21/12/2025
𝗧𝗜𝗧𝗟𝗘: 𝗪𝗔𝗜𝗧𝗜𝗡𝗚 𝗦𝗘𝗔𝗦𝗢𝗡 𝗜𝗦 𝗚𝗢𝗗'𝗦 𝗣𝗥𝗘𝗣𝗔𝗥𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡
WHEN GOD ANOINTS DAVID TO BE THE KING OF ISRAEL, NAGHINTAY SIYA AT DINAAN SIYA DIYOS SA PROSESO.
He waited for How many Years before He became the King of Israel.
Hindi si David dumaan sa Shortcut bago siya naging hari ng Israel Sa halip ay nagsimula siya sa maliit at unti-unti siyang inangat ng Diyos.
Ano ba ang pinagdaanan ni David at saan siya nagsimula bago siya naging Hari ng Israel.
📍UNA! SIYA PO AY NAGPAPASTOL NG MGA TUPA! (1 Samuel 16:11)
📍PANGALAWA! HABANG SIYA PO AY NAGPAPASTOL NG TUPA, NA PROMOTE SIYA BILANG MANUNUGTOG NI HARING SAUL! (MULTITASKING SI DAVID ,Dalawa na ang Trabaho ni David) (1 Samuel 16:16-19)
📍PANGATLO! HABANG SIYA PO AY NAGPAPASTOL NG TUPA, NAGING MANUNUGTOG NI HARING SAUL, SIYA RIN PO AY GINAWANG TAGAPAGDALA NG SANDATA NI HARING SAUL (MULTITASKING ULIT SI DAVID, This time Tatlo na ang trabaho niya) (1 Samuel 16:21-23)
Take note po kapatid, from isa naging 3 na ang work ni David at Still David is Very Responsible and Hands On! he Manage to do it all!
Patunay:
1 Samuel 17:14-15
[14]Habang sila'y kasama ni Saul, ang bunso namang si David
[15]ay pabalik-balik kay Saul at sa Bethlehem para alagaan ang mga tupa ng kanyang ama.
📍PANG-APAT! NAGING TAGAHATID DIN PO SIYA NG PAGKAIN NG KANYANG MGA KAPATID AT NI HARING SAUL HABANG SILA AY NASA DIGMAAN (MULTITASKING again si Haring David, 4 na po ang trabaho niya)
1 Samuel 17:20a
David. Ipinagbilin niya sa iba ang mga tupang inaalagaan at nagpunta sa lugar ng labanan, dala ang pagkaing ipinabibigay ng kanyang ama.
📍PANG-LIMA! SIYA RIN PO AY NAGING ISANG WARRIOR! ( MULTITASKING talaga si Haring David, 5 na po ang kanyang ginagawa.)
1 Samuel 17:28,32
28Narinig ni Eliab, ang panganay na kapatid ni David ang pakikipag-usap niya sa mga kawal. Nagalit ito kay David at sinabi, “Anong ginagawa mo rito? At kanino mo iniwan ang iilang tupa na pinapaalagaan sa iyo? Alam ko kung anong nasa isip mo! Gusto mo lang manood ng labanan.”
32Pagdating kay Saul, sinabi ni David, “Hindi po tayo dapat masiraan ng loob dahil lang sa Filisteong iyon. Ako po ang lalaban sa kanya.”
📍PANG-ANIM! SIYA PO AY NAGING PINUNO NG MGA KAWAL! (MULTITASKING parin si David po nito, at mas lumaki na ang kanyang Responsibilities araw-araw)
1 Samuel 18:5,10a
Nagtatagumpay si David kahit saang labanan siya ipadala ni Saul, kaya siya'y ginawa nitong pinuno ng mga kawal. Ang pagkataas niya sa tungkulin ay ikinagalak ng buong Israel, mula sa pangkaraniwang mamamayan hanggang sa mga opisyal sa palasyo.
10Kinabukasan, si Saul ay muling ginambala ng masamang espiritu at naging parang baliw. Kaya, tinugtog ni David ang kanyang alpa, tulad ng ginagawa niya araw-araw.
📍PANG-PITO! NAGING HARI NA PO SI DAVID NG ISRAEL!
2 Samuel 5:3
Lahat ng pinuno ng Israel ay nagpunta nga sa Hebron at doo'y nakipagkasundo sa kanya sa harapan ni Yahweh. Binuhusan nila ng langis si David at kinilalang hari sa Israel.
Grabe po yung pinagdaanan ni David! Before He became the King of Israel!
1. Pastol ng Tupa
2. Manunugtog ng Alpa
3. Tagapagdala ng Sandata
4. Tagapaghatid ng Pagkain
5. Mandirigma
6. Pinuno ng mga Kawal
7. King Of Israel
TUNAY na dumaan Siya sa PROSESO!
Kaya kapatid, nawa’y maging aral sa atin ang buhay na Haring David, Na kahit tinawag ka Ng DIYOS, Hindi ka Pwedeng Magshortcut, Kailangan dumaan sa Proseso! At Kapag tinawag ka Ng DIYOS mag respond ka, At siguradong idadaan ka Ng DIYOS sa Proseso para magampanan mo Ang PAGKATAWAG Niya Sayo.
Kaya Yung Mga pinagdadaanan natin Ngayon, Ay ipagpasalamat NATIN sa DIYOS dahil Yan po ay way Ng Lord para Hubugin Ang Character at Life natin para malakaran NATIN Ng maayos Ang PAGKATAWAG Niya sa atin.
Kaya Kapatid, Kailangan mapagkakatiwalaan Tayo sa Maliit upang mapagkatiwalaan Tayo sa Malaki.
Nasusulat:
Lucas 16:10
[10]Ang mapagkakatiwalaan sa maliit na bagay ay mapagkakatiwalaan din sa malaking bagay; ang mandaraya sa maliit na bagay ay mandaraya rin sa malaking bagay.
God bless everyone! 💗