Confradia ng Pinagpalang Birhen Maria ng Carmelo

Confradia ng Pinagpalang Birhen Maria ng Carmelo Ang Hirang na Hukbo ng Mahal na Ina ng Carmelo (Scapular Confraternity) "Tanggapin mo, mahal kong anak, ang Escapulario na ito ng iyong Orden.

Ang sinumang mamatay na suot ito ay hindi magdurusa sa walang-hanggang apoy. Ito'y tanda ng kaligtasan, isang pananggol sa panganib, isang kasunduan ng kapayapaan at isang palatandaan ng aking tanging pamamatnubay hanggang sa katapusan ng panahon" - Ang Mahal na Ina ng Carmelo kay Sn. Simon Stock, noo'y Superior General ng mga Frayle ng kanyang Orden, 16 July 1251

Ang milagrosong Escapulario ng Carmelo - makapangyarihang pananggol na saklolo ng Babae ng Apocalypsis (XII) SA MGA NAKIKIKPAGLABAN sa diyablo at sa kanyang mga nakikita at di-nakikitang mga kampon, sa masasamang pita ng laman, sa 'malayang isip' na pagpaspasya sa ganang kanyang sarili lamang kung ano ang tama o mali at mabuti o masama, at sa mapandayang pangako ng isang bagong 'paraiso' ("New World Order") na tumatanggi sa lubos at walang pinipiling pangkalahatan na paghahari ng Diyos sa pribado o sosyal na takbo ng buhay. Isang tanda ng kailangang pagtatago at pagtitiwala ng sarili sa Kalinis-linisang Puso ng Mahal na Ina - siyang daan at pinto sa Puso ng kanyang Anak na ating Makatuwirang Hukom sa tapos ng ating mga pakikipaglaban sa buhay na dapat ay para lamang sa ating siguradong kaligtasan at walang hanggang kaligayahan sa piling ng Diyos - lalo na sa panganib ng pagkakasala.

Address

Domus Sancti Ioseph
Los Baños
4030

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Confradia ng Pinagpalang Birhen Maria ng Carmelo posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Place Of Worship

Send a message to Confradia ng Pinagpalang Birhen Maria ng Carmelo:

Shortcuts

Share