21/03/2020
THIRD SABBATH OF MARCH (2020): Ang bro. Jun Lucino at sis. Angeline Castillo masayang nakipulong at naglingkod sa tahanan ng ating butihing NPUC Education director, pastor Nelson Castillo na tiyuhing buo ni sis. Angeline.
Purihin ang Dios dahil bagama't iilan lamang sila sa naturang dako, naging kasiyasiya pa rin ang kanilang pagpuri't pagsamba sa Kaniya. Tunay na nararamdaman ng bawat isa ang pangako ni Jesucristo na "sapagkat kung saan nagkakatipon ang dalawa o tatlo sa aking pangalan, ay naroon ako sa gitna nila." (Mat. 18:20, Ang Biblia 2001)
Nagpapasalamat ang The Singer and The Preacher Ministry kay pastor Castillo at sa kaniyang maybahay na si ma'am Eva Castillo sa pagtanggap nila sa Ministry sa kanilang tahanan. Nawa'y mas lalong pagpalain ng Dios ang mag-sawang ito na napakasigasig din sa gawain.
Muli, sa Ama, sa Anak, at sa Espiritu Santo lamang ang lahat ng kapurihan kaluwalhatian at kadakilaan!