02/07/2026
𝐁𝐔𝐊𝐋𝐎𝐃 𝐃𝐀𝐋𝐀𝐍𝐆𝐈𝐍 | 𝐉𝐔𝐋𝐘 𝟑
𝐉𝐮𝐚𝐧 𝟐𝟎:𝟐𝟒–𝟐𝟗
"𝐌𝐚𝐩𝐚𝐩𝐚𝐥𝐚𝐝 𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚
𝐧𝐚𝐧𝐢𝐧𝐢𝐰𝐚𝐥𝐚 𝐤𝐚𝐡𝐢𝐭 𝐡𝐢𝐧𝐝𝐢 𝐧𝐢𝐥𝐚 𝐚𝐤𝐨 𝐧𝐚𝐤𝐢𝐭𝐚." — 𝐉𝐮𝐚𝐧 𝟐𝟎:𝟐𝟗
Minsan, tulad ni Tomas, naghahanap tayo ng kasiguruhan bago maniwala. Ngunit inaanyayahan tayo ni Hesus na magtiwala sa kanya kahit hindi natin nakikita ang mga sagot.
Halina at makibahagi sa ating Buklod Dalangin. Sama-sama nating pagnilayan ang Salita ng Diyos, palalimin ang ating pananampalataya, at maranasan ang kapayapaang nagmumula kay Kristo.
Lahat ay malugod na inaanyayahan. Sama-sama tayong manalangin at palaguin ang pananampataya.