15/04/2026
๐๐ฅ๐๐๐ฒ ๐ง๐๐ ๐ฌ๐๐ ๐๐ฐ๐ ๐ง๐ ๐๐ซ๐จ๐ฏ๐ข๐ง๐๐ข๐๐ฅ ๐๐ข๐๐ฅ๐จ๐ ๐ฎ๐ ๐ฉ๐๐ซ๐ ๐ฉ๐๐ฅ๐๐ค๐๐ฌ๐ข๐ง ๐๐ง๐ ๐ฉ๐๐ฉ๐๐ฅ, ๐ฉ๐๐ซ๐ญ๐ข๐ฌ๐ข๐ฉ๐๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง ๐ง๐ ๐๐๐ ๐ฌ๐ญ๐๐ค๐๐ก๐จ๐ฅ๐๐๐ซ๐ฌ
(Legazpi City, April 15, 2026) Nagsagawa ng Provincial Dialogue on Strengthening Roles, Coordination, and Participation of Persons with Disabilities Stakeholders in Albay ang Pamahalaang Lokal ng Albay, sa pamamagitan ng Albay Provincial Persons with Disability Affairs Office nitong ika-13 ng Abril sa Governorโs Guest House sa Legazpi City.
Ito ay nagsilbing mahalagang plataporma upang talakayin ang mga napapanahong isyu, matukoy ang mga sunod sunod na hakbang, at mapalakas ang kakayahan at partisipasyon ng PWD sector.
Sa pamamagitan ng talakayan at mga gawain hinggil sa partisipasyon at collaboration, pinagtibay na ang inklusibong pag-unlad ay nagsisimula kapag nagkakaisa ang mga stakeholders, napapalakas ang boses ng bawat isa, at nabibigyan ng pagkakataon ang mga Persons with Disabilities (PWDs).
Ang nasabing hakbang ay bahagi ng pagsusulong ng mas maayos na collaboration, aktibong partisipasyon, at empowerment ng PWD sector sa Albay.
PMCastillo, Albay PIO Intern