Vicariate of Malolos - Commission on Social Communications

Vicariate of Malolos - Commission on Social Communications Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Vicariate of Malolos - Commission on Social Communications, Catholic Church, Malolos.

πŒπ€π‘πˆπ€π πˆπŒπ€π†π„ πŽπ… 𝐓𝐇𝐄 πƒπ€π˜ πŒπ€π‡π€π‹ 𝐍𝐀 ππˆπ‘π‡π„π 𝐍𝐆 π’π€ππ“πˆπ’πˆπŒπŽ π‘πŽπ’π€π‘πˆπŽπ‘ƒπ‘Žπ‘Ÿπ‘œπ‘˜π‘¦π‘Ž 𝑛𝑔 π‘†π‘Žπ‘›π‘‘π‘–π‘ π‘–π‘šπ‘Ž π‘‡π‘Ÿπ‘–π‘›π‘–π‘‘π‘Žπ‘‘π‘†π‘Žπ‘›π‘‘π‘–π‘ π‘–π‘šπ‘Ž π‘‡π‘Ÿπ‘–π‘›π‘–π‘‘π‘Žπ‘‘, πΏπ‘’π‘›π‘”π‘ π‘œπ‘‘ 𝑛𝑔 ...
31/05/2026

πŒπ€π‘πˆπ€π πˆπŒπ€π†π„ πŽπ… 𝐓𝐇𝐄 πƒπ€π˜

πŒπ€π‡π€π‹ 𝐍𝐀 ππˆπ‘π‡π„π 𝐍𝐆 π’π€ππ“πˆπ’πˆπŒπŽ π‘πŽπ’π€π‘πˆπŽ
π‘ƒπ‘Žπ‘Ÿπ‘œπ‘˜π‘¦π‘Ž 𝑛𝑔 π‘†π‘Žπ‘›π‘‘π‘–π‘ π‘–π‘šπ‘Ž π‘‡π‘Ÿπ‘–π‘›π‘–π‘‘π‘Žπ‘‘
π‘†π‘Žπ‘›π‘‘π‘–π‘ π‘–π‘šπ‘Ž π‘‡π‘Ÿπ‘–π‘›π‘–π‘‘π‘Žπ‘‘, πΏπ‘’π‘›π‘”π‘ π‘œπ‘‘ 𝑛𝑔 π‘€π‘Žπ‘™π‘œπ‘™π‘œπ‘ , π΅π‘’π‘™π‘Žπ‘π‘Žπ‘›

KAPISTAHAN: πΌπ‘˜π‘Žπ‘‘π‘™π‘œπ‘›π‘” π‘™π‘–π‘›π‘”π‘”π‘œ 𝑛𝑔 π‘‚π‘˜π‘‘π‘’π‘π‘Ÿπ‘’

πŠπ€π’π€π˜π’π€π˜π€π 𝐍𝐆 πˆπŒπ€π‡π„π

Sa kabutihang loob ng pamilya nina G. Pablo Sr. at Gng. Pricila Legaspi, ibinigay nila sa Parokya ng Santisima Trinidad ang imahen ng birhen.

Ang noo’y Team Ministry, na sina Rdo. Msgr. Pablo Legaspi, Jr., Rdo. P. Allan Antonio, Rdo. P. Romi Sasi, at Rdo. P. Nicanor Lalog II, ay napagkasunduang bigyang titulo na β€œMahal na Birhen ng Santisimo Rosario” ang binigay na imahen. Ito ay hango sa patron ng parokya na Santisima Trinidad.

Ito ay naging ikalawang patrona ng parokya at ipinagdiriwang ang kanyang kapistahan tuwing ikatlong linggo ng Oktubre, na tinatawag namang pagdiriwang ng β€œPistang Munti” sa parokya.

ππ€ππ€π‹π€ππ†πˆπ 𝐒𝐀 πŒπ€π‡π€π‹ 𝐍𝐀 ππˆπ‘π‡π„π 𝐍𝐆 π’π€ππ“πˆπ’πˆπŒπŽ π‘πŽπ’π€π‘πˆπŽ

O Virgen Del Santisimo Rosario, pinapupurihan ka namin sa kadakilaang kaloob sa iyo ng Poong Lumikha, na ika’y ipaglihi na walang dungis ng kasalanan.
Pinasasalamatan at sinasamba ka namin, O Dakilang Manlilikha sa mga kaloob at biyaya sa mahal na Birheng Maria. Naninikluhod po kami na kasihan mo rin po kami ng Iyong pagpapala gaya ng iginawad Mo kay Maria ayon sa Iyong kalooban.
Maria aming Ina, ipagsanggalang mo po kami sa lahat ng mga tukso at hibo ng kasamaan. Ingatan mo po kami, ang aming mga mahal sa buhay at kaibigan. Ipinagtatagubilin namin sa iyo ang amin pong mga sarili sa iyong mabuting halimbawa na siyang ikinalulugod mo bilang aming Ina.
Makamit nawa namin sa iyong pamamagitan ang aming mga mithiiin at panalangin.

(Sa taimtim na katahimikan ilahad ang mga kahilingan)

Lakip ang tapat at malinis na pamumuhay, magbunga nawa ang aming pagnonobenang ito ayon sa niloloob ng Diyos at ng iyong mithiin para sa amin. Amzen.






πŒπ€π‘πˆπ€π πˆπŒπ€π†π„ πŽπ… 𝐓𝐇𝐄 πƒπ€π˜ πŒπ€π‡π€π‹ 𝐍𝐀 ππˆπ‘π‡π„ππ† 𝐒𝐓𝐄𝐋𝐋𝐀 πŒπ€π‘πˆπ’π‘ƒπ‘Žπ‘Ÿπ‘œπ‘˜π‘¦π‘Ž 𝑛𝑔 π‘†π‘‘π‘’π‘™π‘™π‘Ž π‘€π‘Žπ‘Ÿπ‘–π‘ π‘ƒπ‘Žπ‘šπ‘Žπ‘Ÿπ‘Žπ‘€π‘Žπ‘›, πΏπ‘’π‘›π‘”π‘ π‘œπ‘‘ 𝑛𝑔 π‘€π‘Žπ‘™π‘œπ‘™π‘œπ‘ , π΅π‘’π‘™π‘Žπ‘π‘Žπ‘›KAPIST...
30/05/2026

πŒπ€π‘πˆπ€π πˆπŒπ€π†π„ πŽπ… 𝐓𝐇𝐄 πƒπ€π˜

πŒπ€π‡π€π‹ 𝐍𝐀 ππˆπ‘π‡π„ππ† 𝐒𝐓𝐄𝐋𝐋𝐀 πŒπ€π‘πˆπ’
π‘ƒπ‘Žπ‘Ÿπ‘œπ‘˜π‘¦π‘Ž 𝑛𝑔 π‘†π‘‘π‘’π‘™π‘™π‘Ž π‘€π‘Žπ‘Ÿπ‘–π‘ 
π‘ƒπ‘Žπ‘šπ‘Žπ‘Ÿπ‘Žπ‘€π‘Žπ‘›, πΏπ‘’π‘›π‘”π‘ π‘œπ‘‘ 𝑛𝑔 π‘€π‘Žπ‘™π‘œπ‘™π‘œπ‘ , π΅π‘’π‘™π‘Žπ‘π‘Žπ‘›

KAPISTAHAN: π‘†π‘’π‘‘π‘¦π‘’π‘šπ‘π‘Ÿπ‘’ 27

πŠπ€π’π€π˜π’π€π˜π€π 𝐍𝐆 πˆπŒπ€π‡π„π

Ayon sa kasaysayan ng Parokya ng Stella Maris, ang imaheng naging patron ng parokya ay dumating lamang noong pagtatalaga ng dating bisita ng Pamarawan noong 1979. Dahil sa maigting na pananampalataya ng mga taga-Pamarawan at sa desisyon ng Obispo ng Malolos na si Most Rev. Cirilo R. Almario Jr., DD, ang Pamarawan ay opisyal na natalagang parokya sa ilalim ng pagpapatnubay ng Mahal na Birheng Stella Maris.Ang imaheng ito ng Stella Maris ay mayroong tangang tala sa isang kamay at lampara naman sa kabila, habang nakasakay sa isang bangka. Ipinapakita ng disenyo ng Birhen ang mismong pamumuhay ng mga taong taga-islaβ€”kung saan sa laot nagmumula ang kanilang hanapbuhay at bangka ang pangunahing transportasyonβ€”kaya naman sila palagiang humihingi ng patnubay sa Birhen para sa isang ligtas at mapayapang paglalakbay.

ππ€ππ€π‹π€ππ†πˆπ 𝐒𝐀 πŒπ€π‡π€π‹ 𝐍𝐀 ππˆπ‘π‡π„ππ† 𝐒𝐓𝐄𝐋𝐋𝐀 πŒπ€π‘πˆπ’

O Mahal na Birhen, Tala ng Karagatan, lingapin mo akong nananalangin sa Iyong luklukan ng biyaya. Ipagkamit mo ng pagdamay ang nalulumbay, ng pagtulong ang naghihikahos, ng kalusugan ang may karamdaman at ng kapatawaran ng mga makasalanan.O, Pinakamamahal na Ina ng Awa, ako ay lumalapit sa iyo na may malaking pagtitiwala na Iyong pakikinggan ang aking pagsamo.Maibiging Ina, Tala ng Karagatan, batid ko na ako ay Iyong matutulungan sapagka't ikaw ang Abang Alipin ng Panginoon.Sa banal na lugar ito, nawa'y ipagkaloob mo, Mahal na Ina,na matularan namin ang Iyong magandang halimbawa na handang tumalima sa kalooban ng Diyos. Kami nawa'y mapuspos ng Espiritu Santo at matigib ng grasya nang makapamuhay ng kalugod-lugod sa Diyos. anglawan Mo kami aming Ina sa aming paglalakbay dito sa madilim na mundo nang kami'y maluwalhating makarating sa langit na inaasam kapiling ang Iyong Anak na si Hesusna ang aming Panginoon magpasawalang hanggan! Amen.

Mahal na Birheng Stella Maris, Ipanalangin mo Kami!






πŒπ€π‘πˆπ€π πˆπŒπ€π†π„ πŽπ… 𝐓𝐇𝐄 πƒπ€π˜ 𝐍𝐔𝐄𝐒𝐓𝐑𝐀 π’π„πΜƒπŽπ‘π€ 𝐃𝐄𝐋 π‚π€π‘πŒπ„ππ‘ƒπ‘Žπ‘Ÿπ‘œπ‘˜π‘¦π‘Ž 𝑛𝑔 π‘π‘’π‘’π‘ π‘‘π‘Ÿπ‘Ž π‘†π‘’π‘›Μƒπ‘œπ‘Ÿπ‘Ž 𝑑𝑒𝑙 πΆπ‘Žπ‘Ÿπ‘šπ‘’π‘›π‘†π‘Žπ‘› πΊπ‘Žπ‘π‘Ÿπ‘–π‘’π‘™, πΏπ‘’π‘›π‘”π‘ π‘œπ‘‘ 𝑛𝑔 π‘€π‘Žπ‘™π‘œπ‘™π‘œπ‘ , ...
29/05/2026

πŒπ€π‘πˆπ€π πˆπŒπ€π†π„ πŽπ… 𝐓𝐇𝐄 πƒπ€π˜

𝐍𝐔𝐄𝐒𝐓𝐑𝐀 π’π„πΜƒπŽπ‘π€ 𝐃𝐄𝐋 π‚π€π‘πŒπ„π
π‘ƒπ‘Žπ‘Ÿπ‘œπ‘˜π‘¦π‘Ž 𝑛𝑔 π‘π‘’π‘’π‘ π‘‘π‘Ÿπ‘Ž π‘†π‘’π‘›Μƒπ‘œπ‘Ÿπ‘Ž 𝑑𝑒𝑙 πΆπ‘Žπ‘Ÿπ‘šπ‘’π‘›
π‘†π‘Žπ‘› πΊπ‘Žπ‘π‘Ÿπ‘–π‘’π‘™, πΏπ‘’π‘›π‘”π‘ π‘œπ‘‘ 𝑛𝑔 π‘€π‘Žπ‘™π‘œπ‘™π‘œπ‘ , π΅π‘’π‘™π‘Žπ‘π‘Žπ‘›

KAPISTAHAN: π»π‘’π‘™π‘¦π‘œ 16

πŠπ€π’π€π˜π’π€π˜π€π 𝐍𝐆 πˆπŒπ€π‡π„π

Pinakatampok sa Gitna ng Simbahan, partikular sa gitna ng Retablo ang Imahen ng Mahal na Patrona, Ang Nuestra SeΓ±ora del Carmen. Sinasabi na noong una ay gawa sa Garing ang Imaheng nakaluklok sa Altar ay ipinagawa ni Don Antonio Bautista. Matapos mawala ang imahen sa hindi maipaliwanag na kadahilanan, napagpasyahan na magpagawa ng panibagong Imaheng yari sa Kahoy na sa kagandahang-loob pa din ni Don Antonio Bautista. Mula noon, ang imahen na ito ay siyang itinanghal sa Retablo Mayor ng Simbahan. Ang Imaheng ito Ang siyang naging Makalangit na Saksi sa Unang Kongreso sa Malolos noong idaos ito sa Simbahan ng Barasoain sa pangunguna ni General Emilio Aguinaldo noong Taong 1898.

ππ€ππ€π‹π€ππ†πˆπ 𝐒𝐀 𝐍𝐔𝐄𝐒𝐓𝐑𝐀 π’π„πΜƒπŽπ‘π€ 𝐃𝐄𝐋 π‚π€π‘πŒπ„π

O katamis-tamisang Ina, Birhen ng Carmelo, ikaw po ang lumapit sa iyong Anak na si Hesus at namagitan upang ang tubig ay gawing alak sa kasalan sa Cana, Galilea. Hinihiling po namin na lagi kang mamagitan sa Diyos na patnubayan ang aming bansa, parokya, tahanan at pamilya. Ibigay mo po sa amin ang iyong maka-Inang pagkalinga at patnubay habang naglalakbay kami dito sa lupa. Sa oras ng kadiliman liwanagan mo po kami; sa oras ng kahinaan, palakasin mo kami; sa oras ng tukso, ipagsanggalang mo kami; sa oras ng kamatayan, dalhin mo kami sa iyong Anak na si Hesus para matamasa namin ang buhay na walang hanggan. Amen.







πŒπ€π‘πˆπ€π πˆπŒπ€π†π„ πŽπ… 𝐓𝐇𝐄 πƒπ€π˜ πŒπ€π‡π€π‹ 𝐍𝐀 ππˆπ‘π‡π„π 𝐍𝐆 ππ”ππƒπŽπŠ 𝐍𝐆 π‚π€π‘πŒπ„π‹πŽπ‘ƒπ‘Žπ‘Ÿπ‘œπ‘˜π‘¦π‘Ž 𝑛𝑔 π‘†π‘Žπ‘› πΌπ‘ π‘–π‘‘π‘Ÿπ‘œ πΏπ‘Žπ‘π‘Ÿπ‘Žπ‘‘π‘œπ‘Ÿπ΅π‘’π‘™π‘–β„Žπ‘Žπ‘›, πΏπ‘’π‘›π‘”π‘ π‘œπ‘‘ 𝑛𝑔 π‘€π‘Žπ‘™π‘œπ‘™π‘œπ‘ , 𝐡...
28/05/2026

πŒπ€π‘πˆπ€π πˆπŒπ€π†π„ πŽπ… 𝐓𝐇𝐄 πƒπ€π˜

πŒπ€π‡π€π‹ 𝐍𝐀 ππˆπ‘π‡π„π 𝐍𝐆 ππ”ππƒπŽπŠ 𝐍𝐆 π‚π€π‘πŒπ„π‹πŽ
π‘ƒπ‘Žπ‘Ÿπ‘œπ‘˜π‘¦π‘Ž 𝑛𝑔 π‘†π‘Žπ‘› πΌπ‘ π‘–π‘‘π‘Ÿπ‘œ πΏπ‘Žπ‘π‘Ÿπ‘Žπ‘‘π‘œπ‘Ÿ
π΅π‘’π‘™π‘–β„Žπ‘Žπ‘›, πΏπ‘’π‘›π‘”π‘ π‘œπ‘‘ 𝑛𝑔 π‘€π‘Žπ‘™π‘œπ‘™π‘œπ‘ , π΅π‘’π‘™π‘Žπ‘π‘Žπ‘›

KAPISTAHAN: π»π‘’π‘™π‘¦π‘œ 16

πŠπ€π’π€π˜π’π€π˜π€π 𝐍𝐆 πˆπŒπ€π‡π„π

Isa ang aparisyon ng Mahal na Birheng Maria sa Bundok ng Carmelo sa pinakakilala at ipinagdiriwang na imahen ng Mahal na Ina sa buong Pilipinas. Nagmula ang titulo sa pagpapakita ng nito sa nasabing bundokβ€”kung saan itinayo ng mga unang Orden ng Carmelita ang pinakauna nitong simbahan. Naging mas kilala ito noong ika-16 ng Hulyo, taong 1251, kung saan nagpakita ang Birhen kay San Simon Stock, isang karmelitong pari at monghe na mananampalataya ng Inang Maria, habang siya ay nasa kulungan at nananalangin. Dito sa kanya itinagubilin ng Birhen ang isang eskapularyong kayumanggi, habang karga niya ang batang Hesus, dala ang mga pangakong, β€œAng sinumang papanaw na suot ang eskapularyong ito ay hindi magdurusa sa walang hanggang apoy.” Kaya’y tuwing ika-16 ng Hulyo ang kapistahan ng nasabing imahen.

Sa Parokya ng San Isidro Labrador - Bulihan, ang pananampalataya sa Mahal na Birhen ng Bundok ng Carmelo ay unti-unting yumabong sa pagdaloy ng panahon. Mula sa lingguhang pagsisimba sa antisipadong misa ng parokya tuwing ika-6 ng gabi hanggang sa mga buwanang pagpupulong at panalangin tuwing unang sabado ng buwan ng Cofradia ng Bundok ng Carmelo, binuklod nito ang mga mananampalataya na maging isang pamilya, hindi lamang isang samahan. Patuloy itong umusbong sa parokya at lumaki ang bilang ng mga miyembro ng mga Carmelita. Tuwing sasapit din ang kapistahan, nagbibigay mga ito ng mga eskapularyo ng Mahal na Birhen ng Bundok ng Karmelo sa mga mananampalataya at nagsasagawa ng prusisyon sa paligid ng parokya. Dahil sa mga gawaing ito, nabigyang pansin ito ng Vaticanβ€”ang lumalaking pananampalataya ng mga Karmelita sa parokya ng Bulihan.

Dahil dito, ginawaran ng Vatican ang Cofradia ng Mahal na Birhen ng Carmelo ng isang Canonical Erectionβ€”isΓ‘ng opisyal at pormal na pagkilala at pagtatatag ng isang samahan sa isang parokya. Sa lalawigan ng Bulacan, ito ang kauna-unahang pagkakataong nangyari ito at pangalawa naman sa buong Pilipinas, kasunod ng Minor Basilica of San Sebastian and Archdiocesan Shrine of Our Lady of Mount Carmel sa Maynila. Isang bantog na makasaysayang pangyayari sa Parokya ng San Isidro Labrador Bulihan na nakasunod sa Mahal na Birheng Maria bilang Mahal na Birhen ng Bundok ng Carmelo.

ππ€ππ€π‹π€ππ†πˆπ 𝐒𝐀 πŒπ€π‡π€π‹ 𝐍𝐀 ππˆπ‘π‡π„π 𝐍𝐆 ππ”ππƒπŽπŠ 𝐍𝐆 π‚π€π‘πŒπ„π‹πŽ

Santa Maria, Mahal na Birhen ng Bundok ng Carmelo, nagpakita ka kay San Simon Stock sa Cambridge upang gabayan kami sa aming paglalakbay sa lupa at bigyan ng pag-asa sa aming buhay lalo na sa oras ng paghihirap at tiisin. Inihahandog namin sa iyo ang aming sarili, puso at damdamin.

Pagpalain mo at gabayan ang aming mahal sa buhay, pamilya, at bayan. Tanggapin mo po ang aming ligaya at lungkot, tagumpay at kabiguan, kahirapan at kasaganahan, sakit at kalusugan. Dalhin mo po ito sa iyong anak na si Hesus upang ito ay maging bukal para sa amin ng grasya at kabanalan.

Isinasamo namin, katamis-tamisang Ina, na lagi mo kaming samahan. Huwag mo po kaming iiwan at pababayaan lalo na sa panahon ng pagsubok at kapighatian. Akayin mo kami sa lahat ng oras at lugar. Sa sandali ng aming kamatayan dalhin mo kami sa iyong Anak na si Hesus na aming Panginoon upang makamit ang buhay na walang hanggan.

Mahal na Birhen ng Bundok ng Carmelo, ipanalangin mo kami!






πŒπ€π‘πˆπ€π πˆπŒπ€π†π„ πŽπ… 𝐓𝐇𝐄 πƒπ€π˜ 𝐋𝐀 ππˆπΜƒπ€ πŒπ€π‘πˆπ€ 𝐃𝐄 𝐒𝐀𝐍𝐓𝐀 πˆπ’π€ππ„π‹π‘ƒπ‘Žπ‘Ÿπ‘œπ‘˜π‘¦π‘Ž 𝑛𝑔 π‘†π‘Žπ‘›π‘‘π‘Ž πΌπ‘ π‘Žπ‘π‘’π‘™ 𝑛𝑔 π‘ˆπ‘›π‘”π‘”π‘Žπ‘Ÿπ‘–π‘Žπ΅π‘Žπ‘”π‘œπ‘›π‘” π΅π‘Žπ‘¦π‘Žπ‘›, πΏπ‘’π‘›π‘”π‘ π‘œπ‘‘ 𝑛𝑔 π‘€π‘Žπ‘™π‘œπ‘™π‘œ...
28/05/2026

πŒπ€π‘πˆπ€π πˆπŒπ€π†π„ πŽπ… 𝐓𝐇𝐄 πƒπ€π˜

𝐋𝐀 ππˆπΜƒπ€ πŒπ€π‘πˆπ€ 𝐃𝐄 𝐒𝐀𝐍𝐓𝐀 πˆπ’π€ππ„π‹
π‘ƒπ‘Žπ‘Ÿπ‘œπ‘˜π‘¦π‘Ž 𝑛𝑔 π‘†π‘Žπ‘›π‘‘π‘Ž πΌπ‘ π‘Žπ‘π‘’π‘™ 𝑛𝑔 π‘ˆπ‘›π‘”π‘”π‘Žπ‘Ÿπ‘–π‘Ž
π΅π‘Žπ‘”π‘œπ‘›π‘” π΅π‘Žπ‘¦π‘Žπ‘›, πΏπ‘’π‘›π‘”π‘ π‘œπ‘‘ 𝑛𝑔 π‘€π‘Žπ‘™π‘œπ‘™π‘œπ‘ , π΅π‘’π‘™π‘Žπ‘π‘Žπ‘›

KAPISTAHAN: π‘†π‘’π‘‘π‘¦π‘’π‘šπ‘π‘Ÿπ‘’ 8

πŠπ€π’π€π˜π’π€π˜π€π 𝐍𝐆 πˆπŒπ€π‡π„π

Nagsimula ang debosyon sa Batang Maria ng Santa Isabel noong taong 2013, sa patnugot ni Rdo. Padre Dennis S. Cruz. Sa ilalim ng patnubay ng noo'y Kura Paroko - Rdo. Padre Proceso Espiritu, idinaos ang kauna-unahang pagdiriwang ng kapistahan kaugnay ng Pagsilang ng Mahal na Birheng Maria, tuwing ika-8 ng Setyembre. Dito unang ginanap ang isang Marian Exhibit na kinatampukan ng iba't-ibang imahen ng Mahal na Birhen mula sa mga kalapit na Bayan at Probinsya. Sa araw ng kapistahan ng parehong taon ay ginanap rin ang unang Marian Procession. Ito ay pinangasiwaan ng noo'y samahang Cofradia de la Virgencita Maria de Santa Isabel, katuwang ang mga gumanap na Hermanos at Hermanas na sina, Ark. Rodelio at Gng. Recelyne Robles, G. Candido at Gng. Myrna Martin at +G. Feliciano at Gng. Elena Adriano; kasama ang kanilang mga Pamilya.
Nang sumunod na taon, 2014, sa ilalim ng pagganap bilang Hermana ng yumaong +Catalina Dionisio vda. de Domingo, ay nabuo ang imahen Festejada ng La NiΓ±a Maria de Santa Isabel. Ito ay pinangasiwaan ng samahan at inukit sa estilong de tallado at may disenyong estofado; mula sa taller ng tanyag na eskultor na si G. Alberto Panganiban, mula sa Navotas.
Ang isa pang imahen ng La NiΓ±a Maria de Santa Isabel ay nasisilayan tuwing Prusisyon ng Panaog na ginaganap sa pagsisimula ng Nobenaryo at nakadambana sa Simbahan sa buong panahon ng Pagsisiyam. Ito ang Imagen Venerada, na nasa pangangalaga ng yumaong +Catalina Dionisio at buong Pamilya Domingo ng San Pablo.
Bahagi ng pagdiriwang ng kapistahan tuwing Setyembre ang pagsasagawa ng Prusisyon ng Panaog mula sa tahanan ng Camarera ng Imagen Venerada ng La NiΓ±a Maria de Santa Isabel, pagdaraos ng siyam na araw ng Misa Nobenaryo, pagsasagawa ng Marian Exhibit tuwing ikalawang taon, Prusisyon ng Dapit mula sa tahanan ng mga gumaganap na Hermano at Hermana at isang Maringal na Prusisyon alay sa karangalan ng Batang Maria.
Noong taong 2023 ay ipinagdiwang ng Parokya ng Santa Isabel ang ika-10 taong pagkakatatag ng samahan na ngayo'y kilala bilang Cofradia de La NiΓ±a Maria de Santa Isabel, sa patnubay ng kasalukuyang Kura Paroko - Rdo. Padre Vicente B. Lina, Jr.
Sa kasalukuyan, patuloy na pinagyayabong ang munting debosyon sa Batang Maria sa pamamagitan ng pagpaparangal sa kanya tuwing Una at bawat Sabado ng buwan. Gayundin sa paglahok sa iba't-ibang Prusisyon sa karangalan ng Mahal na Birheng Maria, mula sa mga kalapit na Parokya sa Diyosesis ng Malolos, upang mas maging malalim ang pagkilala ng bawat mananampalataya sa kadalisayan at kababaang-loob na ipinapakita sa atin ng Batang si Maria.

ππ€ππ€π‹π€ππ†πˆπ 𝐒𝐀 𝐋𝐀 ππˆπΜƒπ€ πŒπ€π‘πˆπ€ 𝐃𝐄 𝐒𝐀𝐍𝐓𝐀 πˆπ’π€ππ„π‹

Pinagpalang NiΓ±a Maria, ikaw na itinalagang maging Ina ng Diyos at Ina naming lahat, sa pamamagitan ng makalangit na biyayang iyong ipinagkakaloob sa amin, masuyo mong dinggin ang aming panambitan. Aking iniaaalay sa iyo ang aking pagtitiwala na ang pagsusumamo namin ay iyong diringgin.

O Pinagpalang NiΓ±a Maria, sa pamamagitan ng grasyang ipinagkaloob sa iyo, ipakita mo sa amin na ang pinagbubukalan ng makalangit na biyaya at ang patuloy na pagkanlong sa amin ng mga grasya ng Diyos ay hindi magmamaliw, sapagkat ang kapangyarihan ng Diyos ay walang hanggan.

Dinggin mo ang aming mga pagsamo, O Pinagpalang NiΓ±a Maria, sa pamamagitan ng grasyang ipinagkaloob sa iyo ng makalangit na Ama mula pa noong ikaw ay ipaglihing walang bahid ng kasalanan, at aking pupurihin ang kabutihan ng iyong Kalinis-linisang Puso. Amen.

La NiΓ±a Maria de Santa Isabel, Ipanalangin mo kami.






πŒπ€π‘πˆπ€π πˆπŒπ€π†π„ πŽπ… 𝐓𝐇𝐄 πƒπ€π˜ πŒπ€π‡π€π‹ 𝐍𝐀 ππˆπ‘π‡π„π 𝐍𝐆 ππ‘π„π’π„ππ“π€π’π˜πŽππ‘ƒπ‘Žπ‘Ÿπ‘œπ‘˜π‘¦π‘Ž 𝑛𝑔 π‘€π‘Žβ„Žπ‘Žπ‘™ π‘›π‘Ž π΅π‘–π‘Ÿβ„Žπ‘’π‘› 𝑛𝑔 π‘ƒπ‘Ÿπ‘’π‘ π‘’π‘›π‘‘π‘Žπ‘ π‘¦π‘œπ‘›π‘€π‘Žπ‘’π‘›π‘™π‘Žπ‘‘ π»π‘œπ‘šπ‘’π‘  𝑆𝑒𝑏𝑑𝑖𝑣𝑖𝑠𝑖...
26/05/2026

πŒπ€π‘πˆπ€π πˆπŒπ€π†π„ πŽπ… 𝐓𝐇𝐄 πƒπ€π˜

πŒπ€π‡π€π‹ 𝐍𝐀 ππˆπ‘π‡π„π 𝐍𝐆 ππ‘π„π’π„ππ“π€π’π˜πŽπ
π‘ƒπ‘Žπ‘Ÿπ‘œπ‘˜π‘¦π‘Ž 𝑛𝑔 π‘€π‘Žβ„Žπ‘Žπ‘™ π‘›π‘Ž π΅π‘–π‘Ÿβ„Žπ‘’π‘› 𝑛𝑔 π‘ƒπ‘Ÿπ‘’π‘ π‘’π‘›π‘‘π‘Žπ‘ π‘¦π‘œπ‘›
π‘€π‘Žπ‘’π‘›π‘™π‘Žπ‘‘ π»π‘œπ‘šπ‘’π‘  π‘†π‘’π‘π‘‘π‘–π‘£π‘–π‘ π‘–π‘œπ‘›, π‘€π‘œπ‘—π‘œπ‘›, πΏπ‘’π‘›π‘”π‘ π‘œπ‘‘ 𝑛𝑔 π‘€π‘Žπ‘™π‘œπ‘™π‘œπ‘ , π΅π‘’π‘™π‘Žπ‘π‘Žπ‘›

KAPISTAHAN: π‘ƒπ‘’π‘π‘Ÿπ‘’π‘Ÿπ‘œ 2

πŠπ€π’π€π˜π’π€π˜π€π 𝐍𝐆 πˆπŒπ€π‡π„π

Ang imahe na naglalarawan kay Maria, pangko ang batang Hesus, ay unang dinala at ipinakita ng mga paring misyonerong Agustino, sa pangunguna ni Fray Diego Vivar OrdoΓ±ez, sa mga katutubong Bulakenyo sa Kapilya ng Sta. Cruz sa Meyto, Calumpit noong 1572. Subalit inilipat at itinanghal ang imahe sa Kapilya ng Panducot, Calumpit. Noong 1913, nasunog ang Kapilya at napunta ang imahe sa mga Aglipay.

Noong ika-2 ng Pebrero 1996 ay itinanghal sa Bulwagan ng Bulacan Provincial Capitol ang imahe ng β€œOur Lady of the Lord’s Presentation”, sa kanya ring taguri bilang β€œIna ng Bulacan”, na pinagtibay sa Resolusyon Blg. 16 taon 1997 ng Sangguniang Panlalawigan ng Bulacan.

At noong ika-1 ng Pebrero 1999 ay natatag naman ang Our Lady of the Lord’s Presentation Quasi-Parish sa isang munting kapilya sa loob ng Maunlad Homes Subdivision, Mojon, City of Malolos.

Noong ika-1 ng Pebrero 2003 ay pinagtibay naman sa pamamagitan ng isang Dekreto ng Obispo Rolando J. Tria Tirona na ganap na Parokya ang Mahal na Birhen ng Presentasyon at taon-taon, tuwing ika-2 ng Pebrero ipinagdiriwang ng Parokya ang Dakilang Kapistahan ng Mahal na Birhen.

ππ€ππ€π‹π€ππ†πˆπ 𝐒𝐀 πŠπ€π‹πˆππˆπ’-π‹πˆππˆπ’π€ππ† ππ”π’πŽ 𝐍𝐆 πŒπ€π‡π€π‹ 𝐍𝐀 ππˆπ‘π‡π„ππ† πŒπ€π‘πˆπ€

O Birhen ng Presentasyon, kasama ni San Jose ay
naghandog sa sanggol na si Hesus sa templo bilang
pagsunod sa kautusan, ikinalulugod namin na
minarapat mong maging Ina ng lalawigan ng Bulacan,
at higit sa lahat, ng aming parokya.

Ikaw na huwaran ng pagsunod sa kalooban ng
Panginoon, akayin mo kami sa landas ng kabanalan,
upang sa bawat araw ng aming buhay ay piliin naming
sundin ang Panginoon sa pagsasalita, paggawa at
pag-iisip.

Turuan mo kaming ialay ang aming sarili nang buong
puso, may kababaang-loob at wagas na
pananampalataya para sa aming bansa, pamayanan,
simbahan at pamilya.

Gabayan mo kaming lahat at huwag mong itulot na
kami ay makagawa ng anumang ikalulumbay mo. Huwag
nawa kaming makalimot at mawalay sa iyong
pagkakandili at pagkupkop kailanman.

Kami ay iyo, Mahal na Birhen ng Presentasyon,
ipanalangin mo kaming lagi sa iyong Anak na si Hesus,
at ingatan mo kaming lahat na tagapamintuho mo.
Amen!

Mahal na Birhen ng Presentasyon, ipanalangin mo kami!






πŒπ€π‘πˆπ€π πˆπŒπ€π†π„ πŽπ… 𝐓𝐇𝐄 πƒπ€π˜ πŠπ€π‹πˆππˆπ’-π‹πˆππˆπ’π€ππ† ππ”π’πŽ 𝐍𝐈 πŒπ€π‘πˆπ€π‘ƒπ‘Žπ‘Ÿπ‘œπ‘˜π‘¦π‘Ž 𝑛𝑔 π‘šπ‘”π‘Ž π‘ƒπ‘’π‘ π‘œ π‘›π‘–π‘›π‘Ž 𝐻𝑒𝑠𝑒𝑠 π‘Žπ‘‘ π‘€π‘Žπ‘Ÿπ‘–π‘Žπ‘€π‘œπ‘—π‘œπ‘›, πΏπ‘’π‘›π‘”π‘ π‘œπ‘‘ 𝑛𝑔 π‘€π‘Žπ‘™π‘œπ‘™π‘œπ‘ , ...
25/05/2026

πŒπ€π‘πˆπ€π πˆπŒπ€π†π„ πŽπ… 𝐓𝐇𝐄 πƒπ€π˜

πŠπ€π‹πˆππˆπ’-π‹πˆππˆπ’π€ππ† ππ”π’πŽ 𝐍𝐈 πŒπ€π‘πˆπ€
π‘ƒπ‘Žπ‘Ÿπ‘œπ‘˜π‘¦π‘Ž 𝑛𝑔 π‘šπ‘”π‘Ž π‘ƒπ‘’π‘ π‘œ π‘›π‘–π‘›π‘Ž 𝐻𝑒𝑠𝑒𝑠 π‘Žπ‘‘ π‘€π‘Žπ‘Ÿπ‘–π‘Ž
π‘€π‘œπ‘—π‘œπ‘›, πΏπ‘’π‘›π‘”π‘ π‘œπ‘‘ 𝑛𝑔 π‘€π‘Žπ‘™π‘œπ‘™π‘œπ‘ , π΅π‘’π‘™π‘Žπ‘π‘Žπ‘›

KAPISTAHAN: π‘†π‘Žπ‘π‘Žπ‘‘π‘œ π‘šπ‘Žπ‘‘π‘Žπ‘π‘œπ‘  π‘Žπ‘›π‘” π·π‘Žπ‘˜π‘–π‘™π‘Žπ‘›π‘” πΎπ‘Žπ‘π‘–π‘ π‘‘π‘Žβ„Žπ‘Žπ‘› 𝑛𝑔 πΎπ‘Žπ‘šπ‘Žβ„Žπ‘Žπ‘™-π‘šπ‘Žβ„Žπ‘Žπ‘™π‘Žπ‘›π‘” π‘ƒπ‘’π‘ π‘œ 𝑛𝑖 𝐻𝑒𝑠𝑒𝑠

πŠπ€π’π€π˜π’π€π˜π€π 𝐍𝐆 πˆπŒπ€π‡π„π

Isa sa mga Pintakasi ng aming Parokya ay ang Kalinis-linisang Puso ni Maria β€” isang banal na paalaala ng dalisay na pag-ibig, malasakit, at mapagkalingang puso ng ating Mahal na Ina.

Kung babalikan natin ang kasaysayan ng aming Simbahan, ang debosyon sa mga Puso nina Hesus at Maria ang naging pintakasi ng pagkakatatag nito noong mga taong 1995. Sa panahong ito, naging laganap ang samahang "Alliance of the Twin Hearts," na masigasig na nanguna sa pagpapalaganap ng debosyon sa Banal na Puso ni Hesus at Kalinis-linisang Puso ni Maria.

Ang unang larawan ng ating patrona ay isang simpleng pinta lamang na ngayon ay matatagpuan sa harapan ng opisina ng ating Parokya bilang saksi sa mahabang kasaysayan ng pananampalataya ng komunidad. Samantala, ang imaheng Festejada na ginagamit tuwing kapistahan ay nasa pangangalaga ng Pamilya Gatchalian. Mayroon ding mga imaheng nananatili sa tahanan ng Hermano at sa ating santuwaryo β€” bilang tahimik na tagapakinig sa mga panalangin, hinaing, at pasasalamat ng mga mananampalataya.

Ang debosyon sa Kalinis-linisang Puso ni Maria ay sumasalamin sa buhay ng Mahal na Birheng Maria β€” ang kanyang mga misteryo, kabutihan, kababaang-loob, at ganap na pagmamahal sa Diyos. Higit sa lahat, ito ay larawan ng pagmamahal ng isang Ina sa kanyang mga anak: mapag-aruga, mapagpatawad, at laging handang umakay sa atin patungo sa kanyang Anak na si Hesukristo.

Sa bawat panalangin at paglapit natin sa kanya, nawa’y lagi nating alalahanin na mayroon tayong Inang handang makinig, umunawa, at magmahal sa atin sa lahat ng sandali ng ating buhay.

ππ€ππ€π‹π€ππ†πˆπ 𝐒𝐀 πŠπ€π‹πˆππˆπ’-π‹πˆππˆπ’π€ππ† ππ”π’πŽ 𝐍𝐆 πŒπ€π‡π€π‹ 𝐍𝐀 ππˆπ‘π‡π„ππ† πŒπ€π‘πˆπ€

Kalinis-linisang Puso ng Mahal na Birheng Maria, lingapin Mo kami ritong nasa lupa ay nagdurusa; yamang mula sa Kalbaryo, Ika’y naging aming Ina, ayon na rin sa Anak Mong sa amin ay nagpamana. Kaya Ikaw, Inang Birhen, ang mamagitan sa Kanya upang kami’y patawarin sa nagawang mga sala.

Kung sa aming kahinaan ay malimit na madapa, alalayan sana kami ng masuyo Mong kalinga; hipuin ang puso namin sa sandaling nanghihina, upang kami’y magkalakas sa pag-iwas sa masama; at lalo na, kapag kami ay papanaw na sa lupa, kupkupin Mong anak kami sa harapan ng Lumikha. Amen!

Kalinis-linisang Puso ni Maria, ipanalangin mo kami.






πŒπ€π‘πˆπ€π πˆπŒπ€π†π„ πŽπ… 𝐓𝐇𝐄 πƒπ€π˜ 𝐍𝐔𝐄𝐒𝐓𝐑𝐀 π’π„πΜƒπŽπ‘π€ 𝐃𝐄 𝐋𝐀 π€π’π”ππ‚πˆπŽππ‘ƒπ‘Žπ‘›π‘‘π‘–π‘¦π‘œπ‘ π‘’π‘ π‘–π‘  π‘›π‘Ž π·π‘Žπ‘šπ‘π‘Žπ‘›π‘Ž π‘Žπ‘‘ π‘ƒπ‘Žπ‘Ÿπ‘œπ‘˜π‘¦π‘Ž 𝑛𝑔 π‘π‘’π‘’π‘ π‘‘π‘Ÿπ‘Ž π‘†π‘’π‘›Μƒπ‘œπ‘Ÿπ‘Ž 𝑑𝑒 π‘™π‘Ž 𝐴𝑠𝑒𝑛𝑐𝑖...
25/05/2026

πŒπ€π‘πˆπ€π πˆπŒπ€π†π„ πŽπ… 𝐓𝐇𝐄 πƒπ€π˜

𝐍𝐔𝐄𝐒𝐓𝐑𝐀 π’π„πΜƒπŽπ‘π€ 𝐃𝐄 𝐋𝐀 π€π’π”ππ‚πˆπŽπ
π‘ƒπ‘Žπ‘›π‘‘π‘–π‘¦π‘œπ‘ π‘’π‘ π‘–π‘  π‘›π‘Ž π·π‘Žπ‘šπ‘π‘Žπ‘›π‘Ž π‘Žπ‘‘ π‘ƒπ‘Žπ‘Ÿπ‘œπ‘˜π‘¦π‘Ž 𝑛𝑔 π‘π‘’π‘’π‘ π‘‘π‘Ÿπ‘Ž π‘†π‘’π‘›Μƒπ‘œπ‘Ÿπ‘Ž 𝑑𝑒 π‘™π‘Ž π΄π‘ π‘’π‘›π‘π‘–π‘œΜπ‘›
π΅π‘’π‘™π‘Žπ‘˜π‘Žπ‘›, π΅π‘’π‘™π‘Žπ‘π‘Žπ‘›

KAPISTAHAN: π΄π‘”π‘œπ‘ π‘‘π‘œ 15
πŠπ€π’π€π˜π’π€π˜π€π 𝐍𝐆 πˆπŒπ€π‡π„π

Ang debosyon sa Mahal na Birheng Maria bilang Nuestra SeΓ±ora de la Asuncion sa bayan ng Bulakan ay nagsimula noong ika-16 na siglo sa pagdating ng mga misyonerong Agustino na nagpalaganap ng Kristiyanismo sa rehiyon. Noong 1578, opisyal na naging parokya ang bayan sa ilalim ng patronato ng La AsunciΓ³n de la Madre SantΓ­sima, at dito nagsimulang lumalim ang pananampalataya ng mga Bulakenyo sa Mahal na Birhen.

Ang unang imahen ng Asuncion ay ipinagkaloob ng mga Agustino ngunit nasira nang sunugin ng mga Briton ang simbahan noong ika-18 siglo. Pinalitan ito ng bagong imahen na kalaunang napunta sa pamilya Delgado y Alvir, subalit ito rin ay nawasak noong Digmaang Pilipino-Amerikano. Sa huling bahagi ng ika-19 na siglo, nagkaroon muli ng bagong imahen na pinaniniwalaang likha ni Maestro Isabelo Tampinco. Kasabay nito ay ginawa rin ang β€œPrimera Callejera” o β€œLa Morena.”

Nanatili ang imahen sa simbahan sa loob ng maraming dekada at naging sentro ng debosyon ng bayan. Noong 2013, pansamantalang ibinaba ang orihinal na imahen at pinalitan ng ivory image, ngunit dahil sa matinding panawagan ng mga deboto,
ibinalik ito sa kanyang dambana noong Setyembre 7, 2020 sa pamumuno ni Obispo Dennis C. Villarojo.

Noong Nobyembre 28, 2020, opisyal na itinalaga ang simbahan bilang Pang-diyosesis na Dambana ng Nuestra SeΓ±ora de la Asuncion at ginawaran ng Koronasyong Episkopal ang veneradang imahen bilang pagkilala sa malalim nitong ambag sa pananampalataya at kasaysayan ng Bulacan.

Sa loob ng mahigit apat na siglo, ang Mahal na Birhen ng Asuncion ay naging simbolo ng pananampalataya, pag-asa, at pagkakaisa ng mga Bulakenyoβ€”sakay ng kanilang kasaysayan, kultura, at buhay espiritwal.

ππ€ππ€π‹π€ππ†πˆπ 𝐒𝐀 𝐍𝐔𝐄𝐒𝐓𝐑𝐀 π’π„πΜƒπŽπ‘π€ 𝐃𝐄 𝐋𝐀 π€π’π”ππ‚πˆπŽπ

Ama naming makapangyarihan, sa Iyong kaningningan,
naakit ang Mahal na Birheng Maria. Sa tulong ng iyong
mga biyaya, namuhay Siyang kalinis-linisan at
karapat-dapat sa Iyong mga itinatda, kaya’t pinagpala Mo
Siyang iniakyat sa kalangitan taglay ang kaluluwa at
katawan.

Ibinigay Mo siya sa aming Ina at huwaran. Sa tulong ng
kanyang mga panalangin at sa pagsasaloob namin ng
mga bagay sa kaitaasan, pagindapatin Mong kami’y
mamuhay rin sa kalinisan at karapat-dapat sa Iyong mga
itinatakda at kaisa Niya’y magtamasa sa Iyong piling ng
kaningningang walang maliw sa pamamagitan ni
Hesukristo, kasama ng Espiritu Santo magpasawalang
hanggan. Amen.

Nuestra SeΓ±ora de la AsunciΓ³n, ipanalangin mo kami.






πŒπ€π‘πˆπ€π πˆπŒπ€π†π„ πŽπ… 𝐓𝐇𝐄 πƒπ€π˜ πŒπ€π‡π€π‹ 𝐍𝐀 ππˆπ‘π‡π„π 𝐍𝐆 ππ„ππ“π„πŠπŽπ’π“π„π’π‘ƒπ‘Žπ‘Ÿπ‘œπ‘˜π‘¦π‘Ž 𝑛𝑔 πΈπ‘ π‘π‘–π‘Ÿπ‘–π‘‘π‘’ π‘†π‘Žπ‘›π‘‘π‘œπ΄π‘™π‘–π‘‘π‘œ π»π‘’π‘–π‘”β„Žπ‘‘π‘  π‘†π‘’π‘π‘‘π‘–π‘£π‘–π‘ π‘–π‘œπ‘›, πΏπ‘’π‘›π‘”π‘ π‘œπ‘‘ 𝑛𝑔 π‘€π‘Žπ‘™...
23/05/2026

πŒπ€π‘πˆπ€π πˆπŒπ€π†π„ πŽπ… 𝐓𝐇𝐄 πƒπ€π˜

πŒπ€π‡π€π‹ 𝐍𝐀 ππˆπ‘π‡π„π 𝐍𝐆 ππ„ππ“π„πŠπŽπ’π“π„π’
π‘ƒπ‘Žπ‘Ÿπ‘œπ‘˜π‘¦π‘Ž 𝑛𝑔 πΈπ‘ π‘π‘–π‘Ÿπ‘–π‘‘π‘’ π‘†π‘Žπ‘›π‘‘π‘œ
π΄π‘™π‘–π‘‘π‘œ π»π‘’π‘–π‘”β„Žπ‘‘π‘  π‘†π‘’π‘π‘‘π‘–π‘£π‘–π‘ π‘–π‘œπ‘›, πΏπ‘’π‘›π‘”π‘ π‘œπ‘‘ 𝑛𝑔 π‘€π‘Žπ‘™π‘œπ‘™π‘œπ‘ 

KAPISTAHAN: πΌπ‘˜π‘Ž-π‘™π‘–π‘šπ‘Žπ‘šπ‘π‘’π‘›π‘” π‘Žπ‘Ÿπ‘Žπ‘€ π‘π‘Žπ‘”π‘˜π‘Žπ‘‘π‘Žπ‘π‘œπ‘  𝑛𝑔 π‘ƒπ‘Žπ‘ π‘˜π‘œ 𝑛𝑔 π‘ƒπ‘Žπ‘”π‘˜π‘Žπ‘π‘’β„Žπ‘Žπ‘¦

πŠπ€π’π€π˜π’π€π˜π€π 𝐍𝐆 πˆπŒπ€π‡π„π

Ang Mahal na Birhen ng Pentekostes ay isang debosyong nakaugat sa presensya ni Maria noong araw ng Pentekostes, kung saan kasama siya ng mga Apostol sa pananalangin habang hinihintay ang pagbaba ng Espiritu Santo, ayon sa Acts of the Apostles 1:14. Sa tradisyong Katoliko, kinikilala si Maria bilang Ina ng Simbahan sapagkat siya ay naging saksi at katuwang sa pagsisimula ng misyon ng Simbahan sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu Santo. Noong 1964, ipinahayag ni Pope Paul VI sa panahon ng Second Vatican Council si Maria bilang Mater Ecclesiae o Ina ng Simbahan, at noong 2018 naman ay itinalaga ni Pope Francis ang pagdiriwang ng β€œMary, Mother of the Church” tuwing Lunes matapos ang Pentekostes bilang pagkilala sa kanyang mahalagang papel sa buhay ng Simbahan. Bilang Mahal na Birhen ng Pentekostes, si Maria ay itinuturing na huwaran ng pananampalataya, pananalangin, at lubos na pagtitiwala sa Diyos, habang patuloy niyang ginagabayan ang mga mananampalataya bilang mapagmahal na Ina ng Simbahan.

ππ€ππ€π‹π€ππ†πˆπ 𝐒𝐀 πŒπ€π‡π€π‹ 𝐍𝐀 ππˆπ‘π‡π„π 𝐍𝐆 ππ„ππ“π„πŠπŽπ’π“π„π’

Minamahal na Birhen ng Pentecostes, aming buong pusong inaalay ang aming buhay sa iyo. Nawa ang aming debosyon sa iyo ay mapanatili kaming bukas at tanggapin ang Banal na Espiritu upang kami ay palaging magkaisa sa Iyong Anak.
Inilalaan namin ang aming mga isipan at puso sa iyo, upang kagaya mo, kami ay magiging mga tao ng pagdarasal at pagkilos, taimtim na tagapaglingkod ng Simbahan sa buong gawain ng pagpapahayag ng Mabuting Balita ng Diyos, at mga tapat na disipulo ni Hesus, inaalay namin ng buong pagpapakumbaba ang sa iyong kalooban.
Panatilihing mong maging malapit kami sa iyong mapagmahal na yakap bawat sandali ng aming buhay. Makamit nawa namin ang gantimpala ng walang hanggang kaligtasan, na ipinangako sa iyo at sa amin, para sa mga may buhay na napuno ng Banal na Espiritu. Amen.

Mahal na Birhen ng Pentekostes, ipanalangin mo kami!






πŒπ€π‘πˆπ€π πˆπŒπ€π†π„ πŽπ… 𝐓𝐇𝐄 πƒπ€π˜ π•πˆπ‘π†π„π 𝐃𝐄 𝐋𝐀𝐒 π…π‹πŽπ‘π„π’ 𝐃𝐄 ππ€ππ€π’π€π‡π€ππ‘ƒπ‘Žπ‘Ÿπ‘œπ‘˜π‘¦π‘Žπ‘›π‘– π‘†π‘Žπ‘› π½π‘œπ‘ π‘’ π‘€π‘Žπ‘›π‘”π‘”π‘Žπ‘”π‘Žπ‘€π‘Žπ‘ƒπ‘Žπ‘›π‘Žπ‘ π‘Žβ„Žπ‘Žπ‘›, πΏπ‘’π‘›π‘”π‘ π‘œπ‘‘ 𝑛𝑔 π‘€π‘Žπ‘™π‘œπ‘™π‘œπ‘ , 𝐡𝑒𝑙...
22/05/2026

πŒπ€π‘πˆπ€π πˆπŒπ€π†π„ πŽπ… 𝐓𝐇𝐄 πƒπ€π˜

π•πˆπ‘π†π„π 𝐃𝐄 𝐋𝐀𝐒 π…π‹πŽπ‘π„π’ 𝐃𝐄 𝐏𝐀𝐍𝐀𝐒𝐀𝐇𝐀𝐍
π‘ƒπ‘Žπ‘Ÿπ‘œπ‘˜π‘¦π‘Žπ‘›π‘– π‘†π‘Žπ‘› π½π‘œπ‘ π‘’ π‘€π‘Žπ‘›π‘”π‘”π‘Žπ‘”π‘Žπ‘€π‘Ž
π‘ƒπ‘Žπ‘›π‘Žπ‘ π‘Žβ„Žπ‘Žπ‘›, πΏπ‘’π‘›π‘”π‘ π‘œπ‘‘ 𝑛𝑔 π‘€π‘Žπ‘™π‘œπ‘™π‘œπ‘ , π΅π‘’π‘™π‘Žπ‘π‘Žπ‘›

KAPISTAHAN: πΌπ‘˜π‘Žπ‘™π‘Žπ‘€π‘Žπ‘›π‘” πΏπ‘–π‘›π‘”π‘”π‘œ 𝑛𝑔 π‘€π‘Žπ‘¦π‘œ

πŠπ€π’π€π˜π’π€π˜π€π 𝐍𝐆 πˆπŒπ€π‡π„π

Nagsimula noong dekada 1970 ang tradisyong kilala ngayon bilang Flores de Mayo sa Panasahan. Noong maliit pa lamang na bisita ang kasalukuyang parokya, ito ay tinatawag pang Santa Cruzan at pinangungunahan ng pamunuan ng kabataan at mga katiwala ng Mahal na Birhen. Sa pamamagitan ng sama-samang pagtutulungan, matagumpay nilang nairaos ang taunang pagdiriwang tuwing buwan ng Mayo bilang pagpaparangal kay Maria.

Bago pa man maging ganap na parokya ang Panasahan, napagkaisahan ng pamayanan na pagandahin at palawakin ang nakasanayang Santa Cruzan. Muling nagpagawa ng mas malaking imahen ng Mahal na Birhen at nagkaroon ng mga Hermana na magsisilbing pangunahing tagapagtaguyod ng pagdiriwang. Mula noon ay tinawag na itong Flores de Mayo, na kinatatampukan ng maringal na prusisyon, musiko, bulaklak, ilaw, kandila, at makukulay na pares ng binata at kadalagahan.

Sa loob ng mahigit limampung taon, nananatiling buhay ang Flores de Mayo sa Panasahan bilang isang mahalagang tradisyon ng pananampalataya at pagkakaisa. Hanggang sa kasalukuyan, patuloy itong ipinagdiriwang bilang pag-aalay ng debosyon at pagmamahal sa Mahal na Birheng Maria, na naging inspirasyon at pamana ng pananampalataya sa bawat salinlahi.

ππ€ππ€π‹π€ππ†πˆπ 𝐒𝐀 πŒπ€π‡π€π‹ 𝐍𝐀 π•πˆπ‘π†π„π 𝐃𝐄 𝐋𝐀𝐒 π…π‹πŽπ‘π„π’

O Virgen de las Flores, pinakatatangi sa lahat ng bulaklak na nilikha ng Diyos at halimbawa ng pagbubuklod, pakikiisa, at pagmimisyon. marapatin mo pong tulad ng mga talulot ng bulaklak na iniaalay namin sa iyo, kami ay magbuklod sa ilalim ng iyong pagtangkilik bilang sambayanan patungo kay kristo.

Tulad mo, maging bukas nawa kami sa pakikibahagi sa tawag ng iyong anak na makinig at tumupad sa Salita ng Diyos sa lahat ng pagkakataon.

Sa tulong ng iyong maka-inang pagkalinga, sundin nawa naming lagi ang iyong bilin: "Gawin ninyo ang anumang sabihin niya sa inyo". Upang buong sigasig naming tupdin ang misyon na makinig, mag-akayan, at magtulungan, bilang isang simbahang nagbubugklod sa iyong anak na si Hesus, na nabubuhay at naghaharing kasama ng Ama at ng Espiritu Santo, Diyos magpasawalang hanggan. Amen.

Virgen de las Flores de Panasahan,
ipanalangin mo kami!






Address

Malolos
3000

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Vicariate of Malolos - Commission on Social Communications posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share