23/06/2025
Nag-viral ang homily ni Fr. Kali Pietre Llamado sa Holy Mass sa Manila Cathedral noong October 31, 2021.
“True evil is seen in corruption, in fake news, in extrajudicial killings. That is the true face of evil.
“Ang totoong mga diablo ay ‘yung mga pumapatay ng tao, nagnanakaw ng kaban ng bayan at nagpapakalat ng kasinungalingan. Sila ang mga diablo.
“Kaya lang, nakakalungkot. Ang diablo ay ginawa na lang nating costume. Ginawa na lang nating horror story. Kaya ngayon, ang mga tao, takot sa multo, takot sa aswang, pero pinapalakpakan ang pumapatay ng tao. Suportado ang mga sinungaling at magnanakaw. ‘Di ba nakakatawa ‘yun?
“Tayo, takot na takot sa multo… ‘Di mo naman nakikita pero kinikilabutan ka. Pero kapag sinabi sa’yo, itong tao na ito, nagnakaw ng milyones sa bayan, palakpakan pa tayo. ‘Suportado ko ‘yan! Kahit magnakaw siya, kahit pumatay siya, magaling siya.’ Hindi ba dapat kilabutan ka?
“Kinikilabutan ka sa multong hindi mo nakikita. Pero ‘yung nakikita nating magnanakaw at mamamatay-tao, pinapalakpakan pa natin.
“We have forgotten the true face of evil.”
👉Sa kanyang homily, tinukoy nya kung ano ang totoong mukha ng kasamaan. Ayon pa sa kanya, dapat ay KILABUTAN ang mga taong SUMUSUPORTA sa MAGNANAKAW, MAMAMATAY-TAO, at NAGKAKALAT ng fake news.
👉 Wala pong pinangalanan si Fr. Kali. Kaya bato-bato sa langit ang tamaan ay HUWAG MAGAGALIT.