09/05/2025
"HABEMUS NON PAPAM"
Mga kaibigan mayron na naman pong napiling bagong kahalili ni Bergoglio alyas Pope Francis ng vatican 2 religion sa pagtitipon ng mga heretic in the disguise as "Cardinals" sa kanilang conclave dalawang araw ang nakalipas. Siya ay si Mr. Robert Francis Prevost na nagdadala sa title name as "Pope Leo XIV". isang low profile na false cardinal na hindi isa sa mga inaakala ng lahat na siyang posibleng papalit na kahalili ni Mr. Bergoglio. Nagmumula siya sa Ilinois Chicago U.S.A, isinilang siya noong 1955, at pumasok sa religious congregation sa order of Saint Augustine. Para sa karagdagang information tungkol sa taong ito maari ninyong buksan ito 👇
https://en.wikipedia.org/wiki/Pope_Leo_XIV.
Para sa mga bago pa lang nitong page na ito, at baka magtaka kayo kung bakit habemus non papam ang headings nitong post na'to, embes na habemus papam na ang ibig sabihin ay mayron na tayong Pope, ngunit sa dalawang phrase ay inilagay dyan sa gitna ang "non" na ang ibig sabihin ay "hindi". Dahil hindi pa rin tunay na pope ang lumabas dyan sa false conclave na yan. At baka naman maitanong nyo rin kung papaano naging false conclave ang naganap noong mga nakalipas na araw; Dahil na rin sa mga rason na ito;
1.) Lahat ng mga electors na nakikilala ng buong mundo as cardinals ay mga false cardinal. Dahil inapoint sila ng mga false pope, at ayon sa tala 80% dito ay mga appointed ni Mr. Bergoglio, na sa mga nakaraang mga post natin maraming beses nating napatunayan ang kanyang false papacy sa pamamagitan ng kanyang mga public and heretical statements, heretical documents, exortations and apostolic constitution, na imposibleng mangyari sa isang tunay na Santo Papa, dahil ang katotohanan ay protektado ang tunay na Pope sa Dios Espiritu Santo, para hindi makakapagturo ng mali ng buong Simbahan, ayan ang e dinefine as dogma sa unang konseho ng vaticano. Na naniniwala tayo na ang Pope ay mayrong charism of papal infallibility. Mababasa natin yan dito 👇
https://www.ewtn.com/catholicism/teachings/vatican-is-dogmatic-constitution-pastor-aeternus-on-the-church-of-christ-243.
2.) Kadalasan sa 135 electors ay mga hindi tunay na pari, peru baka may mga mangingilan ilan sa kanila na na ordinahan parin sa traditional rite na ginawa naman ng tunay na obispo, peru kadalasan ay hindi mga tunay na pari at lalong hindi tunay na mga obispo ang mga yan. At baka naman maitanong nyo rin kung papaano nangyari yan? Ito ay sa kadahilanan ng apostolic constitution na ginawa ni Paul VI noong 1968 sa kanyang new rite of the holy orders, na syang dahilan sa invalidity ng mga oders ng mga nariyan sa conclave na yan. Dahil noong 1947 ay ginawaan na ni Pope Pius XII ang last true Pope ng Simbahang Katoliko ng dogmatic constitution ang Holy Orders sa kanyang "Sacramentum Ordinis" na nagbabanta sa invalidity ng holy oders, na kapag hindi masusunod ang matter and form na ibinigay na ng Simbahan, at maging ang mga rito nito, kalakip nito ang Diaconate, Priesthood, at ang Episcopate. Doon ini emphasized nya ang bawat form sa mga naturang orders na kung may mawawala sa mga bawat letra ay maaring invalid ang magaganap sana na sacramento. Ngunit ayon nga talaga ang ginawa ni Paul VI noong 1968, pinakialaman niya ang holy order na may dogmatic constitution na sana ng isang Pope, at igsaktong binago niya nga lahat na naiiba na sa traditional rite of the Church. Kaya sorry nalang sa mga novus ordo clergy na nag aakalang silay mga pari, at mga obispo ng Simbahang Katoliko, dahil ang maibibigay lang naming title sa inyo ay mga Mr., ngunit sa conciliar church na nabuo ng vatican 2 mga pari pa rin naman kayo dyan sa kanila, at wag kayong mag alala marami namang mga followers dyan sa bagong relihiyon ninyo. Kaya marami pa ring makaka appreciate sa inyong mga false order. kaya itong si Mr. Robert Francis Prevost ay isa lamang siyang lyco dahil na ordain siya sa taong 1982, at na consecrate siya sa taong 2014 bilang obispo ng conciliar church, peru kahit na ipagpalagay pa natin na na consecrate siya in traditional way by a true consecrated bishop, maging invalid pa rin ito dahil hindi nga siya tunay na pari, both of those orders that he has are invalid.
3.) Hindi sila belong sa true Catholic Church, dahil hindi sila nag po profess ng Catholic faith. Dahil sa Catholic faith ay naniniwala kami sa unity of faith in one Church of Christ, which is the One Holy Catholic and Apostolic Roman Church. Na kung mayron mang maiiba sa kanyang paniniwala ay hindi sila kabilang ng Simbahan, they are outside the Church not in communion to the whole faithful catholic, not belongs to the mystical body of Christ, and no salvation ouside of it. Peru itong mga ito ay walang unity in faith, ewan ko lang kung lahat ba sila ay naniniwalang walang impyerno, dahil yan ang paniniwala din ni Bergoglio. Dahil hayagan niyang sinabi sa isang journalist na kanyang kaibigan na si Eugenio Scalfari, na isang atheist sa "La Republica" noong 2018, nong tinanong siya kung ano ang mangyayari sa mga unrepentant sinners kung silay mamamatay? ang sabi niya..
[Francis:] "They are not punished, those who repent obtain the forgiveness of God and enter the rank of souls who contemplate him, but those who do not repent and cannot therefore be forgiven disappear. There is no hell, there is the disappearance of sinful souls."
ayan ang sinabi niya, na maglalaho nalang pala ang kaluluwa ng isang taong makasalanan na parang isang bula. Para sa mga diskompiyado kung talaga nga bang sinabi ni Mr. Bergoglio ang paniniwalang yan maari ninyo itong e click; 👇
https://rorate-caeli.blogspot.com/2018/03/there-is-no-hell-new-francis-revelation.html?fbclid=IwY2xjawKLgYtleHRuA2FlbQIxMQABHmvojjCxutbti6zUo8EJUSavYft4L7uoYwDG2EzBv84U2VDdu2A8EC6C4Iez_aem_JizBVBddbMW4xVaGnRzSxw&m=1
O di kaya'y dito na mismo kayo bumasa sa publication ng La Repubblica para sa mga nakaka intindi ng Italian 👇
https://www.repubblica.it/editoriali/2018/03/28/news/il_papa_e_un_onore_essere_chiamato_rivoluzionario_-300957997/
ewan ko lang kung ganyan din ba ang inyong paniniwala at ang paniniwala sa lahat ng mga electors dyan sa conclave, dahil kung hindi yan ang paniniwala ninyo, wala kayong unity of faith. Kaya nga binago ninyo ang apostles creed by not mentioning the hell kung saan doon nag descend ang ating Panginoon pagkatapos niyang mamatay sa Krus, dahil para sa sinusunod ninyo hindi nag e exist yung hell. Isa lang yan sa mga heresy na aking binanggit kung yan ba ay nagkakaisa kayo dyan.
Isang pang punto na itinuro mismo ng vatican 2 na hindi talaga kayo naniniwala sa unity or in a single Church in communion of faith, dahil sa "Lumen Gentium" ay itinuro na ang Church of Christ ay nananahan pala sa lahat ng mga secta na nag po profess sa kanya, ngunit partial lamang ang kanyang pananahan, dahil doon lang siya nag subsists sa Catholic Church, at mayron din daw palang kabanalan at kaluwalhatian sa ibang mga secta na ating matatagpuan; At para mas maklaro, e quote nalang natin dito ang controversial phrase na yun. narito 👇
This Church constituted and organized in the world as a society, subsists in the Catholic Church, which is governed by the successor of Peter and by the Bishops in communion with him,(13*) although many elements of sanctification and of truth are found outside of its visible structure. These elements, as gifts belonging to the Church of Christ, are forces impelling toward catholic unity. (lumen gentium chapter 1 ph. 8)
That is ambiguous explanation of the unity, dahil wala kayong unity kung ang ibang paniniwala party pala sa Church of Christ ngunit bumabanggit lang sa pangalan ng Panginoon. At itong word na subsists ay nagbabanggit yan ng dalawang elements and that is the Church of Christ at ang Catholic Church. Ibig sabihin, na ang Church of Christ ay hindi pala ang Catholic Church ngunit nag subsists lang ito sa kanya, at sa iba ring secta but not in full communion, so there are partial communion and full communion. At ito ang paniniwala ng mga electors sa conclave na yan they do not believe in unity of the Church, dahil wala nang condemnation sa mga separated brethren ninyo na mga protestante, because you are partially in communion with them, kaya may tinatawag kayong ecumenism. Peru ang katotohanan walang pagkakaisa sa ganyang pananampalataya dyan sa bagong relihiyon ninyo.
Kaya mga kaibigan it's sad to say that the true Catholic Church is continuosly suffering the long interregnum o tinawag nating sede vacante period. Dahil sa usurpation ng mga modernist sa priesthood hanggang sa mga hierarchiya ng Simbahan. Kaya sana! kayo din pag aralan ninyo ang tunay na pananampalatayang Katoliko, ang tunay niyang mga aral at ang tunay niyang kalagayan ngayon, at hanapin niyo siya kung nasaan na siya at ano na ang kalagayan niya sa panahong ito. Dahil sa gitna ng dakilang kaguluhang ito, at malaking pagsubok ng Simbahan ay hindi pa rin siya maglalaho hanggang sa huli, dahil may mga mangingilan ilan pa rin namang nananatili nito, at hindi pa rin naman napuputol ang line of succession sa mga tunay na Obispo para sa tinatawag nating apostolic succession. At patuloy pa rin ang mga ordinations kahit na hindi na muna masusunod ang mga jurisdiction ng Simbahan because of the absence of the law giver. Ang tunay na mga clergy ngayon ay kumikilos sa tinatawag nating "epekia" dahil sa wala pang authority kung saan sila mag sa submit. Hanapin ninyo ang mga validly ordained priest na hindi nagko compromise sa modern church o kumikilala sa vatican 2 religion. At wag doon sa mga validly ordained ngunit kinikilala nila ang vatican 2 religion peru hindi naman nila sinusunod ang kanilang Pope, nere resist nila ang kinikilala nilang authority, at hindi yan ang diwa ng isang Katoliko na kakalabanin mo ang iyong Pope, ayan yung grupo ng mga SSPX, MCSPX resistance, Ecclesia Dei, etc.
Ang tunay na validly ordained priest na hindi nagko compromise sa modern church is the sedevacantist clergy, sana matatagpuan ninyo sila, para sa ikaliligtas ng inyong mga kaluluwa kailangan nating mananatili sa tunay na pananampalatayang Katoliko, dahil sa labas ng Simbahan walang matatagpuang kaligtasan.