Share God's Word

Share God's Word Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Share God's Word, Religious organisation, Pinagkawitan, Lipa City.

“HUWAG MAGING MAKASARILI, KALIGTASAN MO’Y IPAMAHAGI“ROMA 10:14-15  “ Paano naman sila tatawag sa kanya kung hindi sila s...
16/02/2026

“HUWAG MAGING MAKASARILI, KALIGTASAN MO’Y IPAMAHAGI“

ROMA 10:14-15 “ Paano naman sila tatawag sa kanya kung hindi sila sumasampalataya ? Paano sila sasampalataya kung wala pa silang napakinggan tungkol sa kanya ? Paano naman sila makakapakinig kung walang mangangaral sa kanila ? At paanong makakapangaral ang sinuman kung hindi siya sinugo ? Tulad ng nasusulat, “ O kay gandang pagmasdan ang pagdating ng mga nagdadala ng Magandang Balita

I. PAHALAGAHAN ANG BAWAT PAGKAKATAON NA IBAHAGI ANG MABUTING BALITA

A. Sapagkat ang evanghelyo ay may kapangyarihang magligtas sa sinumang makakarinig at maniniwala sa mensaheng ipinahayag.

B. Sapagkat ang pagsasawalang kibo o pagpapaliban na ipahayag ang evanghelyo ay katumbas ng pagtangi sa dakilang atas ni Kristo.

II. PAHALAGAHAN ANG PANGANGAILANGAN NG PAGTUGON SA MABUTING BALITA

III. PAHALAGAHAN ANG PAGDADALA NG TAMANG ARAL NG MABUTING BALITA

Mag-share ng Ebanghelyo sa isang tao, upang tuwiran nilang MARINIG, MALAMAN at MATANGGAP ang kabuuan ng Pag-ibig ng Diyos na nakapaloob sa isang MAPA na magdadala sa kanila sa isang tamang direksiyon ng buhay, na matagal ng nakadisenyo sa kanila, dahil ang PAGLILIGTAS ng Diyos ay nakabatay sa kanilang NARINIG – TINANGGAP – at SINAMPALATAYANAN na kay Hesus lamang matatagpuan ang kaligtasan ng kanilang kaluluwa, at ang tanging daan patungo sa buhay na may katiyakan at sa buhay na walang-hanggan.

18/03/2024
06/09/2023

JUAN 1:10-13

" ANG PAGTANGGAP SA SALITA NA NAGBIBIGAY BUHAY "

10 Dumating ang Salita sa sanlibutan ngunit hindi siya kinilala ng sanlibutang ito na nilikha sa pamamagitan niya. 11 Pumunta siya sa kanyang bayan ngunit hindi siya tinanggap ng sarili niyang kababayan. 12 Subalit ang lahat ng tumanggap at sumampalataya sa kanya ay binigyan niya ng karapatang maging mga anak ng Diyos. 13 Sila ay naging mga anak ng Diyos, hindi dahil sa isinilang sila ayon sa kalikasan o sa kagustuhan o sa kagagawan ng tao, kundi ayon sa kalooban ng Diyos.

Purihin ang Diyos na nagbibigay buhay at liwanag sa sangkatauhan..
Isang nakamamanghang gawa ang ipinakita ng Diyos sa kanyang mga nilikha..at sa pamamagitan ng kanyang mga Salita ang madilim na sanlibutan ay nakasumpong ng tunay liwanag na magsisilbing tanglaw at gabay ng sanlibutan..subalit ng dumating ang Salita sa sanlibutan hindi ito kinilala at tinanggap ng sanlibutan na lumikha sa kanila sa pamamagitan niya...ang Salita at ilaw na tinutukoy dito ay walang iba kundi ang Panginoong Hesus...at ang sanlibutan naman ay ang mga taong nilikha ng Diyos..kaya naman sa ating panahon ngayon marami parin ang hindi kumikilala at tinatanggap si Hesus sa kanilang buhay bilang Personal nilang Panginoon at Tagapagligtas. Sa halip ay mas lalo nilang binigyang pagpapahalaga ay ang relihiyong kanilang kinagisnan..masyado nilang ipinokus ang sarili at isip sa relihiyon kaysa magkaroon ng tamang Relasyon kay Hesus...kayat kahit anong gawin ng tao na magpakabuti, hindi parin niya makakamit ang kaligtasan, buhay na walangH hanggan at karapatang maging mga anak ng Diyos...dahil kung ating susuriing mabuti..lahat ng tao ay nilikha ng Diyos pero hindi lahat ay binigyan ng karapatang maging mga anak ng Diyos...kung gayon sino lang ang pwedeng maging mga anak ng Diyos..ayon sa talata 12 .." Subalit ang lahat ng tumanggap at sumampalataya sa kanya ay binigyan niya ng karapatang maging mga anak ng Diyos..
Kailangan muna ng isang tao na magkaroon ng tunay na relasyon kay Hesus itama ang kanyang maling pananaw at paniniwala at pagsamba sa Diyos..dahil ang pagiging mga anak ng Diyos ay hindi ayon sa kalikasan o kagagawan ng tao..kundi ayon sa kalooban ng Diyos...so anong aral ang ating matututunan sa mensaheng ito..
1. Kilalanin natin ng buong puso na tayo ay nilikha sa pamamagitan ng Salita..(HESUS)
2.Tanggapin at sampalatayanan ng buong puso si Hesus sa ating buhay bilang ating Panginoon, hari at tagapagligtas ng ating buhay.
3. Bigyan ng pansin at pagpapahalaga ang tunay na Relasyon kay Hesus at hindi sa pagtutuon ng pansin sa kinagisnang Relihiyon..

Malinaw na ang Kaligtasan ay makakamit lamang natin sa pagkakaroon ng tamang Relasyon at ugnayan sa Diyos..
Kamusta tayo bilang mga nilikha ng Diyos..ano ang ating pinaniniwalaan at pinahahalagahan sa buhay na ito..Relasyon o Relihiyon..tandaan na ang tunay na buhay at kaligtasan ay wala sa relihiyon, ito ay nakabatay sa ating tunay na Relasyon kay Hesus..dahil ang "Pagtanggap sa kanyang mga Salita ang tunay na nagbibigay buhay sa lahat ng tao..
Blessed wednesday..Godbless

31/08/2023

LUCAS 6:32-36

" PAGMAMAHAL NA WALANG ITINATANGI "

32 “Kung ang nagmamahal lamang sa inyo ang inyong mamahalin, anong pagpapala ang nararapat sa inyo? Ang mga makasalanan man ay nagmamahal din sa mga nagmamahal sa kanila. 33 Kung ang mga gumagawa lamang ng mabuti sa inyo ang gagawan ninyo ng mabuti, anong pagpapala ang nararapat sa inyo? Kahit ang masasamang tao ay gumagawa rin niyan! 34 At kung ang makakabayad lamang ang inyong pauutangin, anong pagpapala ang nararapat sa inyo? Kahit ang masasamang tao ay nagpapautang din sa kapwa nila masama, sa pag-asang sila'y mababayaran. 35 Sa halip, mahalin ninyo ang inyong mga kaaway at gumawa kayo ng mabuti sa kanila. Magpahiram kayo na hindi umaasa ng anumang kabayaran. Sa gayon, malaking gantimpala ang tatamuhin ninyo, at kayo'y magiging mga anak ng Kataas-taasang Diyos. Sapagkat siya'y mabuti kahit sa masasama at sa mga hindi marunong magpasalamat. 36 Maging mahabagin kayo tulad ng inyong Ama na mahabagin.”

Purihin ang Diyos sa kanyang napakayamang salita at pagmamahal na ipinadama niya sa lahat ng tao...ang aral na maaari nating matutunan sa mensahe ng Panginoon ay ang pagkakaroon ng tunay na Pagmamahal at pagpapakita ng tunay na pagdamay, pagtulong, pagmamalasakit, na nakapaloob sa gawang mabuti...tunay na hindi madaling gawin ang mga bagay na ito, lalo na sa mga taong hindi kaibig- ibig. Subalit ang sinasabi ng Salita ng Diyos ,kung ang nagmamahal, at gumagawa lamang ng mabuti sa atin ang ating mamahalin at gagawan ng mabuti..walang kabuluhan ang lahat ng ito..at wala tayong tatanggapin na gantimpala mula sa Diyos...dahil kahit ang mga makasalanan ay marunong ding magmahal at gumagawa din ng kabutihan sa kapwa..kaya naman ano ang ating pagkakaiba sa kanila...gayong ang sinabi ni Hesus ay higitan pa natin ang kaya nilang gawin..tulad ng..

1. Mahalin natin ang ating mga kaaway at mga taong mahirap mahalin.
2. Gumawa tayo ng mabuti sa mga taong hindi gumagawa ng mabuti sa atin.
3. Tulungan natin ang mga nangangailangan ng walang hinihintay na kapalit..

Ito ang mga larawan na dapat makita sa ating buhay na may kaugnayan kay Hesus bilang kanyang mga alagad...dito rin makikita na tayo ay tunay na mga anak ng Kataas-taasang Diyos..dahil sinusunod natin ang kanyang kalooban..na maging mapagmahal, matulungin, mapagmalasakit, at mahabagin sa ating kapwa...lagi nating tatandaan ang Diyos ay walang itinatangi siyay mabuti kahit sa mga masasama at di marunong magpasalamat...kaya naman lalo nating nasain at pagsikapan na maging mapagmahal, at matulungin sa lahat ng pagkakataon..dahil tiyak na tatanggap tayo ng gantimpala mula sa kalangitan...
Kamusta ang ugnayan at pakikitungo natin sa ating kapwa..nakadadama ba sila ng iyong tunay na pagmamahal, pagkahabag at pagmamalasakit...
Blessed thursday..Godbless

30/08/2023

LUCAS 1:30-38

" ANG PAGPAPAGAMIT NG ATING BUHAY SA LAYUNIN NG DIYOS "

30 Sinabi sa kanya ng anghel, “Huwag kang matakot, Maria, sapagkat naging kalugud-lugod ka sa Diyos. 31 Makinig ka! Ikaw ay maglilihi at manganganak ng isang sanggol na lalaki, at siya'y papangalanan mong Jesus. 32 Siya'y magiging dakila at tatawaging Anak ng Kataas-taasang Diyos. Ibibigay sa kanya ng Panginoong Diyos ang trono ng kanyang amang si David upang 33 maghari sa angkan ni Jacob magpakailanman. Ang kanyang paghahari ay walang katapusan.”
34 “Paano pong mangyayari ito gayong ako'y isang birhen?” tanong ni Maria.
35 Sumagot ang anghel, “Sasaiyo ang Espiritu Santo at mapapasailalim ka sa kapangyarihan ng Kataas-taasang Diyos. Dahil dito, ang isisilang mo'y banal at tatawaging Anak ng Diyos. 36 Hindi ba't ang kamag-anak mong si Elizabeth ay baog? Gayunma'y naglihi siya at ngayo'y ikaanim na buwan na ng kanyang pagdadalang-tao kahit na siya'y matanda na, 37 sapagkat walang anumang bagay na hindi kayang gawin ng Diyos.”
38 Sumagot si Maria, “Ako'y alipin ng Panginoon. Mangyari nawa sa akin ang iyong sinabi.” Pagkatapos, umalis na ang anghel.

Purihin ang Diyos sa kanyang banal at makapangyarihang salita...si Maria ay isa sa piniling babae na kinalulugdan ng Diyos na isang birhen, bilang isang instrumento ng Diyos upang ipaglihi at iluwal mula sa kanyang sinapupunan ang Cristong Tagapagligtas..tunay na isang kamangha-mangha ang gawa ng Diyos sa kanyang buhay na maituturing mapalad na babae na kinasangkapan ng Diyos...bagamat sa kanyang kalagayan bilang isang birhen ay tila imposibleng magbuntis at magluwal ng isang sanggol mula sa kanyang sinapupunan..gayun paman ang magandang mensahe ng anghel kay maria ay kailangang maganap sapagkat iyon ang Kalooban at plano ng Diyos sa buhay ni maria...at dahil sa kanyang pananampalataya at pagtitiwala naganap ang dakilang gawa ng Diyos, upang matupad ang nakasaad sa kasulatan na isisilang ang tagapagligtas ng sangkatauhan...anong aral ang matututunan natin sa buhay ni maria...
1. Si maria ay namuhay ng KALUGUD-LUGOD sa paningin ng Diyos..
2. Si maria ay sumunod sa KALOOBAN ng Diyos..
3. Si maria ay nagpagamit sa LAYUNIN ng Diyos..
4. Si maria ay may puso ng pagiging isang aliping MAPAGPAKUMBABA sa harapan ng Diyos.

Sa ating kapanahunan ngayon ang Diyos ay naghahanap din ng mga taong handang ipagamit ang kanyang buhay sa Panginoon, sumunod sa kanyang kalooban, magtiwala sa kanyang kapangyarihan at magsilbing daluyan ng pagliligtas ng ating Panginoong Hesus..
Lahat ng tao na may kauganayan kay Hesus ay maituturing na mapalad hindi lamang si maria....kung susundin lamang natin ang kalooban ng Diyos at magpapasakop sa kanyang mga layunin...
Kamusta ang ating buhay.....nagiging kasangkapan ba tayo ng Pagliligtas ng Diyos, at nagiging daan ng paglapit nila kay Hesus...o nagiging daan tayo ng paglayo nila at di pagsampalataya kay Hesus...
Blessed wednesday..Godbless

29/08/2023

MARCOS 16:14-16

" ANG KAHALAGAHAN NG PANANAMPALATAYA AT BAUTISMO SA ISANG TAO "

14 Pagkatapos, nagpakita si Jesus sa labing-isang alagad habang kumakain ang mga ito. Sila ay pinagalitan niya dahil sa hindi nila pananalig sa kanya at dahil sa katigasan ng kanilang ulo, dahil ayaw nilang maniwala sa mga nakakita sa kanya pagkatapos na siya'y muling mabuhay.

15 At sinabi ni Jesus sa kanila, “Humayo kayo sa buong mundo at ipangaral ang Magandang Balita sa lahat ng tao.

16 Ang sinumang sumasampalataya at mabautismuhan ay maliligtas, ngunit ang ayaw sumampalataya ay paparusahan.

Purihin ang Diyos sa kanyang mga salita...tunay na hindi natin pwedeng baliwalain ang pahayag na ito ng ating Panginoong Hesus...kaya naman sa pamamagitan ng mga alagad o lingkod ng Diyos na ngangaral ng mabuting balita ng kaligtasan, tayo ay magkaroon ng kabukasan ng ating puso at isip sa mga pahayag na ito ng Ebanghelyo..dahil ito ang tunay na pag- asa at kaligtasan ng sangkatauhan...kaya wala na tayong maidadahilan sa Panginoon kapag dumating na ang paghuhukom at muling pagbabalik ni Hesus..upang isama sa kanyang kaharian ang lahat ng kumilala, nakinig, sumampalataya, at tinanggap si Hesus bilang personal niyang Panginoon at taga- pagligtas ng kanyang buhay...dahil ang bilin ang sinumang sumampalataya at mabautismuhan ay siyang maliligtas, ngunit ang ayaw sumampalataya ay mapapahamak...
Nasa atin na ang tamang pagpapasya..kung tatanggapin natin ito o tatanggihan...

Blessed tuesday GODBLESS

28/02/2023

ECCLECIASTES/ MANGANGARAL 5:4-7

" HINDI NALULUGOD ANG DIYOS SA MGA NANGANGAKO NG PABIGLA-BIGLA "

4 Kung mangangako ka sa Diyos, tuparin ito agad; hindi siya nalulugod sa taong mangmang. Kaya tuparin mo ang iyong pangako sa kanya.
5 Mabuti pang huwag ka nang mangako kaysa mangangako at hindi mo tutuparin.
6 Huwag mong pabayaang magkasala ka dahil sa iyong pananalita, mangangako ka at pagkatapos ay babawiin mo. Sa ganyan galit na galit ang Diyos. Kung magkagayon, hindi ka niya pagpapalain sa anumang iyong ginagawa.
7 Kaya, gaano man kadalas ang iyong panaginip, gaano man karami ang walang kabuluhan mong salita at gawa, magkaroon ka ng takot sa Diyos.

Ang Aklat ng MANGANGARAL ay naglalaman ng mga kaisipan ng isang lalaking nagbubulay-bulay sa kaiklian ng buhay..dahil ang buhay ay nagwawakas sa walang kabuluhan kung wala ang Diyos..natuklasan ng mangangaral na kung ang isang tao na nabubuhay dito sa mundo ay hindi pinaghaharian ng Diyos at hindi lumalakad sa kaparaanan ng Diyos..itoy para lamang hangin na itinataboy kung saan-saan patutungo...
At dito nagbigay ng babala ang sumulat na kung saan, huwag nating hayaan na magkasala tayo dahil sa ating pabigla-biglang pangangako sa harapan ng Diyos kapag tayoy nananalangin sa kanya...at wag nating aariing isang biro ang mga salitang bibitawan natin sa kanya..dahil siya ay Diyos na nasa langit..kaya kung mangangako tayo na SUSUNOD..MAGLILINGKOD..MAGPAPAGAMIT SA KANYANG KAHARIAN...TUTULONG SA KAPWA..AT SA GAWAIN NG PANGINOON..dapat tutuparin natin iyon...kasi dyan galit na galit ang Diyos..kaya ang babala ay hindi niya Pagpapalain ang lahat ng ating gagawin...
Kaya mainam na pagyamanin natin na magkaroon ng pagkatakot at paggalang sa Diyos dahil siya ang may hawak ng ating buhay at maging ang ating kinabukasan..
Kayat maging maingat tayo sa ating mga sinasabi at huwag pabigla-bigla...lalung-lalo na kung sa Diyos natin ito sinasabi...
Blessed tuesday..GODBLESS

27/02/2023

KAWIKAAN/ PROVERBS 18:16

" REGALONG HANDOG NA NAKALULUGOD SA DIYOS "

" 16 Kung nais mapalapit sa maykapangyarihan,
magdala ng regalo, sa kanya ay ibigay."...

Si haring Solomon ay Isang kahanga-hangang tao na sumulat nito na punung-puno ng Karunungan galing sa Diyos..na maaari nating maging gabay sa ating pamumuhay..at dito sa texto binibigyan diin ni solomon na kung nais nating magkaroon ng kalapitan sa ating DIYOS na makapangyarihan..dapat ay magbigay tayo ng regalong makapagpapasaya at makalulugod sa kanya..
Tulad ng:
* TAPAT NA PAGSUNOD SA KANYANG MGA SALITA

* PAMUMUHAY AYON SA KANYANG KALOOBAN AT MAY PAGKATAKOT SA DIYOS

* BUONG PUSONG SUMASAMBA AT NAGLILINGKOD SA KANYA

* MAGING DALUYAN NG PAGLILIGTAS NI HESUS PARA SA IBA..

Ito ang mga handog o regalong kinalulugdan at labis na nakakapagpangiti sa puso ng Diyos..
Bilang mga anak ng Diyos sa paanong paraan tayo nagbibigay ng regalo sa Diyos at anong uri ng regalo ang ating inihahandog sa pang araw- araw nating pamumuhay..upang mas lalo tayong mapalapit sa kanya...OFFER YOUR LIFE AS A LIVING SACRIFICE...(Romans 12:1)
Blessed monday ...Godbless

25/02/2023

KAWIKAAN 9 10-12

"ANG PAGKAKILALA SA DIYOS AY NAGBUBUNGA NG TUNAY NA KARUNUNGAN "

10 Ang paggalang at pagsunod kay Yahweh ay pasimula ng karunungan,
ang pagkilala sa Banal na Diyos ay may dulot na kaalaman.
11 Sa pamamagitan ko, hahaba ang iyong mga araw,
dahil sa akin, lalawig ang iyong buhay.
12 Kung mayroon kang karunungan, mayroon kang pakinabang,
ngunit ika'y magdurusa kapag siya'y tinanggihan.

Isang napakagandang karanasan ng tao sa buhay ay ang makilala si Hesus bilang kanyang Panginoon at Tagapagligtas....Sapagkat ito ang pasimula na malalaman mo ang Katotohanan, Daan at ang buhay sa piling ng Panginoon...at habang lumalalim tayo sa PAGKAKILALA sa kanya umuunlad ang ating PAGKAUNAWA sa mga bagay na mabuti at NAKALULUGOD sa kanya...kaya ang tunay na KARUNUNGAN ay nagsisimula sa ating PAGGALANG AT PAGSUNOD...SA DIYOS...at ang KARUNUNGANG ito ay hindi kayang ibigay ng mundo...
BLESSED FRIDAY..GODBLESS!

23/02/2023

MGA AWIT 139:1-4

" BATID NG DIYOS ANG LAHAT SA ATING BUHAY "

Ako'y iyong siniyasat, batid mo ang aking buhay,
ang lahat kong lihim, Yahweh, ay tiyak mong nalalaman.
2 Ang lahat ng gawain ko, sa iyo ay hindi lingid,
kahit ikaw ay malayo, batid mo ang aking isip.
3 Ako'y iyong nakikita, gumagawa o hindi man,
ang lahat ng gawain ko'y pawang iyong nalalaman.
4 Di pa ako umiimik, yaong aking sasabihi'y
alam mo nang lahat

Tunay na hindi natin kayang unawain ang Karunungan ng Diyos..dahil sa bawat araw na tayo ay nabubuhay dito sa mundo lahat ng ating ginawa o gagawin pa ay alam na niya kung ito ay nakalulugod sa kanya o hindi...Kahanga-hangang Diyos ang ating pinaglilingkuran...batid niya at kitang-kita niya kung ano ang tunay na laman ng ating ISIP at PUSO...kaya naman bilang mga anak ng Diyos...mamuhay tayong may pagkatakot at pagpapasakop sa kanyang kapamahalaan..lumakad tayo ng ayon lamang sa kanyang kalooban at kaparaanan..upang patuloy nating masumpungan ang kanyang...Pagkupkop.. Pag-iingat..Pagkalinga..at Pagliligtas sa bawat araw na tayo ay nabubuhay kasama ng ating Panginoon sa isang paglalakbay tungo sa isang buhay na may kabuluhan...at lumalakad sa katuwiran at kabanalan ng Diyos...
Blessed thursday...Godbless

Address

Pinagkawitan
Lipa City
4217

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Share God's Word posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share