26/07/2026
Salmo 119:97-104
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
97 Iniibig ko ang inyong kautusan.
Palagi ko itong pinagbubulay-bulayan.
98 Ang mga utos nʼyo ay nasa puso ko,
kaya mas marunong ako kaysa sa aking mga kaaway.
99 Mas marami ang aking naunawaan kaysa sa aking mga g**o,
dahil ang lagi kong pinagbubulay-bulayan ay ang inyong mga turo.
100 Higit pa ang aking pang-unawa kaysa sa matatanda,
dahil sinusunod ko ang inyong mga tuntunin.
101 Iniiwasan ko ang masamang pag-uugali,
upang masunod ko ang inyong mga salita.
102 Hindi ako lumihis sa inyong mga utos,
dahil kayo ang nagtuturo sa akin.
103 Kay tamis ng inyong mga salita, mas matamis pa ito kaysa sa pulot.
104 Sa pamamagitan ng inyong mga tuntunin,
lumalawak ang aking pang-unawa,
kaya kinamumuhian ko ang lahat ng gawaing masama.
Hindi sapat ang pagmamahal sa Salita ng Diyos na hanggang pagbabasa lamang. Ang tunay na pag-ibig dito ay makikita kapag ang Kanyang Salita ang naghahari sa ating isip at puso. Kaya’t mahalagang tanungin ang ating sarili: Gaano kadalas nating binubulay-bulay ang Salita ng Diyos?
Itinuturo ng Awit 119 na ang Salita ng Diyos ang nagbibigay ng tunay na karunungan—higit pa sa kaalaman ng mga kaaway, mga g**o, o ng matatanda. Hindi ang karanasan o ang edad ang sukatan ng tunay na karunungan, kundi ang pamumuhay ayon sa Salita ng Diyos.
Hindi maaaring pagsabayin ang pag-ibig sa sanlibutan at ang pag-ibig sa Salita ng Diyos. Ang Kanyang Salita ang nagtuturo sa atin ng tamang landas at nag-aakay sa atin na talikuran ang kasalanan.
Kung tunay nating iniibig ang Panginoon, iibigin din natin ang Kanyang Salita. Kaya’t basahin natin ito, tanggapin, bulay-bulayin, at higit sa lahat, isabuhay sa araw-araw.
Happy Lord’s Day!🙏🏼🙏🏼