02/03/2026
Middle East Issue--
Mapapansin sa social media na tila may dalawang uri ng pagtingin ng mga tao pagdating sa usaping Middle East: panrelihiyon at pampulitika. May tumitingin dito bilang โaqฤซdah issue, SunniโShia rivalry, jihฤd discourse, at ideological struggle. May tumitingin naman dito bilang power politics, alliances, oil routes, at military strategy.
Pero kung gusto talaga nating maunawaan ang nangyayari sa Middle East, hindi sapat ang iisang pagtingin lamang. Kailangan ang integration ng International Relations / Political Science at Islamic Studies. Kapag isa lang ang ginamit mo, kulang ang paglarawan. Kapag pinagsama mo, mas malinaw ang kabuuan. At higit sa lahat, hindi kailangan ang magmurahan. Hindi kailangang sabihin, halimbawa, โbobo ka kasi hindi mo alam ang 'aqฤซdahโ o โbobo ka kasi hindi mo alam ang geopolitics.โ Ang mas mainam ay idaan ito sa maayos at mahinahong paraan; magbahagi ng kaalaman at magtulungan upang malinawan tayo, at higit sa lahat, upang maipaliwanag sa ordinaryong mambabasa ang mas malalim na konteksto ng mga pangyayari. Sa ganitong paraan, maiiwasan ang hindi kinakailangang bangayan. Nasa Ramadhฤn pa naman tayo.
------------
Sa issue na ito, madalas nating naririnig at nababasa ang mga tanong na tulad nito:
โข Kung tinutulungan ng Iran ang Hamas sa Palestine, bakit kaalyado naman ng Iran ang rehimen ni Bashar al-Assad sa Syria noon na pumaslang din sa libo-libong Muslim?
โข Kung galit ang Iran sa Israel at sa United States, bakit hindi sila direktang nagdedeklara ng full-scale war?
โข Bakit hindi makipag-jihฤd ang Saudi Arabia at ibang Gulf countries laban sa Israel?
โข Bakit ang Turkey ay matapang sa media ngunit hindi direktang kumikilos militarily?
โข Bakit hindi nagbo-boycott ang ilang Muslim countries ng mga American at Israeli products?
Sa social media, madali ang sagot. Sa realidad, hindi. Bakit? Dahil ang mga estado o bansa ay hindi lamang kumikilos batay sa emosyon o relihiyon. May political calculations, security concerns, economic interests, domestic pressures, at strategic balancing.
--------
Ngayon, tignan natin ang issue na ito sa tatlong pangunahing teorya ng International Relations: Realism, Liberalism, at Constructivism.
[Pasintabi lang sa mga nagtapos at nag-aaral ng IR at PolSci, pakitama na lang kung may mali sa mga sasabihin ko]
1. Realism
Sa Realism, ang mundo ay anarchic; walang world government na magpapatupad ng batas sa lahat. Kaya ang bawat estado ay inuuna ang survival.
Halimbawa:
-Ang Israel ay nagsasagawa ng preemptive at deterrent strikes upang pigilan ang Iran na lumakas militarily. Ang pangunahing layunin ay survival at security.
-Ang Iran ay nagpapakita ng retaliation hindi lamang dahil sa relihiyon, kundi upang panatilihin ang deterrence at regional influence. Ayaw nitong magmukhang mahina sa rehiyon.
-Ang United States ay pinoprotektahan ang strategic ally nito (Israel) at ang military presence sa Gulf sa Middle East. Kasama rito ang seguridad ng oil routes at regional dominance.
-Ang mga Gulf states (UAE, Saudi Arabia, Qatar, Bahrain) ay nagba-balance sa pagitan ng Iran at US. Hindi ito dahil โduwagโ sila, kundi dahil survival din ang prioridad.
Sa realism, power at security ang pangunahing layunin, hindi relihiyon. Kaya hindi nakapagtataka kung minsan sinusuportahan ng Iran ang Palestine kahit sila ay mga Sunni, ngunit sa paraang hindi isasakripisyo ang sariling pambansang interes. Ito ay maaaring dahil sa survival, security, at upang sila ay magkaroon ng regional influence.
2. Liberalism
Sa Liberalism, posible ang cooperation sa pamamagitan ng diplomacy, international institutions, at economic interdependence.
Mga halimbawa:
-May papel ang United Nations sa ceasefire resolutions at mediation.
-May sanctions at trade pressure na nakakaapekto sa desisyon ng mga bansa.
-Ang oil market dynamics ay may direktang epekto sa global economy, kaya iniiwasan ang full-scale regional war.
Halimbawa, kapag nagkakaroon ng ceasefire sa pagitan ng Gaza at Israel, hindi ito laging dahil sa โkabaitan" ng alinman sa dalawang panig. Maaaring dahil sa takot sa regional escalation, economic disruption, pressure mula sa allies, at diplomatic negotiations tulad ng ginagawa ng Saudi Arabia.
Kung emosyon lang ang pagtingin mo, sasabihin mo talaga: โTraydor ang Saudi kasi kaalyado nila ang Amerika.โ "Wala namang ginagawa ang Saudi Arabia at ilang Muslim countries." Pero sa liberal framework, maaaring ang layunin ay iwasan ang full-scale war, protektahan ang global oil market, at panatilihin ang regional stability.
3. Constructivism
Sa Constructivism, mahalaga ang identity at paniniwala sa paghubog ng foreign policy.
Halimbawa:
-Ang Iran ay may revolutionary Islamic identity mula 1979. Nakikita nito ang sarili bilang lider ng โAxis of Resistanceโ laban sa Western influence.
-Ang Israel ay tinitingnan ang Iran bilang existential threat, hindi lamang militarily kundi ideologically.
-Ang Saudi Arabia ay may SunniโArab leadership identity at historical rivalry sa Iran.
-Ang Turkey ay may Ottoman historical memory at aspiration for regional influence. Malakas minsan ang rhetoric, ngunit ang aktwal na policy ay nakabatay pa rin sa strategic calculation. Sa constructivism, mahalaga ang narrative: paano mo tinitingnan ang sarili mo? Paano mo tinutukoy ang kalaban mo? Ang mga ideyang ito ang humuhubog sa aksyon ng estado.
------------
Okay, Ano ang dapat na approach rito?
Kung panrelihiyon lang ang pagtingin mo sa issue na ito, lahat magiging 'aqฤซdah issue. Lahat magiging betrayal o hypocrisy.
Kung geopolitics lang ang pagtingin mo, mawawala ang papel ng ideology at sectarian identity. Hindi mo maiintindihan kung bakit malakas ang emosyon at narrative framing.
Ano ang mas tamang approach?
Integrated Analysis..
1. Unawain ang theological at sectarian dimensions.
2. Unawain ang geopolitical calculations.
3. Unawain ang economic at institutional pressures.
4. Ihiwalay ang emosyon sa pagsusuri.
Ang krisis sa Middle East ngayon ay hindi simpleng tanong na โBakit hindi sila lumaban?โ o โBakit hindi nila bombahin ang ano..?โ Hindi ito basta SunniโShia rivalry o Muslim-Jewish rivalry. Ito ay komplikadong pagsasama ng Power politics (Realism), Diplomacy at institutions (Liberalism), Identity at ideology (Constructivism).
Kaya nga, ang mga malalaking 'Ulamฤ ng Salafiyyah ay nagbibigay ng payo sa mga mag-aaral ng kaalaman(tullฤb 'ilm) na iwasan ang direktang panghihimasok sa usaping pulitika, sapagkat ito ay komplikado at madalas na puno ng panganib. Hinihikayat nila ang mga mag-aaral na ituon ang oras at lakas sa pag-aaral ng Qurโฤn, Sunnah, at Sharฤซโah, at sa pagbibigay ng tamang gabay at edukasyon sa lipunan, sa halip na malubog sa delikadong larangan ng politika.
--------------
Sa panahon ngayon ng kaguluhan, lalo na dito sa social media, mas kailangan ang critical thinking kaysa mabilis na reaction.
Kapag may narinig o nabasa kang impormasyon na nakakalito o nakakagalit, magtanong sa mga taong may sapat na kaalaman sa usapin. Huwag lang umasa sa iisang source; mag-research ka sa ibaโt ibang credible references, then compare, analyze, and connect the dots. Gamitin ang isip bago ang daliri sa pag-share.
Kapag tinanong ka tungkol sa isang bagay na hindi mo alam, have the courage to say, โHindi ko alam.โ That is not weakness; that is honesty and intellectual humility. Mas mabuti ang umamin kaysa magpanggap na eksperto.
At kung wala kang mabuting sasabihin, choose silence. Tulad ng sinabi ng Propeta Muhammad ๏ทบ: โAng sinumang naniniwala sa Allฤh at sa Huling Araw ay magsalita ng mabuti o manahimik.โ
Sa panahon ng magulo at maingay na sitwasyon, minsan ang pinakamalakas na paninindigan ay ang pagiging maingat, mapanuri, at may disiplina sa pananalita.
Wallฤhu aโlam wa ahkam
โJabber Y. Mamoclo
Kabanata Arรกbe-Islรกmiko