Cor Devotum

Cor Devotum Religious Layouts

๐™ƒ๐™ช๐™ก๐™ฎ๐™ค 29 | ๐™๐™ž๐™š๐™จ๐™ฉ๐™– ๐™™๐™š ๐™‡๐™ค๐™จ ๐™ƒ๐™š๐™ง๐™ข๐™–๐™ฃ๐™ค๐™จ ๐™™๐™š ๐˜ฝ๐™š๐™ฉ๐™–๐™ฃ๐™ž๐™–๐™‹๐™–๐™ฃ๐™–๐™ก๐™–๐™ฃ๐™œ๐™ž๐™ฃ ๐™จ๐™– ๐™ˆ๐™–๐™œ๐™ ๐™–๐™ ๐™–๐™ฅ๐™–๐™ฉ๐™ž๐™™ ๐™ฃ๐™– ๐™๐™–๐™œ๐™– ๐˜ฝ๐™š๐™ฉ๐™–๐™ฃ๐™ž๐™– ( ๐™Ž๐™–๐™ฃ ๐™‡๐™–๐™ฏ๐™–๐™ง๐™ค, ๐™Ž๐™–๐™ฃ๐™ฉ๐™– ๐™ˆ๐™–๐™ง๐™ฉ๐™–, ๐™–๐™ฉ ๐™Ž๐™–๐™ฃ...
29/07/2025

๐™ƒ๐™ช๐™ก๐™ฎ๐™ค 29 | ๐™๐™ž๐™š๐™จ๐™ฉ๐™– ๐™™๐™š ๐™‡๐™ค๐™จ ๐™ƒ๐™š๐™ง๐™ข๐™–๐™ฃ๐™ค๐™จ ๐™™๐™š ๐˜ฝ๐™š๐™ฉ๐™–๐™ฃ๐™ž๐™–

๐™‹๐™–๐™ฃ๐™–๐™ก๐™–๐™ฃ๐™œ๐™ž๐™ฃ ๐™จ๐™– ๐™ˆ๐™–๐™œ๐™ ๐™–๐™ ๐™–๐™ฅ๐™–๐™ฉ๐™ž๐™™ ๐™ฃ๐™– ๐™๐™–๐™œ๐™– ๐˜ฝ๐™š๐™ฉ๐™–๐™ฃ๐™ž๐™– ( ๐™Ž๐™–๐™ฃ ๐™‡๐™–๐™ฏ๐™–๐™ง๐™ค, ๐™Ž๐™–๐™ฃ๐™ฉ๐™– ๐™ˆ๐™–๐™ง๐™ฉ๐™–, ๐™–๐™ฉ ๐™Ž๐™–๐™ฃ๐™ฉ๐™– ๐™ˆ๐™–๐™ง๐™ž๐™– ๐™™๐™š ๐˜ฝ๐™š๐™ฉ๐™–๐™ฃ๐™ž๐™– )

Amang Makapangyarihan,
kami poโ€™y dumudulog sa Inyong harapan sa pamamagitan nina San Lazaro, Santa Marta, at Santa Maria ng Betania โ€” mga huwaran ng pananampalataya, paglilingkod, at pananalangin.

Sa kanilang halimbawa, nawaโ€™y matutunan naming tanggapin si Kristo sa aming mga puso at tahanan. Ipagkaloob Mo po sa amin ang biyayang maging tapat sa aming bokasyon bilang mga alagad ng Iyong Anak.

๐™ˆ๐™–๐™œ๐™ ๐™–๐™ ๐™–๐™ฅ๐™–๐™ฉ๐™ž๐™™ ๐™ฃ๐™– ๐™๐™–๐™œ๐™– ๐˜ฝ๐™š๐™ฉ๐™–๐™ฃ๐™ž๐™–, ๐™„๐™ฅ๐™–๐™ฃ๐™–๐™ก๐™–๐™ฃ๐™œ๐™ž๐™ฃ ๐™ฃ๐™ž๐™ฃ๐™ฎ๐™ค ๐™ ๐™–๐™ข๐™ž.

Amen.

Ang imahen ng Magkakapatud na Taga Betania ay mula sa Bisita ng San Nicolas de Tolentino, Babatnin

Maraming salamat po, Santa Ana, La Niรฑa Maria, at San Joaquin, sa inyong dakilang patnubay at panalangin para sa amin, i...
27/07/2025

Maraming salamat po, Santa Ana, La Niรฑa Maria, at San Joaquin, sa inyong dakilang patnubay at panalangin para sa amin, inyong mga deboto. Sa gitna ng aming mga pagsubok, kayo po ang aming naging sandigan at huwaran ng pananampalataya, kababaang-loob, at matatag na pananalig sa Diyos. Sa inyong mga banal na halimbawa, kami ay naaalalang manalangin, maglingkod, at magmahal nang tapat ayon sa kalooban ng Ama. Dalangin po namin na patuloy ninyo kaming ipanalangin at gabayan sa aming araw-araw na pamumuhay, upang kami rin ay maging kasangkapan ng pag-ibig at kapayapaan ng Diyos. Mula sa aming mga pusoโ€”maraming, maraming salamat po.

๐™ƒ๐™š๐™ฎ ๐™๐™š๐™ฎ, ๐™ƒ๐™ค๐™ค๐™ง๐™–๐™ฎ!! ๐™‘๐™ž๐™ซ๐™– ๐˜ผ๐™ฅ๐™ค ๐˜ผ๐™ฃ๐™–!๐™ˆ๐™–๐™ก๐™ž๐™œ๐™–๐™ฎ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™†๐™–๐™ฅ๐™ž๐™จ๐™ฉ๐™–๐™๐™–๐™ฃ ๐™จ๐™– ๐™‹๐™–๐™ข๐™—๐™–๐™ฃ๐™จ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐˜ฟ๐™–๐™ข๐™—๐™–๐™ฃ๐™– ๐™–๐™ฉ ๐™‹๐™–๐™ง๐™ค๐™ ๐™ฎ๐™– ๐™ฃ๐™ž ๐™Ž๐™–๐™ฃ๐™ฉ๐™– ๐˜ผ๐™ฃ๐™– ๐™™๐™š ๐™ƒ๐™–๐™œ๐™ค๐™ฃ๐™ค๐™ฎ!Maulan man...
26/07/2025

๐™ƒ๐™š๐™ฎ ๐™๐™š๐™ฎ, ๐™ƒ๐™ค๐™ค๐™ง๐™–๐™ฎ!! ๐™‘๐™ž๐™ซ๐™– ๐˜ผ๐™ฅ๐™ค ๐˜ผ๐™ฃ๐™–!

๐™ˆ๐™–๐™ก๐™ž๐™œ๐™–๐™ฎ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™†๐™–๐™ฅ๐™ž๐™จ๐™ฉ๐™–๐™๐™–๐™ฃ ๐™จ๐™– ๐™‹๐™–๐™ข๐™—๐™–๐™ฃ๐™จ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐˜ฟ๐™–๐™ข๐™—๐™–๐™ฃ๐™– ๐™–๐™ฉ ๐™‹๐™–๐™ง๐™ค๐™ ๐™ฎ๐™– ๐™ฃ๐™ž ๐™Ž๐™–๐™ฃ๐™ฉ๐™– ๐˜ผ๐™ฃ๐™– ๐™™๐™š ๐™ƒ๐™–๐™œ๐™ค๐™ฃ๐™ค๐™ฎ!

Maulan man ang panahon at may bahang dala ng kalikasan, hindi ito hadlang sa pusong nagkakaisa sa pananampalataya.

Sa kabila ng unos, patuloy tayong nagdiriwang at nagpapasalamat sa panalangin at patnubay ng ating mahal na Patronang si Santa Ana. Nawaโ€™y pagpalain niya ang bawat pamilya at parokyano ng Hagonoy ng lakas, kaligtasan, at panibagong sigla sa paglilingkod.

๐™‘๐™ž๐™ซ๐™– ๐™Ž๐™–๐™ฃ๐™ฉ๐™– ๐˜ผ๐™ฃ๐™– ๐™™๐™š ๐™ƒ๐™–๐™œ๐™ค๐™ฃ๐™ค๐™ฎ!

๐™‹๐˜ผ๐™‚๐˜ฝ๐˜ผ๐™๐™„ ๐™Ž๐˜ผ : National Shrine and Parish of St. Anne - Social Communication

Maligayang Kapistahan ni Santiago Apostol de Quingua!Isang maalab na pagbati ng pananampalataya at kagalakan sa lahat ng...
25/07/2025

Maligayang Kapistahan ni Santiago Apostol de Quingua!

Isang maalab na pagbati ng pananampalataya at kagalakan sa lahat ng deboto at mamamayan ng Quingua sa pagdiriwang ng kapistahan ng inyong minamahal na patron, Santiago Apostol!

Nawaโ€™y patuloy kayong pagpalain ng ating mahal na patron na si Seรฑor Santiago โ€” ang matapang na tagapagtanggol ng pananampalataya, ang saksi ng katotohanan, at ang matapat na alagad ni Kristo. Sa kanyang inspirasyon, nawa'y maging matatag din tayo sa ating pananalig, maging handang tumugon sa tawag ng paglilingkod, at maging saksi ng pag-ibig ng Diyos sa ating kapwa.

ยกViva Seรฑor Santiago!

Pagbati sa : Parokya ni Santiago Apostol- Plaridel, Bulacan

Panalangin sa Panahon ng Kalamidad(San Nicolas de Tolentino, Santa Lucia de Namayan, Santa Lucia de Caliligawan, Mahal n...
24/07/2025

Panalangin sa Panahon ng Kalamidad
(San Nicolas de Tolentino, Santa Lucia de Namayan, Santa Lucia de Caliligawan, Mahal na Birhen Delos Remedios, at Mahal na Birhen Tala ng Karagatan)

Aming mapagmahal na Diyos, kami poโ€™y dumudulog sa Inyong habag sa oras ng panganib at kaguluhan. Sa gitna ng unos, baha, lindol, o anumang kalamidad, kamiโ€™y umaasa sa Inyong pagkalinga at pagtubos.

Sa tulong at panalangin ni San Nicolas de Tolentino, tagapagtanggol ng mga nagdurusa at tagapamagitan ng mga nangangailangan, ipagkaloob Mo sa amin ang kapanatagan ng loob at katatagan ng pananampalataya.

Sa pamamagitan ni Santa Lucia de Namayan at Santa Lucia de Caliligawan,isang martir ng liwanag at pananalig, liwanagan Mo po ang aming mga isip upang hindi kami magpadala sa takot at kawalan ng pag-asa.

Mahal na Birhen Delos Remedios, Ina ng saklolo, Ina ng kagalingan, kami poโ€™y humihingi ng Iyong mapagpalang pagkalinga. Ikaw po ang aming lunas at aliw sa oras ng pangangailangan.

At sa Inang Patrona ng buong Parokya, ang Mahal na Birhen Tala ng Karagatan, aming Ina sa gitna ng unos ng buhay, gabayan Mo po kami sa ligtas na daan. Tulungan Mo kaming marating ang baybayin ng kapayapaan at katiwasayan.

Kami po ay nagtitiwala sa Iyong masaganang habag, O Panginoon, at sa pamamagitan ng mga panalangin ng Iyong mga banal, kami ay humihiling ng kaligtasan, katatagan, at patuloy na pananalig.

Amen.

๐™ˆ๐™–๐™—๐™ช๐™๐™–๐™ฎ ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™–๐™ฉ๐™ž๐™ฃ ๐™‹๐™–๐™ฉ๐™ง๐™ค๐™ฃ๐™– ๐™ฃ๐™– ๐™จ๐™ž ๐™ˆ๐™–๐™ง๐™ž๐™– ๐™ˆ๐™–๐™œ๐™™๐™–๐™ก๐™š๐™ฃ๐™–๐ŸŽถ๐ŸŽตSi Santa Maria Magdalena ay isa sa mga tapat na tagasunod ni Hesus. Ayon...
22/07/2025

๐™ˆ๐™–๐™—๐™ช๐™๐™–๐™ฎ ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™–๐™ฉ๐™ž๐™ฃ ๐™‹๐™–๐™ฉ๐™ง๐™ค๐™ฃ๐™– ๐™ฃ๐™– ๐™จ๐™ž ๐™ˆ๐™–๐™ง๐™ž๐™– ๐™ˆ๐™–๐™œ๐™™๐™–๐™ก๐™š๐™ฃ๐™–๐ŸŽถ๐ŸŽต

Si Santa Maria Magdalena ay isa sa mga tapat na tagasunod ni Hesus. Ayon sa Ebanghelyo, siya ay pinalaya ni Hesus mula sa pitong masasamang espiritu (Lucas 8:2). Mula noon, buong puso siyang naglingkod at sumunod kay Hesus. Isa rin siya sa mga naroon sa ilalim ng krus noong ipinako si Hesus, at siya ang unang nakakita sa Muling Pagkabuhay ng Panginoon (Juan 20:11โ€“18), na siya ring ipinag-utos sa kanya na ipamalita sa mga alagad.

Maligayang Kapistahan ni Santa Maria Magdalena!
Ipagdiwang natin ang kanyang pananampalataya, tapang, at pagmamahal sa Panginoon. Nawa'y tularan natin ang kanyang debosyon sa ating sariling buhay pananampalataya.

Viva Santa Maria Magdalena!!

Pagbati sa Santuario Diocesano y Iglesia Parroquial de Santa Maria Magdalena

Address

Malolos
3000

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Cor Devotum posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share