16/05/2025
๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ 8
Isang pagpupugay sa pananampalataya at pagkakaisa sa anibersaryo ng Block Rosary Chapter 8. Tuwing buwan ng Mayo 7 at 8 ay ipinagdiriwang ang anibersaryong ito bilang pagpaparangal sa paglalim ng ating pananalig at dedikasyon. Patuloy nating itaguyod ang dasal at debosyon sa ating komunidad at magsilbing inspirasyon sa pagpapatibay ng pananampalataya ng bawat isa.
Kasabay rin nito ay ang taunang pagdiriwang ng Flores de Mayo, isang makulay na tradisyon ng ating simbahan na nagbibigay parangal sa Mahal na Birheng Maria. Sa pamamagitan ng mga bulaklak, panalangin, at pag-aalay, pinagyayaman natin ang ating ugnayan bilang isang pamilyang Kristiyano.
Ang OMOPH Youth Group ay taos-pusong nagpapasalamat sa mga indibidwal at pamilyang naging instrumento sa matagumpay na pagdiriwang na ito. Nawaโy patuloy kayong gabayan at pagpalain ng Poong Maykapal sa inyong mga gawain at hangarin na magbigay ng liwanag at pag-asa sa ating komunidad.
Taos-pusong pasasalamat sa walang sawang suporta at gabay ng ating mga kapatid sa Block Rosary Federation at sa Our Lady of Peace and Good Voyage Parish. Gayundin sa mga adopted family at mga residente ng ating komunidad na sumusuporta at nagpapalakas ng ating diwa ng pagkakaisa sa araw na ito.
Magkasama nating ipagdiwang ang biyaya ng pananampalataya at ang pagtutulungan na nagbibigay liwanag sa ating mga araw.
Maraming salamat po!