23/03/2026
March 23, 2026
BARANGAY UPDATE 🩺
Matagumpay na naisagawa ang Chest X-ray Activity sa ating barangay katuwang ang CHO Marawi. Layunin ng aktibidad na ito na makatulong sa maagang pagtuklas ng mga sakit sa baga, lalo na ang TB, para sa mas ligtas at malusog na komunidad.
Maraming salamat po sa lahat ng nakiisa at sumuporta sa programang ito. Ang inyong pakikiisa ay malaking tulong sa pagpapanatili ng kalusugan ng bawat isa.