Kamusta ang BP mo?

Kamusta ang BP mo? Stay connected to God ministry by Ptr. Arnold Dumalagan

08/08/2023
Good evening. Ito na po ang devotional booklet natin at dumating na galing Baguio. Ready na for distribution. Good po it...
09/06/2023

Good evening. Ito na po ang devotional booklet natin at dumating na galing Baguio. Ready na for distribution. Good po ito para sa inyong quiet time at sharing sa mga care group po ninyo. For your orders and inquiry. Call or text 09277631798. Salamat po

01/03/2022

Our 6pm Devotion Facebook live streaming will be posted here on my page: Kamusta Ang BP mo?

Please like this page and follow so you will be notified once I go live. Thank you.

Mga puntos sa pag unawa ng Banal na Kasulatan.Ang pangunawa sa kahulugan ng Kasulatan ay isa sa pinakamahalagang gawain ...
24/10/2021

Mga puntos sa pag unawa ng Banal na Kasulatan.

Ang pangunawa sa kahulugan ng Kasulatan ay isa sa pinakamahalagang gawain ng isang mananampalataya sa buhay na ito. Hindi sinasabi sa atin ng Diyos na sapat nang basahin lang natin ang Bibliya. Dapat din nating pag-aralan ito, pangalagaan at unawain ito ng tama. Isang kapuri-puring gawain ang pag-aaral ng Bibliya. Ang madaliang pagbabasa sa Bibliya ay kadalasang dahilan ng maling pagkaunawa sa ibig sabihin ng Diyos. Samakatwid, mahalagang maunawaan ang ilang mga prinsipyo kung papaano mauunawaan ang tamang kahulugan ng Bibliya.

1. Hilingin sa Banal na Espiritu na bigyan ka ng pang-unawa sa pamamagitan ng panalangin. Sinasabi sa Juan 16: 13, “Gayon ma'y kung siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan niya kayo sa buong katotohanan: sapagka't hindi siya magsasalita ng mula sa kaniyang sarili; kundi ang anumang bagay na kaniyang marinig, ang mga ito ang kaniyang sasalitain: at kaniyang ipahahayag sa inyo ang mga bagay na magsisidating.” Sinabi ni Hesus sa Juan 16, ang tungkol sa pagdating at gawain ng Banal na Espiritu (ang Banal na Espiritu ay dumating noong Pentecostes, Mga Gawa 2), na gagabayan Niya sila sa lahat ng katotohanan. Kagaya ng pag-gabay ng Banal na Espiritu sa mga Apostol sa pagsulat sa Bagong Tipan, gagabayan rin Niya tayo para maunawaan natin ang Kasulatan. Alalahanin natin na ang Bibliya ay ang Salita ng Diyos, at kinakailangan natin Siyang tanungin kung ano ang ibig sabihin nito. Kung ikaw ay isang Kristiyano, ang Banal na Espiritu na Siyang sumulat sa Kasulatan ay nananahan sa iyo at nais Niyang maunawaan mo kung ano ang Kanyang isinulat.

2. Huwag kumuha ng Kasulatan mula sa mga talata na kasama ng isang kabanata at ipalagay na ang kahulugan ng nasabing talata ay walang kaugnayan sa mga katabi nitong mga talata. Nararapat na palagi mong basahin ang kasamang mga talata at kabanata, at unawain ang layunin ng naturang aklat ng Bibliya. Sa kabila na ang lahat ng Kasulatan ay nanggaling sa Diyos (2 Timoteo 3:16; 2 Pedro 1:21), ginamit ng Diyos ang tao upang isulat ito. Ang mga taong ito ay may mga paksa na nasa isip, may layunin sa pagsulat, isang partikular na isyu o mga isyu na kanilang tinutugunan na siyang dahilan kung bakit nila isinulat ang isang aklat sa Bibliya. Basahin ang pinagmulan ng aklat sa Bibliya na iyong pinag-aaralan upang malaman mo kung sino ang sumulat ng aklat, para kanino ito isinulat, kailan ito isinulat, at kung bakit ito isinulat. Pagkatapos basahin ang mga kabanata na nakasulat bago ang mga talatang iyong pinag-aaralan upang maunawaan mo kung ano nga ba ang paksa ng taong may-akda nito. Dapat ding mag-ingat at hayaang ang mga nakasulat ang siyang magpaliwanag sa kanyang sarili. Minsan ang ibang tao ang siyang nagbibigay ng kanilang sariling kahulugan sa mga salita upang makuha nila ang interpretasyon na gusto nilang ipakahulugan ng mga talata.

3. Huwag tangkaing magsarili sa iyong pag-aaral sa Bibliya. Napaka-aroganteng isipin na wala kang makukuhang kaalaman sa mga taong ginugol ang kanilang buong buhay sa pagaaral ng Bibliya. May mga tao na binabasa ang Bibliya taglay ang pangangatuwiran na sapat ng magtiwala lamang sila sa Banal na Espiritu at mauunawaan na nila ang nakatagong katotohanan sa Kasulatan. Ng ipagkaloob ni Kristo ang Banal na Espiritu sa mga mananampalataya, ibinigay din Niya ang mga Espiritwal na kaloob sa Kanyang Iglesia. Ang isa sa mga Espiritwal na kaloob na ito ay ang pagtuturo (Efeso 4:11-12; 1 Corinto 12:28). Ang mga gurong ito ay ibinigay ng Diyos sa Kanyang Iglesia upang matulungan tayong maunawaan at masunod ang Kasulatan. Lagi ng isang matalinong desisyon ang pag-aaral ng Bibliya kasama ang ibang mga mananampalataya, na nagtutulungan sa bawat isa sa pag-unawa at pagsasapamuhay ng katotohanan ng Salita ng Diyos.

Stay connected prayer ministries.
For prayers, counselling
& donations for charity.
gcash # 09277631798

Huwag maging alipin ng salapi.Nagsalita ang salapi.Hinahawakan mo ako sa iyong mga kamay at inuusal na ako'y iyo; subali...
22/10/2021

Huwag maging alipin ng salapi.

Nagsalita ang salapi.

Hinahawakan mo ako sa iyong mga kamay at inuusal na ako'y iyo; subalit hindi ba sa katotohanan, ako ang makapagsasabi na ikaw ay akin? Tinignan mo kung gaano kadali kitang napapagalaw. Upang ako lamang ay mapasa iyo, halos maari kayong magpatayan.

Para sa iyo, ako ay kasing halaga ng tubig; kapag wala na ako, mamamatay ang mga tao at institusyon. Subalit sa katotohanan, hindi ko hawak ang buhay para sa kanila. Wala akong kakayahan kung hindi tatakan ang iyong pagnanais. Hindi ako makakapunta saanman kung hindi mo papupuntahin. Dahil sa akin, nag aaway-away ang mga tao, ginagawa ang lahat ng paglalamangan.

Subalit, ako ay inilaan na maglingkod sa mga mahihirap, makatulong upang mabigyan ng edukasyon para sa kaisipan, sa ikabubuti ng bansa at pamayanan. Ang kailangan lamang ay matutuhan ninyo ang maingat at matalinong paghawak sa akin upang ako ay maging alipin sa halip na ako ang umalipin sa inyo.

Nakikiusap, SALAPI

Ayan ang mahalagang matutuhan. Ang salapi ay hindi masama. Subalit kadalasan, Ito ay malaking hadlang sa tao upang maging malapit sa Diyos. Huwag maging alipin ng salapi. Gamitin natin ang salapi sa pagtulong sa kapwa para sa ikaluluwalhati ng Diyos.

Stay connected prayer ministries.
For prayers, counselling
& donations for charity.
gcash # 09277631798

Panalangin para sa handogAma sa Langit, ngayon dinala namin ang aming mga handog na pinaka mabuti sa aming kinikita at s...
21/10/2021

Panalangin para sa handog

Ama sa Langit, ngayon dinala namin ang aming mga handog na pinaka mabuti sa aming kinikita at sa aming produksyon.
Inihiwalay namin ang isang bahagi ng aming mga kinikita, sa proporsyon kung saan mo kami pinaunlad.

Tumingin nang may kasiyahan kung ano ang inaalok namin sa iyo sa araw na ito. Nangako kami sa aming mga labi na maglilingkod kami sa iyo, kaya kusang-loob kaming nagdadala sa iyo ng aming mga handog.
Naunawaan namin na ito ay isang sagradong sandali sa harap mo, at itinuturing namin nang may paggalang ang naihatid namin ngayon.

Diyos, binibigyan namin sa Iyo ang kaluwalhatian dahil sa iyong pangalan; Iyon ang dahilan kung bakit nagdadala kami ng mga handog na ito.

Salamat sa pagpapadalisay at paglilinis ng aming buhay, dahil ngayon naiintindihan namin na ang mga handog na ito ay inaalok sa katarungan sa iyong kadakilaan at iyong soberanya.

Nawa ang pagpapakita ng aming pagsamba ay maging kaaya-aya sa iyo.
Nagbibigay kami ng kaluwalhatian dahil sa iyong pangalan habang nagdadala kami ng aming mga handog sa iyong harapan, tanggapin mo ngayon ang aming pagsamba sa pag ambag ng mula sa aming puso.

Sa ngalan ni Jesus, amen.

Stay connected prayer ministries.
For prayers, counselling
& donations for charity.
gcash # 09277631798

20/10/2021

Huwag mong itago ang mabuti sa kanila na nararapat, kapag nasa kapangyarihan ng iyong kamay na gawin ito.(Kawikaan 3:27)

"Dahil sa inyong pagbibigay,hindi lamang ninyo tinutugunan ang pangangailangan, kundi dahilan din ito ng pasasalamat sa ...
18/10/2021

"Dahil sa inyong pagbibigay,hindi lamang ninyo tinutugunan ang pangangailangan, kundi dahilan din ito ng pasasalamat sa Dios."

18/10/2021

"Pasasaganain niya kayo sa lahat ng bagay upang mas marami ang inyong matulungan. Sa gayon, lalong darami ang magpapasalamat sa Diyos." (2 Corinto 9:11)

18/10/2021

Ang pagiging relihiyoso na dalisay sa harap ng Diyos ay ang pagtulong sa mga mahihirap, at pag-iingat sa sarili na huwag mahawa sa kasamaan.(Santiago 1:27)

Address

LUZON
Luzon
1213

Telephone

+639277631798

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Kamusta ang BP mo? posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Place Of Worship

Send a message to Kamusta ang BP mo?:

Share