24/05/2026
RADICAL OBEDIENCE
📖Mga Gawa 21:7 Mula sa Tiro, nagpatuloy kami ng paglalakbay at nakarating kami sa Tolemaida. Kinumusta namin ang mga kapatid at tumigil kami doon nang isang araw. 8 Kinabukasan, tumuloy kami sa Cesarea sa bahay ng ebanghelistang si Felipe, isa sa pitong lalaking hinirang noong una sa Jerusalem. 9 Siya'y may apat na anak na dalaga na pawang mga propeta. 10 Makalipas ang ilang araw, dumating mula sa Judea ang isang propetang ang pangala'y Agabo. 11 Pinuntahan niya kami, kinuha ang pamigkis ni Pablo at ginapos ang sariling paa at kamay. Sabi niya, “Ito ang sabi ng Espiritu Santo, ‘Ganito gagapusin ng mga Judio sa Jerusalem ang may-ari ng pamigkis na ito, at siya'y ibibigay sa kamay ng mga Hentil.’”
12 Pagkarinig nito, kami naman at ang mga tagaroon ay nakiusap kay Pablo na huwag na siyang pumunta sa Jerusalem. 13 Ngunit sumagot siya, “Ano ang ginagawa ninyo? Sa pag-iyak ninyong iyan ay dinudurog ninyo ang aking puso. Handa ako, hindi lamang magpagapos, kundi kahit mamatay doon sa Jerusalem alang-alang sa pangalan ng Panginoong Jesus.”
Intro: 1 Samuel "to obey is better than sacrifice "
Q. Gaano tayo kahandang sumunod sa Diyos?
Obedience means doing what God says, how he says do it. You cannot eliminate anyone of those. What He says, how He says, and when He says. Anything short of that is disobedience.
Paggawa ng temple: hindi pwedeng lumagpas o kumulang sa sukat. Lahat ng sukat sinunod ng mga gunawa nito.
I. GOD'S WILL IS NOT ALWAYS EASY TO ACCEPT (V11)
_Agabo- legit prophet
_Bago pa sabhin ni Agabo kay Pablo meron ng encounter sa Holy Spirit
📜Acts 20:22-24 *bilang pagsunod sa Espiritu Santo...
24 Subalit walang halaga sa akin ang aking buhay magawâ ko lamang ang aking tungkulin at matapos ang gawaing tinanggap ko mula sa Panginoong Jesus, ang pagpapahayag ng Magandang Balita tungkol sa kagandahang-loob ng Diyos para sa tao.
_Ang pagsunod sa Diyos hindi ito madali.
_Motivation ni Paul: to preach the gospel
II. EMOTIONS SHOULD NOT OVERRIDE OBEDIENCE TO GOD (V12-13)
_Nakiusap ang mga mananampalataya na may mangyaring masama kay Pablo dahil masasaktan sila.
📜Mateo 16:21-23
21 Mula noon ay ipinaalam na ni Jesus sa kanyang mga alagad ang mangyayari sa kanya. Sinabi niya, “Dapat akong magtungo sa Jerusalem at magdanas ng maraming hirap sa kamay ng mga pinuno ng bayan, mga punong pari at mga tagapagturo ng Kautusan. Ako'y papatayin, ngunit sa ikatlong araw ako'y muling mabubuhay.”
22 Dinala siya ni Pedro sa isang tabi at pinagsabihan, “Panginoon, huwag nawang itulot ng Diyos! Kailanma'y hindi iyan mangyayari sa inyo.”
23 Ngunit hinarap siya ni Jesus at sinabihan, “Lumayo ka, Satanas! Hadlang ka sa aking landas. Ang iniisip mo'y hindi sa Diyos kundi sa tao.”
📜Juan 11:
7 Pagkatapos nito, sinabi niya sa kanyang mga alagad, “Magbalik tayo sa Judea.”
8 Sumagot ang mga alagad, “Rabi, hindi po ba't kamakailan lamang ay pinagtangkaan kayong batuhin ng mga tao? Bakit pupunta na naman kayo doon?”
9 Sinabi ni Jesus, “Hindi ba't may labindalawang oras sa maghapon? Hindi matitisod ang lumalakad kung umaga sapagkat nakikita niya ang nagbibigay-liwanag sa daigdig na ito. 10 Subalit natitisod ang lumalakad kung gabi sapagkat wala na siyang liwanag.” 11 Idinugtong pa ni Jesus, “Natutulog ang kaibigan nating si Lazaro. Pupunta ako upang gisingin siya.”
III. CHRISTIANS ARE CALLED TO SUPPORT EACH OTHER
Mga Gawa 21:14 Tumigil na kami nang hindi namin siya mapigilan. Nasabi na lamang namin, “Masunod ang kalooban ng Panginoon.”
_The believers loved Paul and wanted to protect him...
📜2 Timothy 4:7
📜Galatians 6:2
📜1 Thessalonians 5:11
📜Romans 15:1 tayong malalakas sa paniniwala ay dapat tumulong sa mga mhihina at huwag pansariling kasiyahan ang ating isipin