28/05/2025
𝗣𝗔𝗦𝗔𝗦𝗔𝗟𝗔𝗠𝗔𝗧 | 𝗠𝗔𝗬𝗢 𝟮𝟳, 𝟮𝟬𝟮𝟱
Sa kapilya ni San Marcos Ebanghelista, kung saan idinaos ang makahulugang Flores de Maria isang tradisyong puno ng panalangin, pag-aalay ng bulaklak, at pagpupugay kay Maria bilang Ina ng Awa ay lalong sumidhi ang aming pananampalataya. Sa bawat hakbang ng pagdiriwang, naalala namin ang halaga ng pagtutulungan at pagbibigay-pugay sa mga biyayang hatid ng Panginoon.
Nais naming ipaabot ang taos-pusong pasasalamat sa Pamilya Mendoza sa inyong mapagpalang handog: ang imahe ng Banal na Santatlo na ngayon ay tanglaw ng aming kapilya. Ang inyong kaloob ay hindi lamang dekorasyon kundi simbolo ng inyong pagmamahal sa pananampalataya at pagbibigay-inspirasyon sa aming komunidad. Dahil sa inyong kabutihan, nabubuksan ang aming mga puso upang lalong mapalapit sa Diyos at matuto ng paghahandog na tulad ng inyong ginawa.
Ang imaheng ito ay magiging sentro ng aming mga panalangin, lalo na sa pagdiriwang ng Flores de Maria at iba pang makabuluhang okasyon. Sa bawat sulyap dito, maaalaala namin ang inyong pamilya isang halimbawa ng pagiging alay sa kapwa at sa Maykapal.