24/12/2025
Bakit sinasabi sa Biblia na ang babae ay dapat may mahabang buhok? Kasalanan ba ang hindi pagsunod? Sa aral na ito, ipinaliwanag ang mahinhing pananamit, ang kahulugan ng mahabang buhok bilang kapurihan ng babae, at ang kaibahan ng babae at lalaki ayon sa 1 Corinto 11 at 1 Timoteo 2:9.
Tinalakay rin kung bakit hindi ang palda ang pangunahing utos kundi ang kahinhinan, katimtiman, at pag-iwas sa pagbibigay ng tukso sa kapwa. Isang malinaw na paliwanag batay sa salita ng Diyos, hindi sa opinyon ng tao.