12/09/2024
Ang tunay na pamayanan ng Maylikha ay nasasa-atin. Sa atin nananahan ang Maylikha. Hindi ito isang lugar o istruktura na madalas inilalarawan sa mga pelikula, libro o vlog.
Ayon sa Mabuting Balita ayon kay Juan, sinabi rin ni Hesus sa babaeng Samaritana na umiigib sa balon, “Woman, believe me, the hour is coming when you will worship the Parent-God neither on this mountain nor in Jerusalem....23 But the hour is coming and is now here when the true worshipers will worship the Parent-God in spirit and truth, for the Parent-God seeks such as these to worship him. 24 God is spirit, and those who worship him must worship in spirit and truth.”
Ayon sa tradisyon ng mga Krisityanong Eastern Orthodox, siya ay ginagalang bilang isang banal na nagngangalang na Photine (Φωτεινή), meaning "luminous [one]". Sa tradisyun naman ng mga Katoliko, ayon sa mga lumang edisyon ng the Roman Martyrology, siya ay isang martyr na nagngangalang Photina ng Samaria noong ika-20 ng Marso, na tinutukoy ng mga komentarista na "babae sa balon".
Ang tahanan ng Maylikha ay nasasa atin. Kaya kung gusto natin na mas makilala pa Siya, bigyang pansin natin ang ating kaisipan, puso, damdamin at maging sensitibo rin sa ating kapwa.