14/05/2026
Mayo 15
PAGGUNITA KAY SAN ISIDRO MAGSASAKA (LABRADOR)
Panalangin para sa kahilingan kay San Isidro Labrador
Sa iyo po mahal naming pintakasi, San Isidro Labrador, nagpapasalamat kami sa mga biyayang aming natatangap araw-araw. Kagaya mo, gusto rin naming maging mapagpasalamat sa mga mumunting biyayang aming natatanggap at maibahagi ito sa iba. Sa aming pangangailangan, sa iyo kami ay tumatawag nang may buong pusong pananalig upang maihatid mo sa paanan ni Hesus ang aming samo at dalangin:
(banggitin ang personal na intensyon)
Sa iyong pag-aampon, kaming iyong mga giliw na kasama sa bukid ng Panginoon ay mag-ani rin nawa ng pagpapala sa aming buhay at, higit sa lahat, ng biyayang makalangit na magdadala sa amin sa kabanalan. Amen.
San Isidro Labrador, Ipanalangin mo kami!