𝗔𝗹-𝗘𝗵𝘀𝗮𝗻

𝗔𝗹-𝗘𝗵𝘀𝗮𝗻 “Upholding the path of the Salaf: spreading Sunnah and Tawheed, clarifying misconceptions, and exposing false teachings.”

03/06/2026
Isang mahalagang aral ang dapat makuha rito👳‍♀️Tatay: Paano kaya kung tanggalin natin ang kahon na nasa ilalim ? 🧒Anak: ...
02/06/2026

Isang mahalagang aral ang dapat makuha rito

👳‍♀️Tatay: Paano kaya kung tanggalin natin ang kahon na nasa ilalim ?

🧒Anak: Babagsak ang lahat sa itaas.

👳‍♀️Tatay: Tama ka anak.

1️⃣ Tawheed.
2️⃣ Salah.
3️⃣ Sawm/Ayuno/Fasting.
4️⃣ Pagsunod sa magulang.
5️⃣ Kabutihang asal.
6️⃣ Da'wah/Pag-anyaya tungo sa islam.

Si Sultan Baybars (1223–1277) ay isang makapangyarihang pinuno ng mga Mamluk sa Ehipto at Syria. Ipinanganak siya sa reh...
02/06/2026

Si Sultan Baybars (1223–1277) ay isang makapangyarihang pinuno ng mga Mamluk sa Ehipto at Syria. Ipinanganak siya sa rehiyon ng Dasht-i Kipchak, na ngayon ay bahagi ng Kazakhstan.

Bilang isang mahusay na pinunong militar, nagkaroon siya ng mahalagang papel sa pagkatalo sa Ikapitong Krusada na pinamunuan ni Louis IX ng Pransiya.

Pinamunuan din niya ang hukbong nagwagi sa Battle of Ain Jalut noong 1260. Ang labanang ito ay isang mahalagang punto sa kasaysayan sapagkat ito ang unang pagkakataon na tunay na natalo ang makapangyarihang hukbong Mongol.

Sa panahon ng kanyang pamumuno, naging napakalakas ng mga Mamluk sa silangang bahagi ng Dagat Mediteraneo. Nakatulong siya sa pagpapahina at kalaunan ay pagpapatigil sa presensya ng mga Krusader sa Gitnang Silangan. Pinalakas din niya ang Ehipto at Syria bilang isang matatag at makapangyarihang estadong Muslim.

Utos ni Allah عز وجل at ng Propeta Muhammad -Salallahu Alayhi wasallam sa kababaihan ❗️📖 Mga paalala mula sa banal na Qu...
31/05/2026

Utos ni Allah عز وجل at ng Propeta Muhammad -Salallahu Alayhi wasallam sa kababaihan ❗️

📖 Mga paalala mula sa banal na Qur'an:

1️⃣ ﴿وَلَا تَبَرَّجْنَ تَبَرُّجَ الْجَاهِلِيَّةِ الْأُولَى﴾
33. At huwag ninyong ilantad ang inyong mga kagandahan na tulad ng mga kababaihan noong una na kapanahunan ng kamangmangan.
{Al-Ahzaab | Surah 33 verse 33 Tagalog - ICDO}

2️⃣ ﴿وَلَا يُبْدِينَ زِينَتَهُنَّ إِلَّا مَا ظَهَرَ مِنْهَا﴾
31.At huwag nilang ilantad ang kanilang kagandahan sa mga kalalakihan, kundi pagsumikapan nila na ito ay maitago maliban sa mga nakalantad na pananamit na nakasanayan na ito ay nakalantad na kasuotan, at hindi magdudulot ng fitnah.
{An-Noor | Surah 24 verse 31 Tagalog - ICDO}

3️⃣ ﴿وَقَرْنَ فِي بُيُوتِكُنَّ وَلَا تَبَرَّجْنَ تَبَرُّجَ الْجَاهِلِيَّةِ﴾
33. At manatili kayo sa inyong mga tahanan at huwag kayong lumabas mula rito kung hindi kinakailangan, at huwag ninyong ilantad ang inyong mga kagandahan na tulad ng mga kababaihan noong una na kapanahunan ng kamangmangan bago dumating(55) ang Islâm na dala-dala ni Propeta Muhammad (ﷺ).
{Al-Ahzaab | Surah 33 verse 33 Tagalog - ICDO}

📚Mga paalala mula kay Nabi -Salallahu Alayhi wasallam:

1️⃣ قال النبي ﷺ:
«صِنْفَانِ مِنْ أَهْلِ النَّارِ لَمْ أَرَهُمَا… نِسَاءٌ كَاسِيَاتٌ عَارِيَاتٌ، مَائِلَاتٌ مُمِيلَاتٌ…»

➡️ Sa malapit nitong kahulogan mula sa Sahih muslim- Sinabe ng Nabi ﷺ; May mga uri ng tao na hindi pa lumitaw sa aking kapanahunan na sila ay kabilang sa tao ng impyerno, at sila ay lilitaw sa huling panahon.

1-Mga kababaihang nakasuot ng damit ngunit para bang wala silang suot dahil sa fitnah nitong dulot.

•(Nagsusuot ng kasuotang masikip nakikita ang hugis ng katawan, Nagsusuot ng kasuotang manipis naaaninag ang loob, Nagsusuot ng kasuotang maiksi) nakasuot pero parang walang suot.

2-Mga kababaihang nakasuot ng Niqab/Hijab ngunit hindi angkop ang ugali sa suot nila: na dapat ang babaing Hijabi/Niqabi ay -mahiyain, hindi nakikihalobilo sa mga lalaking hindi mahram, hindi naglalantad ng boses basta-basta kung hindi kinakailangan.

•Nakakalungkot sapagkat patok na patok sa mga flatfrom atbp.. .nakalive nagvlog puro lalaki hindi mahram ang kausap.

🔥 Mga sister Tandaan ang tunay na kagandahan ay hindi sa panlabas lamang, hindi sa dami ng naglike at nagfollow, hindi sa kasikatan bagkos ang tunay na pagpapaganda ay ang pagandahin mo ang connection mo sa iyong tagapaglikha si Allah عز وجل.

?

Kung itong mga sister nakaupo ng ganyan panigurado nagkataon sa araw ng Eidul Adha dinatnan sila ng bisita.May pagkakama...
30/05/2026

Kung itong mga sister nakaupo ng ganyan panigurado nagkataon sa araw ng Eidul Adha dinatnan sila ng bisita.

May pagkakamali lang sa ginawa nila at walang nakapagpaalala, maari din walang lugar sa likod ng mga nagsasalah na pwde sila duon manatili kaya nakisisiksik palawakin natin ang pang unawa wag hayaang na dahil sa ganitong bagay ay masira ang mga ibadah natin.

Kaya may mga panuntunan tayo sa islam hinggil dito.

عن أم عطية الأنصارية رضي الله عنها قالت:

«أُمِرْنَا أَنْ نُخْرِجَ الْعَوَاتِقَ وَالْحُيَّضَ فِي الْعِيدَيْنِ، فَيَشْهَدْنَ الْخَيْرَ وَدَعْوَةَ الْمُسْلِمِينَ، وَيَعْتَزِلُ الْحُيَّضُ الْمُصَلَّى»
[رواه البخاري ومسلم]

📚 Isinalaysay ni Ummo Atiyah Al-Ansari -Radiyallahu anha na kanyang sinabi:

« Ipinag-utos ng Nabi ﷺ ang lahat ng kababaihan na lumabas sa dalawang Eid, maging ang may buwanang dalaw (regla); upang makinig sa khutbah at magdhikir at dua, at upang makamit din ang kabutihan ng Eid at biyaya nito. Ngunit ang may dalaw ay hindi dapat magsalah bagkos siya ay mananatili malayo sa lugar na pinagsasalahan » [Sahih AlBukhari & Muslim]

➖Kapag dinatnan ang babae sa araw ng Eid hindj siya dapat magsalah ng Eid.

➖Mas mainam sa kanya ang lumabas patungo sa musallah upang makinig sa khutbah.

➖Dapat na nasalikuran siya ng mga taong magsasalah.

➖Hindi dapat sumama sa saf dapat manatili sa likuran.

وقال عبد العزيز بن باز رحمه الله:

“الحائض لا تصلي العيد، ولكن تخرج مع المسلمين وتشهد الخير والدعاء.”

Sinabe ni Shaykh Bin Bazz rahimahullah: "Ang may dalaw ay hindi dapat magsalah ng Eid, ngunit siya ay lalabas kasama ang mga muslim at kanyang saksihan ang biyaya at sumali sa mga panalangin"

📌Sa paglilinaw:
1. Hindi siya dapat magsalah.
2. Hindi siya mananatili sa lugar ng pinagsasalahan.
3. Sasaksihan niya ang khutbah at mga panalangin kasama ang mga mananampalataya.

📜 Ang Apat na Madhhab: “Gawa-gawa lang ba ng tao” o Tagapagpanatili ng Sunnah?Maraming tao ang nag-aakala na ang apat na...
29/05/2026

📜 Ang Apat na Madhhab: “Gawa-gawa lang ba ng tao” o Tagapagpanatili ng Sunnah?

Maraming tao ang nag-aakala na ang apat na kilalang Madhhab sa Islam — Hanafi, Maliki, Shafi‘i, at Hanbali — ay mga gawa-gawang sistema lamang ng tao o shortcut na lumalayo sa Qur’an at Sunnah.

Ngunit sa katotohanan, ang mga Madhhab ay hindi kapalit ng Qur’an at Sunnah. Sila ay mga sistematikong pamamaraan (Usul al-Fiqh) upang mas maayos na kumuha ng batas at hatol mula mismo sa Qur’an, Sunnah, at sa pagkaunawa ng mga Sahabah.

1. Ang Pinagmulan ng Kanilang Pamamaraan

Lahat ng apat na Imam ay nagkaisa sa pangunahing pinagkukunan ng batas sa Islam:

• Qur’an — ang salita ni Allah
• Sunnah — mga sinabi, ginawa, at pinahintulutan ng Propeta ﷺ
• Ijma‘ — pagkakaisa ng mga iskolar lalo na ng mga Sahabah
• Qiyas — paghahambing sa bagong usapin gamit ang dahilan ng naunang hatol

Hindi sila basta nagbigay ng opinyon mula sa sarili lamang.

Sikat sa apat na Imam ang kasabihang:

“Kapag ang Hadith ay tunay (sahih), iyon ang aking Madhhab.”

Ibig sabihin: kapag may malinaw at tunay na Sunnah ng Propeta ﷺ, iyon ang dapat sundin higit sa kanilang sariling opinyon.

2. Ang Kanilang Kaalaman ay Diretso mula sa mga Sahabah

Hindi natuto ang mga Imam nang hiwalay sa mga naunang salinlahi. Ang kanilang mga g**o ay mga Tabi‘in — mga estudyante mismo ng mga Sahabah.

🏛️ Hanafi Madhhab

Si Imam Abu Hanifah ay nag-aral mula sa mga iskolar ng Kufa sa Iraq.

Ang kaalaman niya ay may direktang linya mula kay:
Abdullah ibn Mas‘ud → Alqamah → Ibrahim al-Nakha‘i → Hammad → Abu Hanifah.

Malaki ang impluwensiya nina Ibn Mas‘ud at ‘Ali رضي الله عنهما sa metodolohiya ng Hanafi.

🕌 Maliki Madhhab

Si Imam Malik ay nanirahan sa Madinah — lungsod ng Propeta ﷺ.

Naniniwala siya na ang tuloy-tuloy na gawain ng mga tao ng Madinah ay malaking patunay ng Sunnah, dahil doon nanirahan ang Propeta ﷺ at karamihan ng Sahabah.

Ang kanyang kaalaman ay galing sa mga dakilang iskolar ng Madinah na natuto kina:
‘Aishah, Ibn ‘Umar, at Abu Hurayrah رضي الله عنهم.

📜 Shafi‘i Madhhab

Si Imam al-Shafi‘i ay estudyante ni Imam Malik at nag-aral din sa mga estudyante ni Abu Hanifah.

Pinagsama niya ang:
• malakas na paggamit ng Hadith ng Madinah
• at malalim na pagsusuri ng Iraq

Siya rin ang sumulat ng unang aklat sa Usul al-Fiqh:
“Al-Risalah”

Dito niya ipinaliwanag kung paano dapat ibalik ang lahat ng batas sa Qur’an at tunay na Sunnah.

📚 Hanbali Madhhab

Si Imam Ahmad ibn Hanbal ay isa sa pinakamalalaking iskolar ng Hadith.

Ang kanyang aklat na “Musnad Ahmad” ay may mahigit 27,000 Hadith.

Mas pinipili niya ang malinaw na Hadith kaysa sobrang paggamit ng sariling pangangatwiran kung may ebidensiya mula sa Sunnah.

3. Bakit Sila Nagkakaiba ng ilang Hatol?

Pare-pareho silang gumagamit ng Qur’an at Sunnah, pero minsan nagkakaiba sila sa:
• pag-unawa sa wikang Arabic
• pagsasama-sama ng iba’t ibang Hadith
• pagtukoy kung alin ang mas malakas na ebidensiya

Halimbawa:

Sa Qur’an, sinabi ni Allah tungkol sa Wudu:

“…o kung hinawakan ninyo ang mga babae…”

Magkakaiba ang pag-intindi rito:

• Imam al-Shafi‘i:
kahit simpleng paghawak ay nakakabreak ng Wudu.

• Imam Abu Hanifah:
ang ibig sabihin ay pakikipagtalik lamang.

• Imam Malik:
nakakabreak lamang kung may pagnanasa.

Lahat sila ay kumuha ng hatol mula sa parehong ayah, pero nagkaiba sa interpretasyon ng salitang Arabic.

Isa pang halimbawa:

May mga Hadith na nagsasabing nagtataas ng kamay ang Propeta ﷺ bago mag-ruku‘, at mayroon ding ibang salaysay na hindi na niya ito palaging ginagawa.

• Sina Imam al-Shafi‘i at Ahmad:
mas pinili ang mga Hadith na nagsasabing nagtataas ng kamay.

• Si Imam Abu Hanifah:
pinili ang salaysay ni Ibn Mas‘ud dahil sa tingin niya iyon ang huling gawain ng Propeta ﷺ.

Ibig sabihin:
pareho silang sumusunod sa Sunnah — nagkaiba lamang sa pagtingin kung alin ang mas matibay o huling gawain.

Konklusyon

Ang apat na Madhhab ay hindi magkakahiwalay na relihiyon.

Sila ay mga pamamaraan upang mapanatili at maunawaan nang tama ang Qur’an at Sunnah.

Sa halip na basta magbigay ng sariling interpretasyon nang walang sapat na kaalaman sa:
• Arabic
• Hadith
• Tafsir
• Asbab al-Nuzul
• at Usul al-Fiqh

ang mga Madhhab ay naging gabay ng mga iskolar upang manatiling konektado ang pag-unawa sa paraan ng mga Sahabah at Salaf.

📌Sinabe ni Imam Al-Albani rahimahullah: At sa paniniwala ng mga shia ay may sumisira mismo sa pundasyon ng islam. [متفرق...
28/05/2026

📌Sinabe ni Imam Al-Albani rahimahullah:
At sa paniniwala ng mga shia ay may sumisira mismo sa pundasyon ng islam.
[متفرقات للألباني - 092]📚

📖 Sinabe ni Allah عز وجل Sa maluwalhating Qur'an:

إِنَّ ٱلَّذِينَ تَدۡعُونَ مِن دُونِ ٱللَّهِ عِبَادٌ أَمۡثَالُكُمۡۖ فَٱدۡعُوهُمۡ فَلۡيَسۡتَجِيبُواْ لَكُمۡ إِن كُنتُمۡ صَٰدِقِينَ

Tagalog - ICDO
194. Katiyakan, ang mga yaong sinasamba ninyo bukod kay Allâh, O kayong mga walang pananampalataya, ay pagmamay-ari lamang ng inyong Rabb na Tagapaglikha na katulad din ninyo na pagmamay-ari kayo ng inyong Rabb. Na kung kaya, kung kayo ay totoo sa inyong pag-aangkin na ang mga ito ay may karapatang sambahin, manalangin kayo sa kanila upang tugunan kayo, kung tutugunan nga kayo at mangyari ang inyong kahilingan ninyo, kung hindi ay napatunayan na kayo ay mga sinungaling na nag-aangkin, na nagkasala ng matinding pagsisinungaling laban kay Allâh.

Al-A'raaf | Surah 7 verse 194

📌Sinabe ni Imam Al-Albani rahimahullah:
At silang mga dumadalangin bukod kay Allah para sa tulong - katiyakang hindi nila nalalaman kung ano ba talaga ang ipinananawagan ng islam.

[سلسلة الهدى والنور / 1004]📚

📌Sinabe ni Shaykhul Islam ibn Taymiyyah rahimahullah:
At ang pinaka mabigat na Shirk ay yaong pagdulog n sa taong pumanaw na.

📌Sinabe ni Shaykh Sálih Al-Fawzan hafidhahullah: Nakasaad sa Banal na Qur'an na ipinagbabawal ni Allah عز وجل- ang pananalangin maliban na sakanya lamang, hindi sa mga Angel, hindi sa mga Sugo at Propeta, hindi sa mga mabubuting tao, hindi sa mga Engkanto at tao, at hindi sa mga rebultong inanyohan at mga bagay.

Bagkos ang nakasaad sa banal na Qur'an ay ang nag-iisa lamang si Allah عز وجل sa pagsamba, at Du'a, pagkatakot, pagbabalik-loob at lahat ng uri ng pagsamba.

[شرح قاعدة جليلة في التوسل والوسيلة - ١/٣٦٣]📚

📌Sinabe ni Imam Al-Albani rahimahullah: Na nanawagan sila bukod kay Allah عز وجل sa oras ng kagipitan at humihingi sila ng tulong kay Allah at nag-aalay sila ng pagkatay ng hayup bukod kay Allah at kadalasan sila pa ay nanunumpa bukod kay Allah ang lahat ng ito ay pagtatambal, at kabilang ito sa mga uri ng mabigat na shirk.

[سلسلة الهدى والنور / 690]📚

Ang tao kailangan marunong sumukat sa sarili — sa kakayahan, ugali, salita, at maging sa limitasyon niya. Hindi iyon kah...
26/05/2026

Ang tao kailangan marunong sumukat sa sarili — sa kakayahan, ugali, salita, at maging sa limitasyon niya. Hindi iyon kahinaan; tanda iyon ng pag-iisip at pagpapakumbaba.

📌Kapag marunong sumukat ang tao sa sarili:

➡️ Hindi siya madaling magmalaki.

➡️ Hindi rin siya basta nagpapadala sa inggit o yabang.

➡️ At mas naiingatan niya ang dangal at relasyon niya sa iba.

Sa Islam, kasama ito sa pagiging may hikmah at may tamang pagtingin sa sarili. Hindi sobra ang tingin, hindi rin minamaliit ang sarili.

Maaaring sabihin din sa mas maikling paraan:

“Ang marunong sumukat sa sarili, bihirang mapahiya.”

“Kilalanin mo ang sarili mo bago mo husgahan ang iba.”

May mga patunay sa Qur’an at Sunnah na nagtuturo ng pagpapakumbaba at tamang pagkilala sa sarili.

Sinabi ni Allah:

﴿وَلَا تَمْشِ فِي الْأَرْضِ مَرَحًا ۖ إِنَّكَ لَن تَخْرِقَ الْأَرْضَ وَلَن تَبْلُغَ الْجِبَالَ طُولًا﴾

“Huwag kang lumakad sa kalupaan nang may pagmamataas. Tunay na hindi mo mabibiyak ang lupa at hindi mo maaabot ang taas ng mga bundok.”
— Surah Al-Isrā’ 17:37

Ipinapakita nito na dapat alam ng tao ang tunay niyang kalagayan at huwag magmataas.

At sinabi ng Propeta ﷺ:

«لَا يَدْخُلُ الْجَنَّةَ مَنْ كَانَ فِي قَلْبِهِ مِثْقَالُ ذَرَّةٍ مِنْ كِبْرٍ>>

“Hindi papasok sa Paraiso ang may kahit katiting na kayabangan sa puso.”
— Sahih Muslim

At sinabi rin ni Allah:
﴿وَفَوْقَ كُلِّ ذِي عِلْمٍ عَلِيمٌ﴾

“At sa ibabaw ng bawat may kaalaman ay may higit na nakaaalam.”
— Surah Yūsuf 12:76

Kaya ang marunong “sumukat sa sarili” ay hindi hambog, marunong tumanggap ng limitasyon, at marunong magpakumbaba sa katotohanan.

“Ang marangal na lalaking ito ay isa sa mga taong labis na minamahal ng maraming mananampalataya simula sa kanyang panah...
25/05/2026

“Ang marangal na lalaking ito ay isa sa mga taong labis na minamahal ng maraming mananampalataya simula sa kanyang panahon hangang sa ngayon, at napakalaki ng pakinabang na nakuha ng mga mananaliksik ng kaalaman mula sa kanya.

Isa siya sa pinakabihirang hiyas sa mga huling panahon, maging sa manhaj; sa tingin ko ay kakaunti ang maihahambing sa kanya. Ang kanyang mabuting akhlaq at malalim na kaalaman, na hindi nakatali lamang sa isang madhab, bagkos lahat ng apat na imam ay kanyang madhab at ito ay naglagay sa kanya sa hanay ng mga pinakadakilang scholar.

Ang kanyang mga sinulat ay napakahalaga at sumasaklaw sa iba’t ibang paksa. Dahil sa kanyang malalim na pag-unawa sa Qur’an at Sunnah ayon sa tamang manhaj, mula sa manhaj ng SalfusSalih siya ay tunay na pambihirang hiyas sa lahat ng panahon.

Nawa’y ibilang tayo sa pagsasamahin ni Allah, sa pinakamataas na antas ng Paraiso. 🤲

"Si Muhammad ibn Saalih al-‘Uthaymeen رحمه الله.”

Address

Manila

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when 𝗔𝗹-𝗘𝗵𝘀𝗮𝗻 posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share