21/07/2019
Ang MOBILE LEGEND Tournament natin ay ire-reschedule. Ito po ay gaganapin na sa August 4, 2019, Sunday, 10am sa San Pablo Apostol NewLand - Youth Center, Velasquez St., Tondo, Manila.
Bukas ito para sa lahat, loob man o labas ng nasasakupan ng parokya. Bumuo ng isang team na may limang (5) miyembro at magpalista at magbayad ng registration fee sa opisina ng parokya. O 'di kaya'y magpalista kina kuya Raf Cayetano, Kuya Mike Adison Perez o Kuya Gericko Robert Aclado Gonzales. Maganda ring may pangalan ang team ninyo. :)
Ang laban ay mahahati sa dalawang division, ang GM-EPIC division at ang LEGEND-MYTHIC division.
Ang mga team na magkakampeyon sa bawat division ay mananalo ng P3000 at ang team na matatalo sa finals ay tatanggap ng P1000. Ang mga Semi-finalist na teams naman ay tatanggap ng P500.
Kaya, ano pa'ng hinihintay niyo? Bumuo na ng team at ipakita ang galing sa ML. Nag-enjoy ka na, makakatulong ka pa sa mga kabataan natin sa parokya para sa paghahanda sa gaganaping COSF 2019.
Muli, sali na kayo at markahan na ang petsa sa inyong mga kalendaryo para sa ating .