01/11/2022
๐ผ๐๐ ๐๐ผ๐๐๐ผ๐๐ผ๐๐ฝ๐ผ ๐๐ ๐ฟ๐๐๐๐ผ, ๐๐๐๐๐๐ฟ๐๐๐๐ผ, ๐๐๐๐๐๐ฟ๐๐๐๐ผ ๐๐ฉ ๐ฃ๐ ๐๐ผ๐๐๐๐ผ?
Sa araw na ito ay ipinagdiriwang natin ang dakilang kapistahan ng mga banal. Madalas, inaakusahan tayo ng ibang sekta na sinasamba raw natin ang mga Santo at ang Birheng Maria. Ngunit lingid sa kanilang kaalaman, may apat na terminolohiya tayong mga katoliko na siyang ating pinanghahawakan, at ang apat na ito ay magkakaiba ang kahuluganโang dulia, protodulia, hyperdulia at Latria.
โข Ang ๐ฟ๐๐๐๐ผ ay isang pagkilala at pagrespeto sa mga Santong namuhay sa kagustuhan ng Diyos;
โข Ang ๐๐๐๐๐๐ฟ๐๐๐๐ผ naman ang tawag sa pagbibigay respeto kay San Jose;
โข Ang ikatlo namang terminolohiya, ang ๐๐๐๐๐๐ฟ๐๐๐๐ผ, ay siyang tawag sa pagbibigay ng mataas na respeto sa Ina ng Diyos;
โข Ang panghuli, ang ๐๐ผ๐๐๐๐ผ, ito naman ang tawag sa paraan ng paggalang sa natatanging sinasamba ng mga katolikoโang Diyos.
Ngunit paano nga ba natin ito maipapaliwanag sa kanila nang maayos?
Gamitin natin ang lohika tungkol sa binatang manliligaw upang mas maintidihan ito ng ilan sa atin:
Sabi nila, kapag raw nanliligaw ang isang binata, hindi lamang dapat ang dalagang kanyang iniirog ang kanyang pinapakitaan ng respeto at pagmamahal, kundi pati na rin ang mga taong malapit sa dalaga na nais niyang mapasagot ng oo; madalas ring humingi ng tulong ang binatang manliligaw sa mga malalapit sa dalaga. Gaya na lamang sa mga kaibigan o kapatid nito, pati na rin ang ama, at lalo na ang kanyang Ina. Sa paggalang sa mga taong malapit sa babaeng nililigawan, maipapakitang tunay nga ang intensyon ng isang binata.
Iyan ang lohika sa pananampalataya ng mga katoliko. Upang malaman na tunay nga ang intensyon ng isang mananampalataya, nararapat lamang na marunong din itong gumalang o rumespeto sa mga malalapit sa Diyos lalo na yaong mga namuhay alinsunod sa kanyang kagustuhan, gaya na lamang ni San Jose na walang pakundangang tinanggap ang pagbubuntis ng kanyang kabiyak na si Maria; gaya rin ng mga santong nagbuwis ng buhay para maipalaganap ang Salita ng Diyos at gaya rin ni Maria na siyang nagdala kay Jesus sa kanyang sinapupunan.
Ngunit ang tanong, sinasamba ba natin sila gaya ng pagsambang ginagawa natin sa Panginoon?
Hindi, sapagkat nirerespeto lamang natin ang mga ito at kinikilala sa kabanalang ipinakita sa ating lahat upang maging instrumento sa mga taong nabubuhay pa, 'pagkat gaya ng ilang mga santo na may masamang nakaraan, maari rin tayong magbago at magbalik-loob sa kasalukuyan. At iyan ay maari nating matutunan kay Maria, kay San Jose at sa mga santo kung paano sila namuhay sa mundo.
Credits:
๐ท Pinterest