Mahal na Apo Señor de Malabon

Mahal na Apo Señor de Malabon Kami po ang mga Debotong Mula sa Malabon ang aming Kapatiran ay ALAGAD NG YAPAK NG P**NG HESUS NAZARENO. Itinatag Since 2003

Ang Pagmamahal sa Panginoon, Ay pagmamahal sa Kapwa

11/04/2025

VIERNES DE DOLORES

Dugo ni Kristo na tanging bukal ng kapatawaran, Iligtas mo kami.Dugo ni Kristo na inumin sa Eukaristiya pampasigla sa ka...
12/03/2024

Dugo ni Kristo na tanging bukal ng kapatawaran, Iligtas mo kami.

Dugo ni Kristo na inumin sa Eukaristiya pampasigla sa kaluluwa, Iligtas mo kami.

Dugo ni Kristo na batis ng kaawaan, Iligtas mo kami.

Dugo ni Kristo na nagtagumpay laban sa demonyo, Iligtas mo kami.

Dugo ni Kristo na nagpapatapang sa mga martir, Iligtas mo kami.

Dugo ni Kristo na nagpapalakas sa mga kumpesor, Iligtas mo kami.

Dugo ni Kristo na nagpapasilang sa mga birhen, Iligtas mo kami.

Dugo ni Kristo na kapayapaan at katamisan ng mga puso, Iligtas mo kami.

Dugo ni Kristo na katiyakan ng buhay na walang hanggan, Iligtas mo kami.

Dugo ni Kristo na humahango ng mga kaluluwa sa purgatoryo, Iligtas mo kami.

Dugo ni Kristo na karapat-dapat sa lahat ng luwalhati at dangal, Iligtas mo kami.

Kordero ng Diyos na nakakawala ng mga kasalanan ng sanlibutan,
Patawarin mo po kami Panginoon.

Kordero ng Diyos na nakawawala ng kasalanan ng sandaig-digan,
Pakapakinggan mo po kami Panginoon.

Kordero ng Diyos na nakawawala ng kasalanan ng santinakpan,
Maawa ka po sa amin.

*Sa iyong dugo Panginoon, tinubos mo kami.

At ginawa mo kaming kaharian ng aming Diyos.

Mahal na Apo Señor Sepulcro,
Kaawaan mo kami...

07/03/2024
07/03/2024
07/03/2024
Ang kwento ng Ahas at ng AlitaptapIsang araw, nakita ng ahas si alitaptap na nagliliwanag sa dilim. Walang sabi sabi, bi...
06/03/2024

Ang kwento ng Ahas at ng Alitaptap

Isang araw, nakita ng ahas si alitaptap na nagliliwanag sa dilim. Walang sabi sabi, biglang hinabol ng ahas si alitaptap. Naghabulan sila hanggang sa mapagod na si alitaptap at bumagsak sya sa harapan ng ahas. Pero bago sya kainin ng ahas, kinausap nya ito habang umiiyak.

Alitaptap: "ginoong ahas, kabilang ba ako sa mga pagkaing kinakain nyo araw araw?"
Ahas: "hindi".
Alitaptap: "gutom ka ba?"
Ahas: "Hindi rin."
Alitaptap: "eh bakit nais mo akong kainin?"
Ahas: "Dahil naiirita ako sa ilaw mo. Ayokong makitang nagniningning ka."

Sa buhay, may mga tao na naiinis sa pag-asenso ng iba... Nagiging ahas ang kanilang ugali dahil ayaw nila na sila ay nalalamangan..

Kung ikaw ay nagniningning, asahan mo, may mga ugaling ahas na gustong tapusin ang liwanag mo... Kaya dapat tayong magingat sa mga taong pinagkakatiwalaan natin. Dapat marunong tayong ihandle ang ganitong klase ng tao.. Wag tayong papatalo sa kanila. Pagningningin pa natin lalo ang ating kinabukasan.

Ctto
📸: SRA

01/03/2024

Masaya at Masarap maging Hardinero sa PASYONG MAHAL NG P**NG HESUS NAZARENO 🙏

🙏🙏🙏
25/02/2024

🙏🙏🙏

PANALANGIN PARA GUMALING ANG MGA MAY SAKIT. 🙏+Sa Ngalan ng AMA, at ng ANAK, at ng ESPIRITU SANTO, Amen. Panginoong Hesus...
25/02/2024

PANALANGIN PARA GUMALING ANG MGA MAY SAKIT. 🙏

+Sa Ngalan ng AMA, at ng ANAK, at ng ESPIRITU SANTO, Amen.

Panginoong Hesus, aming Tagapagpagaling at Tagapagligtas, kami po ay lumalapit sa Iyo ngayon upang humingi ng tulong at grasya. Hilumin Mo po sana ang lahat ng pinahihirapan ng sakit at karamdaman. Pagkalooban Mo po sila ng panibagong lakas pang-katawan at pang-espiritwal. Amen.




Mga Intensyon;- Para sa mga kahilingan ng Papa Francisco.- Para sa espesyal na kahilingan ng lahat.- Para sa Kagalingan ...
15/04/2022

Mga Intensyon;
- Para sa mga kahilingan ng Papa Francisco.
- Para sa espesyal na kahilingan ng lahat.
- Para sa Kagalingan ng mga may-sakit.
- Para sa mga nasalanta ng bagyo sa Visaya at Leyte.
- Para sa Kapayapaan ng buong daigdig.
- Para sa lahat ng mga kaluluwa sa purgatoryo at sa wala ng naka-alala.

PANALANGIN SA MAHAL NA P**N APO SEÑOR SANTO SEPULCRO.

O Hesus sa pagkakasala ng tao, Ikaw ay isinugo ng Diyos Amang puspos na awa at pagmamahal upang tubusin ang Sangkatauhan sa pagkakalugmok sa kasalanan. Sinasamba at pinasasalamatan Ka namin.

Ngayon kami ay tigib ng hapis dito sa lupa, habang pinagninilayan ang mga sandaling Ikaw ay nakahimlay sa Iyong banal na libingan at alang-alang sa paghihirap na Iyong tiniis at sa mga biyayang tianmo Mo para sa aming kaligtasan, dumudulog kami sa Iyo na ipagkaloob Mo ang aming pinakamimithing grasya sa mga Oras na Ito. (Sambitin ang Kahilingan…)

Ipagkaloob Mo Panginoong Hesukristo, na tulad Mo, kami ay patuloy na maging bukas na sa kalooban ng Diyos Amang nasa Langit. Magkaroon ng kababaang loob sa Oras ng kahinaan at pagkakasala, upang patakbo at puno ng pagsisisi kami ay buong pusong magbalik loob sa Iyo, mabuhay ng may di matitinag na pananampalataya at pag-asa, may pagmamahal at paghahangad na maglingkod at mag-alay ng sarili sa aming kapwa gaya ng ginawa Mo sa amin.

Nagsusumamo kami, Panginoong Hesus na nakahimlay sa banal na libingan, na sa pagsapit ng sandali ng katapusan n gaming buhay ditto sa lupa, matamo nawa naming sa Langit Mong tahanan ang bunga ng Iyong ginawang pagliligtas, sapagkat Ikaw ay Diyos na nabuhay na mag-uli at ngayo'y naghahari sa Iyong kaluwalhatian kasama ng Espiritu Santo at ng mga banal sa kalangitan, magpasawalang hanggan. AMEN.

Address

Malabon City

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Mahal na Apo Señor de Malabon posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share