07/12/2025
Balik tanaw 39 na taon na ang nakalilipas sa anibersaryo ng Koronasyong Kanonikal ng Mahal na Birhen ng Inmaculada Concepcion de Malabon.
Disyembre 7, 1986 - Araw ng linggo
Nag simula ang pagdiriwang sa maagang pagtugtog ng mga kampana at nagkaroon ng sunod-sunod na Misa mula sa madaling araw.
8:00 n.u. - Nag simulang dumating ang mga panauhin, Ang Kanyang Kabunyian Jaime Cardinal sin, D.D., Arsobispo ng Maynila at kinatawan ng Santo Papa sa Coronasyong Canonica, Obispo Manuel Sobreviรฑas, Episcopal Vicar ng Distrito ng Caloocan-Malabon-Navotas, Obispo Gabriel Reyes ng Distrito ng Pasay, Obispo Reginal Arlis, Episcopal Vicar para sa mga relihiyoso, Monsignor Severino Casas, Pro-Episcopal Vicar ng cal-ma-na at Kura paroko ng San Bartolome, Reberendo Padre Lorenzo Egos, Vicario Foraneo ng San Bartolome, at Kura paroko ng San Jose de Navotas, monsignor Moises Andrade, Reberendo Padre Reynaldo adalid, o.p, kura paroko Ng San Lorenzo dagat dagatan, monsignor antero sarmiento kura paroko Ng inmaculada concepcion, at nang iba pang panauhin mga Madre at semenarista, mga deligasyon Ng mga ibat iBang paaralan, at mga Banda Ng mosiko.
8:30 n.u. - nag simula Ang Misa concelebrada Ng cardinal kasama Ang mga Obispo at pari sa Misang ito ginawa Ang maringal na coronacion canonica. Pagkatapos Ng homiliya Ng cardinal binasa Ang sulat apostol Ng Santo papa na nagtakda Ng maringal na pag puputong Ng corona sa inmaculada concepcion de malabon. Nag palakpakan Ang mga tao tanda Ng pag sangayon at malaking pasasalamat. Binasbasan Ang koronang ginto na donasyon Ng yumaong Bb. Hermogena Diaz, at sya namang hawak hawak Ng unang ginang Ng malabon, gng. Conchita monroy oreta, at ni gng. Monina lucas, pangulo Ng lupong pastoral Ng parokya. Binasbasan Ang bagong ar**la na hawak ni Dra. Pura Gonzales, na sya namang nag pagawa nito. Umakyat Ang cardinal sa tabi Ng imahen, pinutong Ang korona at ar**la, muling nag palakpakan Ang mga tao, samantalang tumutugtog Ang Banda Ng ALLELUIA ni handel, maraming tao sa loob at labas Ng simbahan Ang naluha sa malaking kagalakan. Humalik Ang cardinal sa imahen, Ganon din ang mga Obispo at pari, samantalang walang patid Ang masayang pag tugtog Ng mga kampana. Inawit Ang salve Regina at inensensohan Ang banal na larawan.
Pagkatapos Ng Misa ginawa Ang PARADA NG BAYAN. Bilang parangal sa mahal na birhen. Ito Ang pinaka makulay, pinaka mahaba at maringal na parada na nasaksihan sa malabon, pagkatapos Ng prusisyon Isang masayang salo salo Ang naganap sa simbahan.
๐ท: sentenaryo'86
(Book custody of SJTMS-MAS)