo sa DIyos. Sa halip na tinig ng Diyos, maaring makipagkompitensiya ang maraming tinig sa social media na nais ding pakinggan sila: mga influencers, artista at mga celebrity. Ang Diyos ay higit pa sa lahat ng magagaling na tao sa mundo. Ang tunay na Kristiyano ay wais at nananalangin upang makita ang pagkakaiba ng boses ng Diyos at ng boses ng tao lamang na hindi nakikinig sa karunungan ng Diyos. Nais ng mabuting Kristiyano na sumunod sa Diyos kaya siya ay hihingi ng tulong, gabay at karunungan sa Diyos. Sa lahat ng oras at lalo sa gitna ng mga paghihirap at balakid, palagi niyang hinahanap ang nais sabihin ng Diyos sa kanya. Ganito ang gawin natin sa ating buhay. Sa ating paglilinis ng sarili ngayong Kuwaresma, anu-ano ang mga bagay na dapat nating iwan at bitiwan - sa buhay man, sa sarili at sa relasyon natin sa kapwa? Ang Diyos ang tanging makakapagtagumpay laban sa mga masasama at problema. Pakinggan at sundin natin Siya sa pamamagitan na rin ng Kanyang grasya. Amen. +

Read full post on our page. Link on IG bio. ➡️

Reflection:When we recite the Our Father, in addition to celebrating the grace of being children of God, we also express...
24/02/2026

Reflection:

When we recite the Our Father, in addition to celebrating the grace of being children of God, we also express our commitment to responding to this gift by loving one another as brothers and sisters in Christ. Reflecting on this, one of the Fathers of the Church wrote: “We must remember... and know that when we call God ‘our Father’ we ought to behave as children of God” (Saint Cyprian of Carthage, De Dom. orat., 11), and another adds: “You cannot call the God of all kindness your Father if you preserve a cruel and inhuman heart; for in this case you no longer have in you the mark of the heavenly Father’s kindness” (Saint John Chrysostom, De orat. Dom., 3). We cannot pray to God as “Father” and then be harsh and insensitive towards others. Instead, it is important to let ourselves be transformed by his goodness, his patience, his mercy, so that his face may be reflected in ours as in a mirror. (Pope Leo XIV, Angelus, 27 July 2025)

Read full post on our page. Link on IG bio. ➡️

Pagninilay:Mapagpalang Martes sa ating lahat! Sa ating Ebanghelyo, makikita natin ang tunay na layunin ng panalangin: an...
24/02/2026

Pagninilay:

Mapagpalang Martes sa ating lahat! Sa ating Ebanghelyo, makikita natin ang tunay na layunin ng panalangin: ang mapalalim ang ating relasyon sa Diyos. Binabanggit ng ating Panginoong Hesus na hindi tayo dapat maging katulad ng mga Hentil na naniniwalang mapapakinggan lamang sila dahil sa dami ng kanilang mga salita. (Tandaan natin na hindi ito tumutukoy sa Rosaryo, kung saan ang paulit-ulit na dasal ay nagsisilbing gabay sa pagpapalalim ng ating pagninilay sa mga misteryo ni Kristo). Tulad ng isang magulang na nagnanais ng pagmamahalan sa pagitan niya at ng kanyang mga anak, inaanyayahan din tayo ng Diyos na mahalin Siya at pumasok sa Kanyang tahanan sa langit.

Sa unang pagbasa, ipinakita ng Diyos ang analohiya ng ulan na tumutulong upang mamunga ang mga halaman sa lupa. Gayundin, ang layunin ng ating panalangin ay upang maging bukas tayo sa grasya ng Diyos, nang sa gayon ay mamunga ito ng mga mabubuting gawa at pag-ibig sa ating Panginoon at kapwa. Ngunit, tandaan natin na ang paglalakbay patungo sa langit ay hindi madali dahil ang ating buhay sa mundo ay puno ng mga tentasyon ng demonyo. Ito ang dahilan kung bakit mahalagang pagnilayan ang huling bahagi ng “Ama Namin”—ang pagsamo na hindi tayo mapabayaan sa panahon ng tukso at mailayo tayo sa Masama, na tumutukoy kay Satanas at sa kanyang mga demonyo.

Read full post on our page. Link on IG bio. ➡️

Reflection:These three are the signs of true repentance. We reduce our time for ourselves to give it to God in prayer. W...
22/02/2026

Reflection:

These three are the signs of true repentance. We reduce our time for ourselves to give it to God in prayer. We reduce our food and worldly pleasures for ourselves because we desire to give to others. Let us try to do this now. Let us ask for God’s help. Let us ask Him what He wants us to do this Lent and strive to accomplish it through the grace of God.

Going to Mass and Confession will be our strength to continue what we wish to do for God. He is the one who will cleanse us of our sins if we take action and remain open because of our love for Him and for our neighbor. Amen. +

Read full post on our page. Link on IG bio. ➡️

Pagninilay:Tatlo ang kailangan nating gawin upang magtagumpay din ng ganito at malaman kung ano ang kalooban ng Diyos. K...
22/02/2026

Pagninilay:

Tatlo ang kailangan nating gawin upang magtagumpay din ng ganito at malaman kung ano ang kalooban ng Diyos. Kapag nagagawa natin ito ay malalaman natin ang gusto ng demonyo na gawin natin na dapat tanggihan. Una, ang pananalangin nang taimtim at mula sa puso nang higit pa kaysa dati. Ikalawa, ang pag-aayuno, dahil ito ay pagpipigil sa sarili sa sobra sobrang pagkain o kasiyahan sa buhay. Maaring social media, tsismis, at pagbili ng kung anu-anong bagay para sa sarili. Anumang pagtitiis at pagtitipid natin dahil sa pag-aayuno ay maari nating ibili ng pagkain at ipangtulong para sa mahihirap. Itong tatlo na ito ang tanda ng tunay na pagsisisi. Binabawasan natin ang oras para sa sarili para ibigay sa Diyos sa pananalangin. Binabawasan natin ang pagkain at masasayang bagay para sa sarili dahil gusto nating magbigay sa iba. Subukan natin itong gawin ngayon. Magpatulong tayo sa Diyos. Tanungin natin Siya kung ano ang nais Niyang gawin natin ngayong Kuwaresma at sikapin itong gawin sa grasya ng Diyos. Ang pagsisimba at pagkukumpisal ay magiging lakas natin upang maipagpatuloy ang mga nais nating gawin para sa Diyos. Siya ang maglilinis sa atin sa ating mga kasalanan kung kikilos tayo at magiging bukas dahil sa pagmamahal natin sa Kanya at sa kapwa. Amen. +

Read full post on our page. Link on IG bio. ➡️

Pagninilay:Ito ay oportunidad upang magsuri tayo ng ating mga kasalanan at lumapit sa Sakramento ng Kumpisal, ang Sakram...
09/02/2026

Pagninilay:

Ito ay oportunidad upang magsuri tayo ng ating mga kasalanan at lumapit sa Sakramento ng Kumpisal, ang Sakramento ng Habag ng Diyos. Si Kristo mismo ang nangako na ang sinumang mapatawad ng mga Apostol (at ang awtoridad na ito ay nananatili hanggang sa mga pari) ay tunay na pinatawad na sa kanilang kasalanan (Juan 20:23). Gayundin, pinapaalalahanan tayo ng Panginoon na pagnilayan kung ano nga ba ang nagiging dahilan ng ating pagkakasala. Kung tayo ay inaabisuhan ng doktor tungkol sa sanhi ng ating sakit, ganito rin ang kailangan nating gawin sa ating espirituwal na buhay; lalago tayo sa ating relasyon sa Diyos kung alam natin ang mga tukso na nagpapahina sa atin at ang mga gawaing kailangan nating iwasan.

Read full post on our page. Link on IG bio. ➡️

Reflection:We were made for others, not for ourselves, just as salt is meant to be mixed into food and not kept for its ...
08/02/2026

Reflection:

We were made for others, not for ourselves, just as salt is meant to be mixed into food and not kept for its own sake. Similarly, we cannot be the light of the world if we are selfish. God is the true Light. If He truly dwells in our hearts, it will bear fruit in the form of compassion and kindness. In the Name of God, we become His instruments to overcome the evil scattered throughout the world.

Through this divine calling, the Gospel challenges us to cast aside excessive self-importance and the preoccupations of the world. Today’s world is focused on wealth, luxury, and fame; however, God’s promise of eternity is achieved through giving and serving, not through the accumulation of things. Amen. +

Read full post on our page. Link on IG bio. ➡️

Pagninilay:Tayo ay tinatawag ni Hesus na maging asin at ilaw ng mundo. Ang asin ay maalat at ito ay nagpapaalat. Kung wa...
08/02/2026

Pagninilay:

Tayo ay tinatawag ni Hesus na maging asin at ilaw ng mundo. Ang asin ay maalat at ito ay nagpapaalat. Kung wala na ang alat nito, ano pa ang saysay ng asin? Sa gayunding paraan, tayo ay nilikha ng Diyos sa pagmamahal at upang magmahal. Ang pagmamahal na ito ay nakikita at naipadarama sa mabubuting gawa sa kapwa. Kung nawawala na ang ating mabubuting gawa para sa iba at ang ating pagiging mabuti, at kung hindi na natin nagagawang magmahal ng iba nang walang kapalit, nawawalan tayo ng alat. Tayo ay ginawa para sa iba, hindi para sa sarili gaya ng kung paanong ang asin ay para isahog sa pagkain at hindi para sa kanyang sarili. Hindi rin tayo nagiging ilaw ng mundo kung tayo ay nagiging makasarili. Ang Diyos ang Siyang totoong Ilaw. Kung Siya ay tunay na nananahan sa ating puso, mamumunga ito ng malasakit sa kapwa at kabutihan. Sa Ngalan ng Diyos, tayo ang magiging instrumento Niya upang magapi ang kasamaang kalat sa mundo. Sa tawag na ito ng Diyos sa atin, hinahamon tayo ng ebanghelyo na iwaksi ang labis labis na pagpapahalaga sa sarili at sa mga pinagkakaabalahan ng mundo. Ang mundo ngayon ay nakatuon sa yaman, karangyaan, katanyagan at iba pa, ngunit ang pangako ng Diyos na walang hanggan ay makakamtan sa pagbibigay at paglilingkod, hindi sa pagkakamit ng mga bagay. Amen. +

Read full post on our page. Link on IG bio. ➡️

Address

Marikina City

Opening Hours

Monday 9am - 5pm
Tuesday 9am - 5pm
Wednesday 9am - 5pm
Thursday 9am - 5pm
Friday 9am - 5pm
Saturday 9am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Fearless Catholic Opinion posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share