03/03/2025
Ika-8 Linggo ng Karaniwang Panahonโฆ Huling Linggo Bago Pumasok ang Panahon ng Kuaresma.
Ang ating mga pagbasa sa Ikawalong linggo ng karaniwang panahon ay nagbukas kung ano ang ating ipinagdiriwang. Ang banal na Eukaristiya ay isang pasasalamat sa lahat ng ating mga natanngap at matatanggap lalo na ngayong unang linggo ng Marso. Ang pasasalamat ay hindi lamang sa mga bagay-bagay na dumarating sa ating buhayโ mula sa unang pagbasa hanggang sa ating Ebanghelyo tayo ay hinahamon na magpasalamat tayo dahil tinutulungan tayo ng ating Simbahan na makita natin ang ating sarili, malaman natin kung sino tayo at mapakilos tayo na magbago kung saan papasok tayo sa panahon ng Kuaresma na magsisimula sa araw ng Miyerkules.
Sa ating Ebanghelyo ayon kay San Lukas, napakaganda ng kanyang paglalarawan patungkol kung papaano natin lalong makikilala ang ating sarili.
Una, โMaaari bang maging tagaakay ng bulag ang isa ring bulag? Kapwa sila mahuhulog sa hukay kapag ginawa ang gayun. โ Bilang mga tagasunod ni Kristo, tayoโy kanyang hinahamon na kilalanin nating mabuti ang ating sarili, kilalanin natin ang ating mga nakakasama dahil kung itoโy nagpapalayo sa ating relasyon sa ating Panginoon tayoโy walang mapupuntahan. Ang pagiging bulag sa sarili at pagiging bulag sa labas ay isang kadiliman na kailangan nating kumawala sapagkat tayo ay walang magagawa at hindi natin maihahatid ang ibang tao kay Kristo. Ano ang dapat nating gawin? Alisin mo muna ang tahila sa iyong mata, at makakikita kang mabuti; sa gayoโy maaalis mo ang puwing ng iyong kapatid.โ Sinasabi sa atin na una muna tayong tumingin sa ating sarili, tanggapin na tayoโy hindi perpekto at mahina bago natin itama ang kamalian ng iba.
Ikalawa, โWalang mabuting punongkahoy na namumunga ng masama, at walang masamang punongkahoy na namumunga ng mabuti. Nakikilala ang bawat punongkahay sa pamamagitan ng kanyang bunga.โ Ipinapaliwanag sa atin na ang ating mga gawa ay sumasalamin kung paano natin binubuksan ang ating sarili sa ibang tao. Kung ang ating panalangin at gawa ay nagtutugma sa kabutihan tayo ay na kay Kristo; kung ang resulta ay masama tayo ay nasa masama.
Sa ating pagdiriwang, tayo ay hinahanda na aminin natin ang ating mga pagkakasala ng sabay-sabay upang maging totoo tayo sa ating pananamapalataya na namatay si Kristo, nabuhay si Kristo at babalik sa Kristo sa takdang panahon na ating inaantay at pinapasalamat dahil alam natin na ang pangako sa atin ng Panginoon ay matutupad. Amen.
Last