23/08/2021
KAINAMAN NG MGA BALIK-ISLAM
1. Sa oras ng pagbigkas mo ng Shahadatayn ay nabura lahat-lahat ang iyong mga nakaraang kasalanan. Walang matitira rito ni isa.
2. Ang mga nagawa mong kasalanan noong hindi ka pa Muslim ay papalitan ni Allah ng mga kabutihan. Ito ay dahil sa iyong pagbabalik-loob sa Kanya.
3. Sa simula ng iyong pagyakap sa Islam, ang iyong bawat mabuting nagagawa ay may dobleng gantimpala.
4. Tandaan mo na ang mga naunang tagasunod at sumuporta sa mga Propeta alayhimus salam ay mga balik-Islam at hindi mga born Muslim. Lalo na ang mga Sahabah radiyallahu anhum.
5. Ang pagyakap ng isang balik-Islam ay pintuan ng napakaraming kabutihan. Isa na rito ay ang pagyakap ng kanyang mga kapamilya't mga kamag-anak.
✍️ Shaykh Muhammad Macaraya Bani