Ang maayung balita sa atong ginoo

Ang maayung balita sa atong ginoo reading bible of roman catholic

25/07/2024

‼️URGENT HIRING‼️

■will assigned in PUREGOLD ZURBARAN JR.

📍We are needed of the following:
👉DRIVER with liscence (A, A1 & B,B1 & B2)- assigned junior

👉CASHIERS

Qualification',

✔️With or without experience

✔️College graduate /College Level

✔️Can work on a shifting schedule
A minimal supervision

✔️No visible tattoo

Schedule of Interview
Monday,Wednesday,Friday
9:00am to 12:00am
Doroteo

Located at:
G/F Amaia Skies, Avenida Sta. Cruz Manila

Tuesday,Thursday
9:00 am to 12:00 am
Puregold Zurbaran

Located at:
Fugozo st.Rizal Ave Sta.Cruz Manila

Kindly bring the following:

- Updated Resume
-Sss/E1/Verification slip
-NBI Clearance
pls wear proper attire

Look for Ms. MARIE

Hunyo 22, 2023 | Huwebes sa Ika-11 Linggo sa Karaniwang sa PanahonAng Mabuting Balita ng ating Panginoon ayon kay San Ma...
22/06/2023

Hunyo 22, 2023 | Huwebes sa Ika-11 Linggo sa Karaniwang sa Panahon
Ang Mabuting Balita ng ating Panginoon ayon kay San Mateo 6:7-15
"Katuruan tungkol sa Pananalangin ng Ama Namin"

[7]“Sa pananalangin ninyo'y huwag kayong gagamit ng maraming salitang walang kabuluhan, gaya ng ginagawa ng mga Hentil. Ang akala nila'y papakinggan sila ng Diyos dahil sa haba ng kanilang sinasabi.
[8]Huwag ninyo silang tutularan. Alam na ng inyong Ama na nasa langit ang inyong kailangan bago pa ninyo ito hingin sa kanya.
[9]Ganito kayo mananalangin, ‘Ama naming nasa langit, sambahin nawa ang iyong pangalan.
[10]Nawa'y maghari ka sa amin. Sundin nawa ang iyong kalooban dito sa lupa tulad ng sa langit.
[11]Bigyan mo kami ngayon ng aming pagkain sa araw-araw;
[12]at patawarin mo kami sa aming mga kasalanan, tulad ng pagpapatawad namin sa mga nagkakasala sa amin.
[13]At huwag mo kaming hayaang matukso, kundi iligtas mo kami sa Masama!’
[14]“Sapagkat kung pinapatawad ninyo ang mga nagkakasala sa inyo, patatawarin din kayo ng inyong Ama na nasa langit.
[15]Ngunit kung hindi ninyo pinapatawad ang iba, hindi rin naman patatawarin ng inyong Ama ang inyong mga kasalanan.”

Ang Mabuting Balita ng ating Panginoon
Pinupuri ka namin Panginoon Hesu-Kristo



Good morning po! Kami kumakatok sa inyong puso at isipan naway tapikin kayu ng aming deboto na si sr. Santo niño,na humi...
22/06/2023

Good morning po! Kami kumakatok sa inyong puso at isipan naway tapikin kayu ng aming deboto na si sr. Santo niño,na humihingi kami ng kunting donation sa inyo para sa repair o renovation sa kanyang bahay kapilya.,ang inyong maliit na tulong ay napakalaking tulong napo sa simbahan namin,.gabayan niya po kayu sa lahat ng oras,.
If you are willing to donate just click the stars at the bottom or else send on my gcash # 09369495388

Maraming salamat po🙏🙏🙏

Marso 27, 2023 | Lunes sa Ikalimang Linggo ng Kuwaresma Ang Mabuting Balita ng ating Panginoon ayon kay San Juan 8:1-11 ...
27/03/2023

Marso 27, 2023 | Lunes sa Ikalimang Linggo ng Kuwaresma
Ang Mabuting Balita ng ating Panginoon ayon kay San Juan 8:1-11
"Pinatawad ang Babaing Nangalunya"

[1]Si Jesus naman ay pumunta sa Bundok ng mga Olibo.
[2]Kinabukasan, maaga pa'y nagbalik na siya sa Templo. Lumapit sa kanya ang lahat kaya't umupo siya at nagsimula siyang magturo.
[3]Dumating noon ang mga tagapagturo ng Kautusan at mga Pariseo na may dalang isang babaing nahuli sa pangangalunya. Iniharap nila ito sa karamihan,
[4]at sinabi kay Jesus, “Guro, ang babaing ito'y nahuli sa aktong pangangalunya.
[5]Ayon sa Kautusan ni Moises, dapat batuhin hanggang sa mamatay ang mga katulad niya. Ano naman ang masasabi ninyo?”
[6]Itinanong nila ito upang subukin siya, at nang may maiparatang sila laban sa kanya.Ngunit yumuko lamang si Jesus at sumulat sa lupa sa pamamagitan ng daliri.
[7]Patuloy sila sa pagtatanong kaya't tumayo si Jesus at nagsalita, “Ang sinuman sa inyo na walang kasalanan ang siyang maunang bumato sa kanya.”
[8]At muli siyang yumuko at sumulat sa lupa.
[9]Nang marinig nila iyon, sila'y isa-isang umalis, simula sa pinakamatanda. Iniwan nila ang babaing nakatayo sa harap ni Jesus.
[10]Tumayo si Jesus at tinanong ang babae, “Nasaan sila? Wala na bang humahatol sa iyo?”
[11]“Wala po, Ginoo,” sagot ng babae.Sinabi ni Jesus, “Hindi rin kita hahatulan. Umuwi ka na, at mula ngayon ay huwag ka nang gumawa ng kasalanan.”

Ang Mabuting Balita ng ating Panginoon
Pinupuri ka namin Panginoon Hesu-Kristo



Marso 14, 2023 | Martes sa Ikatlong Linggo ng Kuwaresma  Ang Mabuting Balita ng ating Panginoon ayon kay San Mateo 18:21...
13/03/2023

Marso 14, 2023 | Martes sa Ikatlong Linggo ng Kuwaresma
Ang Mabuting Balita ng ating Panginoon ayon kay San Mateo 18:21-35
"Ang Talinghaga tungkol sa Lingkod na Di Marunong Magpatawad"

[21]Lumapit si Pedro at nagtanong kay Jesus, “Panginoon, ilang beses ko po bang patatawarin ang kapatid kong paulit-ulit na nagkakasala sa akin? Pitong beses po ba?”
[22]Sinagot siya ni Jesus, “Hindi ko sinasabing pitong beses, kundi pitumpung ulit na pito.
[23]Sapagkat ang kaharian ng langit ay katulad nito: ipinasya ng isang hari na hingan ng ulat ang kanyang mga alipin tungkol sa kanilang mga utang.
[24]Unang dinala sa kanya ang aliping may utang na milyun-milyong piso.
[25]Dahil sa siya'y walang maibayad, iniutos ng hari na ipagbili siya, pati ang kanyang asawa, mga anak, at lahat ng kanyang ari-arian, upang siya'y makabayad.
[26]Lumuhod ang taong ito sa harapan ng hari at nagmakaawa, ‘Bigyan pa po ninyo ako ng panahon at babayaran ko sa inyo ang lahat.’
[27]Naawa sa kanya ang hari kaya't pinatawad siya sa kanyang pagkakautang at pinalaya.
[28]“Ngunit pagkaalis roon ay nakatagpo niya ang isa niyang kamanggagawa na may utang na ilang daang piso sa kanya. Sinunggaban niya ito sa leeg, sabay sigaw, ‘Magbayad ka ng utang mo!’
[29]Lumuhod ito at nagmakaawa sa kanya, ‘Bigyan mo pa ako ng panahon at babayaran kita.’
[30]Ngunit hindi siya pumayag. Sa halip, ito'y ipinabilanggo niya hanggang sa makabayad.
[31]“Labis na nagdamdam ang ibang mga tauhan ng hari nang malaman iyon, kaya't pumunta sila sa hari at isinumbong ang buong pangyayari.
[32]Ipinatawag ng hari ang malupit na lingkod. ‘Napakasama mo!’ sabi niya. ‘Pinatawad kita sa utang mo sapagkat nagmakaawa ka sa akin.
[33]Naawa ako sa iyo. Hindi ba't dapat ka rin sanang nahabag sa kapwa mo?’
[34]At sa galit ng hari, siya'y ipinabilanggo hanggang sa mabayaran ang lahat ng kanyang utang.
[35]Gayundin ang gagawin sa inyo ng aking Ama na nasa langit kung hindi ninyo patatawarin nang buong puso ang inyong mga kapatid.”

Ang Mabuting Balita ng ating Panginoon
Pinupuri ka namin Panginoon Hesu-Kristo




Enero 8, 2023 | Dakilang Kapistahan ng Pagpapakita ng PanginoonAng Mabuting Balita ng ating Panginoon ayon kay San Mateo...
07/01/2023

Enero 8, 2023 | Dakilang Kapistahan ng Pagpapakita ng Panginoon
Ang Mabuting Balita ng ating Panginoon ayon kay San Mateo 2:1-12
"Ang Pagdalaw kay Jesus"

[1]Panahon ng paghahari ni Herodes sa Judea nang ipanganak si Jesus sa Bethlehem. Nang siya'y isilang, may mga matatalinong taong mula pa sa silangan ang dumating sa Jerusalem.
[2]Nagtanung-tanong sila, “Nasaan ang ipinanganak na hari ng mga Judio? Nakita namin sa silangan ang kanyang bituin, kaya't naparito kami upang siya'y sambahin.”
[3]Nang mabalitaan ito ni Haring Herodes, siya'y naligalig, gayundin ang buong Jerusalem.
[4]Kaya't tinipon niya ang lahat ng mga punong pari at mga tagapagturo ng Kautusan at sila'y tinanong, “Saan ba isisilang ang Cristo?”
[5]Tumugon sila, “Sa Bethlehem po, sapagkat ganito po ang isinulat ng propeta:
[6]‘At Ikaw, Bethlehem, sa lupain ng Juda, ay hindi pinakahamak sa mga pangunahing bayan ng Juda. Sapagkat sa iyo magmumula ang isang pinuno na mamamahala sa aking bayang Israel.’”
[7]Nang mabatid ito, palihim na ipinatawag ni Herodes ang mga matatalinong tao at inusisa kung kailan lumitaw ang bituin.
[8]Pagkatapos, sila ay pinapunta niya sa Bethlehem na ganito ang bilin, “Hanapin ninyong mabuti ang sanggol. Kapag natagpuan ninyo siya, ipagbigay-alam agad ninyo sa akin upang ako man ay pumunta roon at sumamba rin sa kanya.”
[9](9-10) Pagkarinig sa bilin ng hari, sila'y nagpatuloy na sa paghahanap; sila'y pinangunahan ng bituing nakita nila mula sa silangan. Ganoon na lamang ang kanilang kagalakan nang makita nilang tumigil ang bituin sa tapat ng kinaroroonan ng bata.
[11]Pagpasok sa bahay, nakita nila ang bata sa piling ni Maria na kanyang ina. Nagpatirapa sila at sinamba ang bata. Inihandog din nila sa kanya ang mga dala nilang ginto, insenso at mira.
[12]Nang sila'y papauwi na, nakatanggap sila ng babala sa pamamagitan ng panaginip na huwag nang bumalik kay Herodes, kaya't nag-iba na sila ng daan pauwi.

Ang Mabuting Balita ng ating Panginoon
Pinupuri ka namin Panginoon Hesu-Kristo



Enero 2, 2023 | Lunes Kasunod ng Pagpapakita ng Panginoon Ang Mabuting Balita ng ating Panginoon ayon kay San Juan 1:19-...
01/01/2023

Enero 2, 2023 | Lunes Kasunod ng Pagpapakita ng Panginoon
Ang Mabuting Balita ng ating Panginoon ayon kay San Juan 1:19-28

[19]Ang mga pinuno ng mga Judio sa Jerusalem ay nagsugo ng ilang paring Judio at Levita upang itanong kay Juan kung sino nga ba siya.
[20]Hindi nagkaila si Juan; sa halip ay maliwanag niyang sinabi, “Hindi ako ang Cristo.”
[21]“Sino ka kung gayon?” tanong nila. “Ikaw ba si Elias?”“Hindi ako si Elias,” tugon niya.“Ikaw ba ang Propeta?”Sumagot siya, “Hindi rin.”
[22]“Sino ka kung gayon? Sabihin mo kung sino ka upang may masabi naman kami sa mga nagsugo sa amin. Ano ang masasabi mo tungkol sa iyong sarili?” tanong nilang muli.
[23]Sumagot si Juan sa pamamagitan ng pangungusap mula sa aklat ni Propeta Isaias, “Ako ang tinig ng isang taong sumisigaw sa ilang, ‘Tuwirin ninyo ang daraanan ng Panginoon.’”
[24]Ang mga nagtanong ay sugo ng mga Pariseo.
[25]Muli nilang tinanong si Juan, “Bakit ka nagbabautismo, gayong hindi naman pala ikaw ang Cristo, o si Elias, o ang Propeta?”
[26]Sumagot si Juan, “Ako'y nagbabautismo sa tubig, ngunit nasa inyong kalagitnaan ang isang hindi ninyo nakikilala.
[27]Darating siyang kasunod ko subalit hindi man lamang ako karapat-dapat na magkalag ng sintas ng kanyang sandalyas.”
[28]Ang mga ito'y nangyari sa Bethania, sa silangan ng Ilog Jordan na pinagbabautismuhan ni Juan.

Ang Mabuting Balita ng ating Panginoon
Pinupuri ka namin Panginoon Hesu-Kristo



Disyembre 26, 2022 | Lunes Ikalawang araw ng Pagdiriwang ng Pasko ng PagsilangAng Mabuting Balita ng ating Panginoon ayo...
26/12/2022

Disyembre 26, 2022 | Lunes Ikalawang araw ng Pagdiriwang ng Pasko ng Pagsilang
Ang Mabuting Balita ng ating Panginoon ayon kay San Mateo 10:17-22

[17](17-18) Mga alagad ko, mag-ingat kayo sapagkat kayo'y darakpin at isasakdal sa mga Sanedrin, hahagupitin kayo sa kanilang mga sinagoga, at dadalhin kayo sa mga gobernador at mga hari nang dahil sa pagsunod ninyo sa akin, upang magpatotoo sa kanila at sa mga Hentil.
[19]Sa pagkakataong iyon, huwag kayong mabahala kung ano ang inyong sasabihin, o kung paano kayo magpapatotoo sapagkat ito'y kusang ipagkakaloob sa inyo.
[20]Hindi kayo ang magsasalita, kundi ang Espiritu ng inyong Ama ang magsasalita sa pamamagitan ninyo.
[21]“Ipagkakanulo ng kapatid ang kanyang sariling kapatid upang ipapatay, gayundin ang gagawin ng ama sa kanyang anak; at lalabanan ng mga anak ang kanilang mga magulang at ipapapatay ang mga ito.
[22]Kapopootan kayo ng lahat dahil sa pagsunod sa akin, ngunit ang mananatiling tapat hanggang wakas ang siyang maliligtas.

Ang Mabuting Balita ng ating Panginoon
Pinupuri ka namin Panginoon Hesu-Kristo



Disyembre 23, 2022 | Biyernes Mga Huling Linggo sa Pagdating ng Panginoon Ang Mabuting Balita ng ating Panginoon ayon ka...
22/12/2022

Disyembre 23, 2022 | Biyernes Mga Huling Linggo sa Pagdating ng Panginoon
Ang Mabuting Balita ng ating Panginoon ayon kay San Lucas 1:57-66
"Isinilang si Juan na Tagapagbautismo"

[57]Dumating ang oras ng panganganak ni Elisabet at nagsilang siya ng isang sanggol na lalaki.
[58]Tuwang-tuwa ang kanyang mga kapitbahay at mga kamag-anak nang mabalitaan nilang siya'y pinagpala ng Panginoon.
[59]Makalipas ang isang linggo, dumalo sila sa pagtutuli ng sanggol. Zacarias sana ang itatawag nila sa bata, gaya ng pangalan ng kanyang ama,
[60]ngunit sinabi ni Elisabet, “Hindi! Juan ang ipapangalan sa kanya.”
[61]“Subalit wala naman kayong kamag-anak na may ganyang pangalan,” tugon nila.
[62]Sinenyasan nila ang kanyang ama upang itanong kung ano ang ibig nitong itawag sa sanggol.
[63]Humingi si Zacarias ng masusulatan at ganito ang kanyang isinulat, “Juan ang pangalan niya.” Namangha ang lahat.
[64]Noon din ay nakapagsalita si Zacarias, at nagsimulang magpuri sa Diyos.
[65]Natakot ang lahat ng tagaroon, at naging usap-usapan sa buong bulubundukin ng Judea ang mga bagay na iyon.
[66]Pinag-isipan ito ng mga nakabalita, anupa't naging tanong nilang lahat, “Magiging ano kaya ang batang ito?” Sapagkat maliwanag na nasa kanya ang Panginoon.

Ang Mabuting Balita ng ating Panginoon
Pinupuri ka namin Panginoon Hesu-Kristo



Disyembre 18, 2022 | Linggo Ika - 4 na Linggo sa Pagdating ng PanginoonAng Mabuting Balita ng ating Panginoon ayon kay S...
17/12/2022

Disyembre 18, 2022 | Linggo Ika - 4 na Linggo sa Pagdating ng Panginoon
Ang Mabuting Balita ng ating Panginoon ayon kay San Mateo 1:18-24

[18]Ito ang naganap nang ipanganak si Jesu-Cristo. Si Maria na kanyang ina at si Jose ay nakatakda nang magpakasal. Ngunit bago sila makasal, nalaman ni Maria na siya'y nagdadalang-tao sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu Santo.
[19]Subalit dahil isang taong matuwid si Jose na kanyang mapapangasawa, at ayaw nitong malagay sa lubos na kahihiyan si Maria, binalak niyang hiwalayansi Maria nang palihim.
[20]Ngunit habang pinag-iisipan ito ni Jose, nagpakita sa kanya sa panaginip ang isang anghel ng Panginoon. Sinabi nito sa kanya, “Jose, anak ni David, huwag kang matakot na pakasalan si Maria, sapagkat ang sanggol na dinadala niya ay mula sa Espiritu Santo.
[21]Magsisilang siya ng isang batang lalaki at Jesus ang ipapangalan mo sa sanggol sapagkat ililigtas niya ang kanyang bayan sa kanilang mga kasalanan.”
[22]Nangyari nga ang lahat ng ito upang matupad ang sinabi ng Panginoon sa pamamagitan ng propeta,
[23]“Tingnan ninyo; ‘Maglilihi ang isang birhen at magsisilang ng isang sanggol na lalaki, at tatawagin itong Emmanuel.’”(Ang kahulugan nito'y “Kasama natin ang Diyos”.)
[24]Nang magising si Jose, sinunod nga niya ang utos ng anghel ng Panginoon at pinakasalan niya si Maria.

Ang Mabuting Balita ng ating Panginoon
Pinupuri ka namin Panginoon Hesu-Kristo



Nobyembre 26, 2022 | Sabado Ika – 35 na Linggo sa Karaniwang PanahonAng Mabuting Balita ng ating Panginoon ayon kay San ...
25/11/2022

Nobyembre 26, 2022 | Sabado Ika – 35 na Linggo sa Karaniwang Panahon
Ang Mabuting Balita ng ating Panginoon ayon kay San Lucas 21:34-36
"Mag-ingat Kayo"

34 “Mag-ingat kayo na huwag kayong malulong sa labis na pagsasaya, paglalasing at matuon ang inyong pag-iisip sa mga alalahanin sa buhay na ito; kung hindi ay bigla kayong aabutan ng Araw na iyon
35 na tulad ng isang bitag. Sapagkat darating ang Araw na iyon sa lahat ng tao sa ibabaw ng lupa.
36 Kaya't maging handa kayo sa lahat ng oras. Lagi ninyong idalangin na magkaroon kayo ng kalakasan upang malampasan ninyo ang lahat ng mangyayaring ito, at makatayo kayo sa harap ng Anak ng Tao.”

Ang Mabuting Balita ng ating Panginoon
Pinupuri ka namin Panginoon Hesu-Kristo



Nobyembre 14, 2022 | Lunes Ika –33 na Linggo sa Karaniwang PanahonAng Mabuting Balita ng ating Panginoon ayon kay San Lu...
13/11/2022

Nobyembre 14, 2022 | Lunes Ika –33 na Linggo sa Karaniwang Panahon
Ang Mabuting Balita ng ating Panginoon ayon kay San Lucas 18:35-43
"Pinagaling ang Lalaking Bulag"

[35]Nang malapit na si Jesus sa Jerico; may isang lalaking bulag na nakaupo sa tabi ng daan at nagpapalimos.
[36]Nang marinig niyang nagdaraan ang maraming tao, itinanong niya kung ano ang nangyayari.
[37]“Nagdaraan si Jesus na taga-Nazaret,” sabi nila sa kanya.
[38]At siya'y sumigaw, “Jesus, Anak ni David! Mahabag po kayo sa akin!”
[39]Pinapatigil siya ng mga taong nasa unahan, ngunit lalo pa niyang nilakasan ang pagsigaw, “Anak ni David, mahabag po kayo sa akin!”
[40]Tumigil si Jesus at ipinatawag ang bulag. Paglapit ng bulag ay tinanong siya ni Jesus,
[41]“Ano ang gusto mong gawin ko para sa iyo?” “Panginoon, gusto ko po sanang makakitang muli,” sagot niya.
[42]At sinabi ni Jesus, “Mangyayari ang nais mo! Pinagaling ka ng iyong pananampalataya.”
[43]Noon di'y nakakita ang bulag at sumunod kay Jesus na nagpuri sa Diyos. Nang makita ito ng mga tao, silang lahat ay nagpuri sa Diyos.

Ang Mabuting Balita ng ating Panginoon
Pinupuri ka namin Panginoon Hesu-Kristo



Address

Manila
1012

Telephone

+639484393214

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Ang maayung balita sa atong ginoo posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Place Of Worship

Send a message to Ang maayung balita sa atong ginoo:

Share