20/05/2024
Nang magkasala sina Adan at Eba laban sa Diyos sa pamamagitan ng kanilang pagsuway, pumasok ang kasalanan sa mundo, at ang tao ay nahiwalay sa Diyos. Ang p**t ng Diyos ay nasa atin—ang namatay sa atin nang sumuway si Adan sa Diyos ay ang ating espiritu. Namatay si Jesus sa krus para sa kapatawaran ng mga kasalanan at upang tayo ay mapanumbalik sa Diyos. Ito rin ay upang ang ating espiritu ay muling mabuhay ayon sa plano ng Diyos para sa tao mula pa sa simula. Binigyan tayo ni Jesus ng mga tagubilin upang maging bahagi ng Kaharian ng Diyos.
Basahin ang mga Kasulatan sa ibaba at ang Ebanghelyo ni Jesu-Cristo. Tapusin hanggang sa dulo. 👇👇👇
"Si Jesus ang DAAN, ang KATOTOHANAN, at ang BUHAY. Walang makakapunta sa Ama kundi sa pamamagitan Niya!"
Juan 3:3 MBB;
Sumagot si Jesus, 'Sinasabi ko sa inyo: maliban na ang tao'y ipanganak na muli, hindi siya makakapasok sa kaharian ng Diyos.
Juan 3:4-8 4 MBB;
Sumagot si Nicodemo, 'Paano pong maipapanganak muli ang isang tao kung siya'y matanda na? Makakapasok pa ba siya sa sinapupunan ng kanyang ina upang muling ipanganak?'
5 Sumagot si Jesus, 'Sinasabi ko sa inyo: maliban na ang tao'y ipanganak sa tubig at sa Espiritu, hindi siya makakapasok sa kaharian ng Diyos.
6 Ang ipinanganak ng laman ay laman, at ang ipinanganak ng Espiritu ay espiritu.
7 Huwag kayong magtaka sa sinabi ko sa inyo: Kailangan kayong ipanganak na muli.
8 Umiihip ang hangin kung saan nito nais, at naririnig ninyo ang ugong nito, ngunit hindi ninyo alam kung saan ito nanggagaling at kung saan ito pupunta. Gayundin ang bawat ipinanganak ng Espiritu.'"
Juan 3:16-21 16 MBB;
Sapagkat gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sanlibutan kaya't ibinigay niya ang kanyang kaisa-isang Anak, upang ang sinumang sumampalataya sa kanya ay hindi mapahamak kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.
17 Isinugo ng Diyos ang kanyang Anak sa sanlibutan, hindi upang hatulan ang sanlibutan, kundi upang iligtas ito sa pamamagitan niya.
18 Hindi hinahatulan ang sumasampalataya sa Anak, ngunit hinatulan na ang hindi sumasampalataya sapagkat hindi siya sumampalataya sa kaisa-isang Anak ng Diyos.
19 Hinatulan na ang tao sapagkat dumating na ang ilaw sa sanlibutan ngunit mas pinili pa nila ang kadiliman kaysa liwanag, sapagkat ang kanilang mga gawain ay masasama.
20 Ang gumagawa ng masama ay ayaw sa ilaw at hindi lumalapit dito upang hindi mahayag ang kanyang mga gawa.
21 Ngunit ang namumuhay sa katotohanan ay lumalapit sa ilaw upang mahayag na ang kanyang mga ginagawa ay pagsunod sa Diyos.
Marcos 2:17 MBB;
Narinig ito ni Jesus at sinabi niya sa kanila, 'Ang mga malulusog ay hindi nangangailangan ng manggagamot kundi ang mga maysakit. Naparito ako upang tawagin ang mga makasalanan, hindi ang mga matuwid.
🔑🔑🔑
Narito ang "Buong Ebanghelyo ni Jesus" na magdadala sa "BAGONG BUHAY kay Cristo Jesus."
Nang likhain ng Diyos ang mundo, ito ay napakabuti. Ang Diyos at ang tao ay nagtamasa ng perpektong relasyon na puno ng kapayapaan at pag-ibig. Walang kamatayan, sakit, kalungkutan, krimen o digmaan. Lahat ay perpekto.
Ngunit sumuway ang tao sa Diyos, at pumasok ang kasalanan sa mundo, na nagdulot ng paghihiwalay sa pagitan ng tao at ng Diyos. Dahil sa kasalanan, pumasok ang sakit, kamatayan, at ang p**t ng Diyos sa bumagsak na mundong ito.
Ang bumagsak na mundo na ito ang ating tinitirhan ngayon, kung saan ang mga tao ay bumaling sa kasamaan, hinahabol ang kanilang makasariling kagustuhan. Naghahanap sila ng kapayapaan sa pamamagitan ng tagumpay, relihiyon, relasyon, at iba pa. Ngunit ang mga ito ay hindi tunay na makakapagbigay sa atin ng kapayapaan. Ang katotohanan ay nananatili—tayo ay nahiwalay sa Diyos, anuman ang ating inaakalang kabutihan, o kahit tayo ay gumawa ng kabutihan, ito ay hindi sapat upang tayo ay mapatawad sa kasalanan at maligtas sa habang buhay ng kamatayan sa dagat-dagatang apoy pagdating ng paghuhukom.
Itinuturing mo bang mabuti kang tao? Oo? Ngunit sinabi ni Jesus na walang mabuti kundi ang Ama na nasa langit. Marcos 10:18 MBB; 18 "Sumagot si Jesus, 'Bakit mo ako tinatawag na mabuti? Walang mabuti kundi ang Diyos lamang.'
Kailanma'y sa buhay mo, nagsinungaling ka na ba, nagnakaw, nakipagtalik na hindi pa kasal, nangalunya, nagtanim ng galit, hindi nagpatawad, natungayaw, o nagpakasasa sa kayamanan ng dito sa mundo o ng anumang bisyo, o kahit na anong kasalanan na labag sa Diyos? Ang lahat ng ito ay kinamumuhian ng Diyos. Dahil ang Diyos ay Banal at tayo ay hindi, hindi natin kayang iligtas ang ating mga sarili, kaya tayong lahat kung tutuusin ay patungo sa impiyerno.
Kahit gaano karaming kabutihan ang ating subukan gawin, umaasa na ito ay magbibigay sa atin ng lugar sa langit, ito ay hindi sapat at hindi katanggap-tanggap sa Diyos dahil sa KASALANAN. Ang ating espiritu ay namatay nang sumuway si Adan sa Diyos. Kinakailangan natin ang isang Tagapagligtas, at ang Tagapagligtas na iyon ay si Jesu-Cristo. Siya ay dumating, namatay sa krus para sa lahat ng sangkatauhan, na nag-aalok sa atin ng kapatawaran at pagkakasundo sa Diyos, ang Manlilikha. Ang dugo ni Jesus ang tanging paraan upang malinis tayo mula sa tanikala ng kasalanan. Siya ay namatay, inilibing, at nung ikatlong araw, Siya ay muling nabuhay. Bakit? Sapagkat Siya lamang ang tanging taong hindi nagkasala. Ayon sa Bibliya, "Ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan." Upang maligtas, kailangan nating maniwala sa ebanghelyo ni Cristo at sundin ang Kanyang mga tagubilin. Inaanyayahan ka ni Jesus na maging Kanyang tagasunod o disipulo.
🔑🔑🔑
Paano ba maging tagasunod ni Jesus? O paano tumugon sa magandang balitang ito ni Hesu Kristo?
UNA ay ang PAGSISISI at TALIKURAN ang KASALANAN (REPENTANCE). Kailangan mong kilalanin na nagkasala ka laban sa Banal, Matuwid, at Perpektong Diyos. Parte din ito ng pagpapakumbaba sa Banal na Diyos at ang Diyos ay mahahabag kung buong puso natin na pagsisihan at tatalikuran ang ating mga kasalanan. Pagkakalooban Nya tayo ng buhay na puso, spagkat ang ating puso ay naging pusong bato dahil sa kasalan mula nung sumuway si Adan at Eba sa Diyos. Kailangan mong magsisi sa iyong mga kasalanan, ipahayag mo ito sa Diyos ng buong puso, at tumalikod sa kasalanan ng 180 degrees, at manumbalik sa Diyos.
Lucas 5:32 MBB; Ako'y naparito, hindi upang tawagin ang mga matuwid, kundi ang mga makasalanan upang magsisi.
Mateo 3:1-2 MBB; 1 "Nang mga araw na iyon, si Juan Bautista ay dumating sa ilang ng Judea at nagsimulang mangaral.
2 Sinabi niya, 'Magsisi kayo sapagkat malapit nang dumating ang kaharian ng langit!'"
Marcos 1:14-15 MBB; 14 Pagkatapos na ipakulong si Juan, si Jesus ay pumunta sa Galilea upang ipangaral ang Mabuting Balita mula sa Diyos.
15 Sinabi niya, "Dumating na ang panahon at malapit na ang paghahari ng Diyos. Magsisi kayo sa inyong mga kasalanan at sumampalataya kayo sa Mabuting Balita."
Gawa 2:38 MBBTAG; 38 Sumagot si Pedro, “Pagsisihan ninyo't talikuran ang inyong mga kasalanan at magpabautismo kayo sa pangalan ni Jesu-Cristo upang kayo'y patawarin; at tatanggapin ninyo ang kaloob ng Espiritu Santo.
IKA-LAWA ay and PAGBABAUTISMO SA TUBIG. Kailangan mong ilibing ang iyong lumang buhay sa pamamagitan ng pagbautismo sa tubig sa pangalan ni Jesu-Cristo para sa kapatawaran ng iyong mga kasalanan. Na tayo ay handang isuko ang ating buhay sa Kanya at sundin Siya. Pagsunod kay Cristo at sa mga pinag-uutos ng Diyos.
Lucas 3:3 MBB; At siya ay nagtungo sa buong lupain ng palibot ng Jordan, na nagbabautismo ng pagsisisi para sa kapatawaran ng mga kasalanan.
Gawa 8:16 MBB; Sapagkat hindi pa bumaba sa kanino man sa kanila ang Espiritu Santo; sila'y binautismuhan lamang sa pangalan ng Panginoong Jesus.
Gawa 10:48 MBB; Kaya't ipinabautismo niya sila sa pangalan ng Panginoong Jesus. Pagkatapos ay inihiling nila na sila'y manatili sa kanila sa ilang na mga araw.
Gawa 19:5 MBB; Pagkarinig nila nito, sila'y binautismuhan sa pangalan ng Panginoong Jesus.
Gawa 2:38 MBBTAG; 38 Sumagot si Pedro, “Pagsisihan ninyo't talikuran ang inyong mga kasalanan at magpabautismo kayo sa pangalan ni Jesu-Cristo upang kayo'y patawarin; at tatanggapin ninyo ang kaloob ng Espiritu Santo.
Marcos 1:4; Si Juan ay dumating na binabautismuhan sa ilang at nangangaral ng bautismo ng pagsisisi para sa kapatawaran ng mga kasalanan.
Roma 6:3-4; O hindi ba ninyo nalalaman na tayong lahat na nabautismuhan kay Cristo Jesus ay nabautismuhan sa Kanyang kamatayan? Kaya't tayo ay inilibing na kasama Niya sa pamamagitan ng bautismo sa kamatayan, upang kung paanong si Cristo ay binuhay mula sa mga patay sa pamamagitan ng kaluwalhatian ng Ama, ganoon din naman tayo ay lumakad sa panibagong buhay.
IKATLO AY ANG PAGBABAUTISMO NG BANAL NA ESPIRITU. Kailangan mong tanggapin ang kaloob ng Banal na Espiritu. Ipinapahayag ng Diyos ang Kanyang mga kaisipan, ituturo at gagabayan tayo ng Banal na Espiritu sa Kanyang katotohanan. Upang makapamuhay sa Kabanalan at Katuwiran ni Cristo.
Juan 1:29-34 MBBTAG; Kinabukasan, nakita ni Juan si Jesus na lumalapit sa kanya. Sinabi niya, “Tingnan ninyo, siya ang Kordero ng Diyos na nag-aalis ng kasalanan ng sanlibutan. 30 Siya ang tinutukoy ko nang sabihin kong ang dumarating na kasunod ko ay higit sa akin, sapagkat siya'y naroon na bago pa man ako ipanganak. 31 Hindi ko rin siya kilala noon subalit ako'y naparitong nagbabautismo sa tubig upang ipakilala siya sa Israel.”
32 Ganito ang patotoo ni Juan: “Nakita ko ang Espiritu na bumababa na parang isang kalapati na buhat sa langit at nanatili sa kanya. 33 Hindi ko nga siya kilala noon. Ngunit ang nagsugo sa akin upang magbautismo sa tubig ang siyang nagsabi sa akin, ‘Kung kanino mo makitang bumabâ at manatili ang Espiritu, siya ang magbabautismo sa pamamagitan ng Espiritu Santo.’ 34 Ngayon ay nakita ko siya, at pinapatotohanan kong siya ang Anak ng Diyos.”
Juan 14:16-17 MBBTAG; 16 Dadalangin ako sa Ama, upang kayo'y bigyan niya ng isa pang Patnubay na magiging kasama ninyo magpakailanman. 17 Siya ang Espiritu ng katotohanan, na hindi matanggap ng sanlibutan sapagkat siya ay hindi nakikita ni nakikilala ng sanlibutan. Ngunit nakikilala ninyo siya, sapagkat siya'y nasa inyo at siya'y mananatili[a] sa inyo.
Juan 15:26 MBBTAG; 26 “Ngunit pagdating ng Patnubay na susuguin ko mula sa Ama, ang Espiritu ng katotohanan na nagmumula sa Ama, siya ay magpapatotoo tungkol sa Akin.
Gawa 2:38 MBBTAG; 38 Sumagot si Pedro, “Pagsisihan ninyo't talikuran ang inyong mga kasalanan at magpabautismo kayo sa pangalan ni Jesu-Cristo upang kayo'y patawarin; at tatanggapin ninyo ang kaloob ng Espiritu Santo.
Gawa 1:8 MBBTAG; 8 Subalit tatanggap kayo ng kapangyarihan pagbaba sa inyo ng Espiritu Santo, at kayo'y magiging mga saksi ko sa Jerusalem, sa buong Judea at sa Samaria, at hanggang sa dulo ng daigdig.”
Efeso 1:13 MBBTAG; 13 Sa pamamagitan ni Cristo, kayo rin na nakarinig ng salita ng katotohanan, ng Magandang Balita na nagdudulot ng kaligtasan, at sumampalataya sa kanya, ay pinagkalooban ng ipinangakong Espiritu Santo bilang tatak ng pagkahirang sa inyo.
Juan 14:26 MBBTAG; 26 Ngunit ang Patnubay, ang Espiritu Santo na isusugo ng Ama sa pangalan ko, ang siyang magtuturo sa inyo ng lahat ng bagay at magpapaalala ng lahat ng sinabi ko sa inyo.
IPANGANAK NA MULI at MAMUHAY PARA KAY JESUS! Juan 3