15/08/2017
Friend, mahilig ka ba magpunta sa coffeeshop? Nakatikim ka na rin ba ng CAPPUCCINO? Ever wonder why that is the name?
Ang timpla ng cappuccino ay naimbento ni Blessed Mark of Aviano noong 1683. Noong panahong iyon, pinangunahan ni Blessed Mark ang mga Katoliko at Protestante sa Battle of Viena laban sa mga aatakeng mga Turks. Matapos ang labanan, sinasabing marami umanong naiwang kape ang mga Turks pero sobrang pait nito kaya naman si Blessed Mark at ang mga taga-Viena ay gumawa ng paraan upang bawasan ang pait: nilagyan nila ito ng whipped cream at ilan pang spices. Ang kinalabasan ay color Brown na creamy na kape. At dahil nga Brown ang kulay nito na kakulay ng Habit ng minamahal nilang Friar (si Blessed Mark ay mula sa Franciscan Capuchins) pinangalanan nila ang kapeng ito na "Cappuccino". Noong 2003, si Mark of Aviano ay pormal na idineklarang "Blessed" ni St John Paul II.
Tag mo naman yung friend mong mahilig sa Capuccino! Malay mo ilibre ka pa nyan ;)
For more readings on Church History visit https://stpauls.ph/products/?q=church+history