08/12/2025
■ SJN SOCOM WAGI SA FAITH LENS 4
Matagumpay na nasungkit ng Social Communications Ministry (SOCOM) ng Parokya ni San Juan Nepomuceno (SJN) ang pitong gantimpala sa naganap na patimpalak sa maiiksing pelikula ng Office of the Media Affairs (AOC) ng Arkidiyosesis ng Maynila. Sa katatapos na pag-aanunsyo ng mga nanalo na ginanap noong Disyembre 6, 2025 sa Auditorium ng San Felipe Neri Catholic School ay ilang ulit na tinawag ang SOCOM ng SJN bilang nagwagi para sa kanilang lahok na pinamagatang "Walang Lamat".
Ang mga premyong naiuwi ay ang mga sumusunod:
★ Best Director
★ Best Cinematography
★ Best Technical Implementation
★ Best in Sound/Music
★ Best Scriptwriter
★ Best in Doctrinal Soundness
★ Best Video
Narito ang mga bumuo ng nanalong reel:
CAST:
Bata: John Caliber F. Alcantara
Lola: Charito A. Meres
Pari: Rev. Fr. John G. Barro
Parish Secretary: Maria Margarette B. Maquito
CREW:
Director, Cinematographer, & Editor: Gieo Marck E. Santos
Scriptwriter: Maria Margarette B. Maquito
Gaffer: Rolando S. Garcia
Production Assistants: Peps G. Badere & Charles Kendrick S. Trigo
Behind the Scenes Documentation: Viz B. Blancaflor
Ang isang minutong pagsasadula ng value plug na "Walang Lamat" ay tumatalakay sa pag-amin ng kasalanan, pagsisisi, at paghingi ng tawad na inilahad sa pamamagitan ng payak na kwento ng isang bata na nakabasag ng plorera. Ayon kay Margarette Maquito, na siyang nagsulat ng kwento, ay alay nila ito sa Mahal na Pintakasing San Juan Nepomuceno na siyang patron ng Sakramento ng Kumpisalan. Naging inspirasyon nila si San Juan upang makabuo ng makabuluhang salaysay. Ang SOCOM ng SJN ay nanguna sa sampung iba pang kalahok sa taong ito.
Hangarin ng SOCOM na maipahayag ang mga aral ng Panginoon at magbigay inspirasyon lalo na sa mga taga Malibay upang higit na lumalim ang pananampalataya. Muli, pagbati sa bumubuo ng SJN SOCOM.